itinuturing na exotic food ng iba ang chicken feet, na tinatawag ding adidas o nike ng ilan sa ‘tin.

nirerespeto ko ang mga taong ayaw kumain nito. Paa nga naman at kung imagine-nin mo na lang kung saan nagkakahig o dumapo ang mga manok.
pero ako gustong-gusto ko ito kapag lutong adobo (sa kulay mukhang madumi pa rin hehe). Kapag nagtatanong si manang juling kung anong ulam, ‘yan talaga ang isa sa nire-request ko. talagang kamayan to the highest level ang pagkain niyan at pabundukan ng buto sa pinggan.
at then end of the day tuwang-tuwa pa sina Bruno, Boomer, at Bossing ( mga aso namin). ewan ko lang kay Kitkat na pusa naman namin. hehe
sana lang manatiling mababa ito sa merkado at masigurong malinis kainan.
Meet my Jr. – Hoshilandia.com
Sorry, di ako kumakain ng adidas na kaliwa hehehe!
ah ganoon? choosy ka pa ha. hehehe
hehehe. tingnan mo yung litrato, puro mga kaliwa ang nailagay. May naka-manicure pa, o kaya, kamay ng bading na manok hehehe!
in fairness napansin m pa yun ha? at may pang bading pa. sorry may napasali dyan n pang lesbi. wahehehe
Sa totoo lang, ‘di talaga ako kumakain niyan. But I’d like to try, one day.
Sa amin sa probinsia noon, sa mga matatanda lang (daw) ang kumakain. Now I’m curious kung bakit. Siguro masarap nga hehehe!
Sa bukid naman(noon)pag araw ng taniman at maraming tao, pag nagkatay sila ng native na manok na ipapakain, akin ang atay, gizzard, maliliit na itlog (pag nagkataon na nangingitlog ang kakatayin) at itlog-itlogan 🙂 (pag lalaki).
🙂
oh ayan hinog ka na nga para kumain niyan. wahahaha
nike wala?
nyahaha
ah nye iisa lang yun kuya raft3r!
love q yan!!! penge.. 🙂
hi kayedee and welcome sa Hoshilandia Sr.!
yeah we love it!
wahahaha ako star gustong gusto ko din nyan
nasa pagluto at paglinis lang yan…
mukhang pagkain talaga ko hahaha
korek=korek nasa paglilinis at pagluluto yan. sarap-sarap e. di ba?
Very colorfull ng set-up… Nabigyan nya ng buhay ang wala ng malay na mga paa ng manok.
Mahilig ako sa chicken feet. Fav. Namin ng mami ko hehehe. Mas masarap to lalo pag inihaw tapos kakainin mo sa loob ng Starbucks, or Gloria Jeans. Alam nyo ba na dito lang sa Pilipinas nabibili ang chicken feet. Lahat ata ng mga tinatapon na sa ibang bansa napapakinabangan pa natin eh. Kaya dito mapapatunayan na pag nagkaroon ng malawakang tagutom, mga Pilipino ang unang makakasurvive. Keep it up!
hahaha oo agree ako sa iyo mumbaki na resourceful ang mga Pinoy.
actually isa pa sa nami-miss ko ay ang tinik-tinik sa Cubao. Iyon ayyung mga tinik ng tuna na may konti pang laman (mala-ribs ng mha baboy).
kapag nakakain ako noon, lagay ko rin dito.
ei thank you sa pagpunta. punta ako sa blog mo may nakain akong masarap from your place. mabuhay!
hahaha.. ganun ba? May ipapahanap din ako sau ewan ko lang kung alam mo. Backbone ng chicken. I was wondering why natitira ang backbone ng chickenand made available sa mga palengke. Natikman ko lang yung sa sister-in-law ko. Meron pang isa eh yung lamang loob ng itik. Grabe hitik na hitik sa cholesterol.
Palala: Ingat lang sa pagkain ng mga ito…
ay talagang aalalahanin ko ang paalala mo. ayoko matigok dahil lang sa manok. hehehe
hindi ko pa natitikman yang mga sinabi pero magtatanong-tanong ako sa mga bagay na yan kapag napadako ako sa palengke. hehehe
mabuhay!
ako di ako kumakain niyan natatakot kasi ko sa hitsura… 😆
naiintindihan ko girl. parang mga na-murder nga sa kutkutan nila aleng nagpi-pedicure
lahat ng parte ng manok kinakain ko na ata except lang syempre yung mga feathers niya. hakhak!
masarap ang adidas pero mas masarap as in sobrang sarap pa rin para sa akin ang isawwwwwww! tapos betamax! ang sarap! natotomguts tuloy ako! nubayan!
ay oo naku lalo na pag mainit at ag sarap ng timpla ng sukang with sili and onion. wahhhh
abaahh eh manginginain kapala ng manok. wahahaha
pero like sabi ni mumbaki, ingat din sa sobrang pagkain. masama sa health.
mabuhay!
hindi ako kumakain niyan. kaya no comment. hehe
hindi may comment ka eh. hahaha
masarap din yang paksiwin.yung parang paksiw na pata ng baboy na luto.
tapos pagkakain,magbasa ka ng libro…hindi mo na kailangang basain ng laway ang dulo ng daliri mo para mag flip ng pahina.
wahhhh goodluck sa dumi ng libro. pero ma-try yang suggestion mo. hindi ko pa natitikman yang ganyan.