Wala ng kwento at paniniwala?

i

Salamat sa inyong lahat na nagreklamo bat ang haba-haba ng url at blogname ko!

Salamat sa mga nagtanong kung hitokirihoshi ba talaga ang real name ko.

Salamat din sa nag-inquire kung may lahing Hapon ba ako?

ii

Pero hindi man lang niyo tinanong kung… Ano ba ang gawain ko sa buhay?

My motto in life? May bf na? O may nagtatiagang BFF?

Isang hampas lupa o miembro ng alta-sosyedad?

iii

Pero salamat sa nag-abalang mag-isip kung san ko pinagpupulot ang mga ideya ko.

Salamat doon sa laging nagko-comment, concern at maging doon sa tawa lang tawa sa akin. Yung buma-boundary na sa diwa ko kung natutuwa o pinagtatawanan talaga ako nito?

Salamat doon sa basa lang ng basa, hindi naman nagko-comment at ni hindi man lang nagre-rate.

iv

sa bagay sino ba naman ako, mag-aakyat ba ako ng pera sa kaban ng bayan?

Maso-solve ko ba ang problema sa inyong puso’t isipan?

Ah baka nga pinalabo ko pa ang inyong sitwasyon at sukat na ma-realize ninyo na…Ito bang hito este prito, hitokir, yeah whatever… ay may K na maging blogger? Papanggap lang ata e.

v

well, hindi ko kayang i-please ang sinuman

Gusto ko lang sana magpasaya, ang pumukaw ng kamalayan

Nais kong ibahagi ang aking nalalaman at mga nagugustuhan

Kung di n’yo trip, okay fine! Hindi ko kontrolado feelings ninyo.

I’m just me, ang taong nagtatago sa pangalang Hitokirihoshi.

vi

Sana lang ay naisip ninyo kung gaano ko pinag-iisipan ang mga pino-post ko

Kung sinasala ko ba ang mga words ko, gumagamit ba ako ng word count o ano

Kumukonsulta ba ako sa mga batikang bloggers, editors, jurors etc

Okay di naman ako bitter, thankful nga ako diba?!

vii

pero nagtatanong na rin ako, nauubusan na ata ako ng kuwento? May pumapansin ba sa paniniwala ko? hayyyy

So sige para malaman mo ang dahilan ng pagmo-monologue kong ito..

Ito ang sagot, “BOW!”

(Tamo baka hindi mo pa i-click yang word na ‘yan, click mo na!)

Advertisements

33 comments

  1. Nag-comment na a, last year pa ahuuu!

    And now Ms. Hoshi, for the nth-time, sagutin mo ang tanong ng nakararami. Remember, you were sworn to tell the truth, nothing but the truth hehehe!

    • sasagot ako ng truth but nothing but the truth pero ikaw liar.

      anong tanong ng nakakarami. eh ikaw lang nagtatanong wahahaha

      o siya-siya baka naman ang magtampo ang nakakararaming tanong mo.

      marami akong BF actually. 4 na magkakaibang level. haahha
      best friends ba? ngayon kong boyfriend ito. wala!

  2. E…., tagal mo kasing sumagot, ahuu!

    Kaya eto, nasa korte na tayo; People of the Philippines vs HoshiKiri hehehe. Ako ang prosecuting attorney. Next question: “wala NA or wala PA”?

    Hala ka, galingan mo sumagot, maraming nakikinig. Baka for life na ang sentence mo hehehe!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s