…ay parang…

ang pag-ibig ay parang halaman, minsan nagbubunga ng maganda ang iyong tinanim pero may iba rin sira,  hilaw, at baog. depende rin ‘yan kasi sa pagkakabaon ng punla o buto.

ang pulitika ay parang swimming pool, ang mga pulitikong okay kinakaya ang sistema kahit parang  mamumulikat din. Yung mga ganid, sumisisid pa talaga at nilulunok ang lumot, laway at ihi doon. pag-ahon nila its either isa na silang palakang KOkak or bouncing buwaya.

ang showbiz ay parang hagdan, ginagawang tulay sa pagsikat at pagyaman. kapag mali ka ng hakbang sa ilalim ng tulay ang iyong bagsak.

ang pagtatrabaho ay parang pagba-bike, pedal-pedal para kumita, ingat-ingat baka sumemplang.

ang ispirituwalidad ay parang salamin, ipapakita nito kung ano ang eksaktong imahe mo- kung may kulang, kung magulo o kung pleasant naman.

ang pakikipagkaibigan o pakikipagkapwa ay parang plug, kapag hindi mo i-konek sa outlet, walang current.

ang pagkatao ay parang resume, ikaw ang magtatala ng iyong experiences, educational attantaiment, extracurricular activities, skills at references. nasa sa iyo na yan kung available ka upon request. well kung wala kang mailagay, batugan ka, pag punong-puno eh eddie addict ka sa mga kabagayan.

ang hoshilandia ay parang cruise ship, kung saan-saan naglalayag at baka hindi mo alam dadaong na ito saan man sa ibayong dagat.

Advertisements

10 thoughts on “…ay parang…

  1. wow nice post star ang galing naman ng analogy mo sa mga bagay bagay

    galing ang pagkakaibigan parang plug.. correct kelangan talaga dapat laging naka connect para gumana uli 😉

    saan dadaong ang hoshilanda???

    1. salamat cute! hehehe medyo nagka-sapak na naman ako today e.

      oo totoo yan, kasi akala ng ibang friend natin kahit ano lang pero nakakalimutan nila na para magkaroon ng passion ang friendship dapat malaman nila kung paano komonek- maglaan ng time at effort.

      saan dadaaong? hmm sa isang island cute. iimbitahan kita pag okay na okay na. mabuhay!

  2. hehehe thankful naman ako nakaka daong ka sa daungan ko. naks..

    sa trabaho… di ako marunong magbike.. pero nakakapaedal naman ako at nakakasabay sa kanila.. ok ba yun pamangkin? 😀

    ang gaganda ng quotes mo ah ikaw talaga gumawa? galing nito pamaangkin ko

    1. oo tito ako lang gumawa ng mga yan. ‘pag may nag-claim na iba papakain ko sa bouncing buwaya. salamat at nagustuhan mo Tito. yahooo!

      hahaha yan ba ang interpretation mo sa daungan… puwede rin, hindi ko naisip yan a.

      okay lang ang mag-try ng mag-pedal ng mag-pedal. at least hindi ka tinatamad at nawawalan ng loob na matuto. di ba?!

      may iba pang dadaungan na ang hoshilandia, isasama kita roon. ha… please!

  3. feel na feel ko yung pakikipagkaibigan… aylabet! nakakarelate ako kasi nemen eh! yung current! weeeheee! di rin nagana yan ate kung browout o baka nashort. o kaya nakaopen ang circuit!

    asust! alam ko ang banat na yan sa last eh! irereveal mo na ba ang iyong new? yeeheeee!

    1. ay oo nga no, pero sabihin na natin na ang brownout o short circuit ay yung mga mas malalim na kabagayan. yun talaga yung may something sa iyo kaya hindi ka na makakonek. hehehee

      hahahaha, oo hihirit na ako sa susunod na next na post nito. hehehe

      the end na ba ng kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com?

      abangan!

  4. ang pag-ibig para ding paboritong ulam… di pinagsasawaan… kahit araw-araw di ka nauuta at lalo mong minamahal.

    ang pulitika naku di ang swimming pool isa na siyang malawak na karagatan, ang daming lumulusong kahit hindi marunong lumangoy.

    ang showbiz puro pang stage ang drama, pagdating sa backstage parang di magkakakilala!

    ang pagtatrabaho tama parang pag-babike! madali kapag pababa ang daan pero eport kapag paakyat… minsan natatanggal ang kadena, minsan nawawalan ng break dapat alerto ka… sabi mo nga para di sumemplang.

    ang ispiritwalidad na sinabi mo ay totoo… kung anong pinapakita mo yun ang sumasalamin sa pagkatao mo.

    ang pakikipagkaibigan dapat may extension rin para maraming makaconnect 😆

    ang pagkatao di nasusukat sa nakasulat sa resume mo… (sorry kinontra ko)… nakikita yan sa abilidad at sa disposisyon ng tao sa buhay…

    at pwede ba akong sumakay sa hoshilandia? Si Bro ba ang Captain mo?

    — i love your post! alabet 1million times!

    1. hehehe okay din ang iyong mga comparison mo Joyo, mas pinapalwak mo ang aking kamalayan. yahooo!thanks!

      hmmm okay din yung pagkontra mo sa resume. pero gaya ng sinabi ko ay ito lang ay comparison lang sa bagay na iyon at hindi talaga ang pagkatao ay ibinabatay sa resume. dahil gaya ulit ng sinabi mo, naniniwala ako na maraming mas magaling at mas matagumpay sa buhay ng hindi kinakailangan ng resume.

      mabuhay! yahooooo nagustuhan mo ang post ko. 🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s