The stories of an uncommon commoner

Small but brusque

Sa isang public elementary school may isang siga-sigaan na estudyanteng batang lalaki. Sa pagka-bully niya ay pinapatulan niya kahit mga babae. Kinaasaran siya pero kinakatakutan ng mga kaklase dahil ayaw nilang masaktan. Ang masaklap nito ay hindi lamang siya ang may ganitong ugali. Nahawaan niya ang ibang batang lalaki sa kanilang klase.

Isang araw ay napagtripan naman niya ang isang batang babae. Ipinagtanggol kasi nito ang sinapak niyang kaklase nila. Lakas ng loob nito, gayong sa height at built ng katawan ay napaka-average nito. Inundayan niya ng suntok pero sa kanyang gulat ay nasalag siya nito  at saka siya sinapak at pinagpapalo sa ulo ng jollibee payong nito. Mula noon ay hindi na namamatol ang lalaki, lalo na sa kaklase niyang ito.

The tough idiot

In this class of high school students, naglalabu-labo ang mga talented, matatalino at average teenagers. May isang guy dito na known for his cool image, galing sa pagdo-drawing, at husay sa pagigitara. Ang isa lang niyang problema ay mahilig siyang mag-cutting class.

May ilan na nagka-crush sa kanya, kasama na rito ang hindi kagandahang dalaga. Nang malaman niya ito ay agad siyang naglitanya na bopol naman daw ito sa klase, lalo na sa Math. Nasaktan ang dalaga pero ano magagawa niya, ayaw siya ng crush niya.

One day, hindi um-absent si cutting class boy at napakinggan kung paano mag-report si di kagandahan girl. Minsan naman ay namalas niya kung paano ito mag-lead ng isang grupo. Naka-partner din niya ito sa sayaw, napanood sa iba’t ibang program nila sa school at nakakakuwentuhan na rin niya ito.

Bigla siguro na- realize na lang niya na special itong si ‘di kagandahan girl. Hindi siya mapapansin kagad dahil maraming maganda at matatalino sa klase. In the end, si bopol at di kagandahan girl ay gumaradweyt with honor at niligawan niya.

Simply amazing

To her dismay, hindi lang siya nag-aaral sa university na parang sosyal kundi nakaka-culture shock din ang pagiging sunod sa fashion, grade conscious and active ng kanyang mga kaklase. Hindi niya kayang sabayan ang mga ito, dahil iginagapang lang siya ng kanyang mother para makapag-aral at hindi siya ang tipong matalino sa lahat ng bagay.

Habang ang iba ay nahihilig sa mga latest trends, music, gimikan, siya naman ay sa mga kakatwang bagay pa nagkainteres.  At ang mga nahanap niyang true friends ay masasabing may pagka-introvert. Reality check, she believes that she’s just a plain Jane for everyone.

And then one day, nakasabay niya ang isa niyang kaklase na go for cuteness and hottest things. That day ang kanyang classmate ay medyo balisa and then bigla nitong sinabi na mabuti pa siya stunning sa pagiging simple. No complications, no hassles and looks happy na parang nakakainggit.

That’s why I take pleasure in my weaknesses, and in the insults, hardships, persecutions, and troubles that I suffer for Christ. For when I am weak, then I am strong.”

2 Corinthians 12:10

Note: ang mga istoryang ito ay base sa mga tunay na pangyayari sa buhay ni _ _ _ _ _

16 thoughts on “The stories of an uncommon commoner

  1. naka-relate ako dun sa last scenario. hahaha :)) ung na-culture shock dahil andami palang taong ganun. 😀 ndi lang pla ako ang nakaramdam nun dito sa mundo. Hehe. 😀 BUHAY NI… ?

    Anyway, napadaan lang 😀

    1. salamat pagdaan gudang and welcome dito (muli?) sa Hoshilandia Sr. hehehe

      click mo lang yung blank ng malaman mo. hehehe

      oo naman maraming ganyan lalo na kung bago ka sa lugar at feeling mo naiiba ka sa crowd. masasabihan ka pa na ‘are you one of us?” hehehe

      mabuhay!

  2. hahahaha! buhay mo ata to ah. ikaw ba ‘to?
    dun sa culture shock. hindi naman masyado naculture shock kasi ano eh mga engineering mga klasmeyts ko. halos lahat kami dun napakarugged ng dating. yung tipong simple lang. hakhak! kaya okay na okay sa akin ang college! hakhak!

    1. nau di ko alam kung ako ito. wahahaha

      ay mabuti yang environment mo masaya. pero may iba talagang naghuhumiyaw na nasa earth pa ba ako? hehehe

      more power sa mga jkabagayan ng sinasabi nilang mga commoner pero astig!

  3. Bah, ako yata yung SmallButBrusque! 🙂

    Di ba ikaw yung lagi kong pinapaiyak noon? Nilalagyan ko ng bato yung school bag mo tsaka di ba ikaw yung uhugin pikon at palasumbong?

    Naaaa, kasarap lang paiyakin ang pikon hehehe!

  4. review:

    yung una,nakakatakot kalabanin

    yung pangalawa,hindi maaaring baliwalain

    yung pangatlo,hahangaan sa kapayakan ng buhay na pinili

    paniguradong ang mga bida rito ay mabuting tao.

    pasyal lang.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s