my (most embarrassing) shoe story

Shoe Store sa Harap ng World Of Butterflies
Shoe Store sa Harap ng World Of Butterflies

Noong College, mayroon akong mala-elevator and bulldog shoes na ginagamit ko everyday sa school. Minsan, nai-intimidate ako dito kasi ‘yong sa mga kaklase at schoolmates ko ay magaganda at pang-porma talaga.

Subalit, I am vindicated sa pagamit nito especially during rainy days or kung may matubig na daanan kaming pupupuntahan. Ikaw na ang magkaroon ng barkong sapatos ika nga.

Pero gaya ng barkong Titanic, my ship shoes was  sinkable too at nangyari pa ito sa first day duty ko as Peer Counselor sa aming Counseling and Testing Department. That day, nag-iingat na talaga ako sa pag-akyat sa overpass ng Morayta kasi umulan at basa ang daan.

Ang nangyari ay limang baitang pababa ay nadulas ako at sumadsad talaga. Nakakahiya kasi pinagtinginan ako ng mga tao, pati nga ‘yong binibilhan ko ng mani o mga junk foods tawa ng tawa.

Bad day talaga kasi, I was wearing my all new white uniform kasi nga sana I wanted to impress  on my first day, pero iyon naging madumi.   Na-realize ko lang na dahil sa shoes ko kung bakit ako nadulas noong mangyari ulit ‘yon sa canteen namin. Doon ko napansin na masyado na palang gasgas ang suwelas ng sapatos at hindi na kumakapit.

After noon, bumili na ako ng bagong shoes at ‘yong mababa na.  Napansin ko rin kasi lumaki ‘yong muscle ko sa binti kakagamit ng mabigat na sapatos na ‘yon.

16 thoughts on “my (most embarrassing) shoe story

  1. naiimagine ko dapat naka gladiator shoes ka pamangkin. hahahaha

    astig nga samin dati nainggit ako puro- hi-cut leather shoes. ngayon ko narealize na baduy pala. hahaha

    kawawwa naman pamangkin ko nadulas at pinagtawanan…

    sunugin ang barkong shoes! sunugin! haha

    1. buti ka pa tito, concern sa akin wahhhh Thank you!!!!!

      actually hindi ko na nga alam ang eksatong pangalan ng pesteng shoes na ‘yon. basta, ang alam ko lang pinagtiiisan ko yun kasi sayang naman at may mga benefits naman.

      oo tito, pinagpira-piraso ko yun at ginamit kung saan. hehehe
      hindi na dapat ipagamit at ipasa yun, nakamamatay. hehehe

      1. HAHAHAHAH good. pinira-piraso na.
        kawawa nga naman magmamana. baka isumpa ka pa.
        hahahah

        wagnaman sanang mangyare.

        next time idrawing mo para makita ng tio Jason mo kung ano itsura di deadly shoes. HAHA

      2. ay may kamukha yung shoes na yun, ewan ko lang kung nandoon pa sa bahay. pag nakita ko kukunanko ng picture for you. hindi ko alam kung kakayanin kong i-drawing o kung if ever ay maliwanagan ka sa maiguguhit ko.

        mabuhay!

  2. Habang binabasa ko ito, na-i-imagine ko iyong combat shoes. Iyon na yata ang pinakamabigat na sapatos na nasuot ko sa buong buhay ko para lang sa COCC. hehe

    Sana pagkabili mo ng shoes binalikan mo iyong nagtitinda sa Morayta at nirampa-rampa mo iyong shoes. haha

    Ganda ng photo na iyan ah, parang familiar. Ayiiiiiiiiiiieeeee! peace! ;p

    1. ay oo tumpak ka dyan ang bigat din ng sapatos na yun. iyong sa akin nga ay hiniram ko pa sa kuya ko. so malaki na at talagang pang lalaki pa.

      noong una nahiya pa ako, an dumaan dun. tumatakbo pa talaga ako. pero noong napagtanto ko, bakit ako lang ba ang nadapa at nalaglas sa overpass ng morayta?

      hayuun, palakad -lakad lang ako sa kanya. hindi na ako bumili sa kanila ever. naku sisikat pa ata sila sa post na ito ah..

      peace mga kuya!

  3. hahaha! syet! naiimagine ko tuloy! nyahahaha! kaya ako sneakers lang eh… yung tipong sapatos na hindi nababasa sa loob. basta ganun.. tapos gusto ko rin pwede ko pantakbo! nakakahiya ngang talaga ate… ako wala pa namangganyang moment! hahaha!

    1. yeah ako rin naman, gusto ko talaga yang sneakers and rubber shoes na gamitin araw-araw. kung bagay lang sana sa uniform namin. wahahaha

      nakakahiya talaga. wahaha pero fight-fight lang talaga sa pagpapakitang gilas. buti kamo that day, yung work ko sa Counseling puro papers lang at walang interaction.tas malaki ang bag ko, so puwedeng ipangtakip sa nadumihan na part.

      at yung next class ko ay magpapalit ako ng college t-shirt at pants. hehehe masaya pa rin ang ending.

    1. okay lang matawa Cute, ngayon nga ay pinagtatawanan ko na lang din yang experience na yan at tingnan mo sini-share ko pa.

      naisip ko rin yang idea na yan na kahit anong logic at ethics natin sa buhay mayroon tayong mga initial reaction na sobrang instant.

      ako nga pumalakda yung hipag ko sa harapan ko as in, tas unang lumabas sa bibig ko ay, “okay ka lang?” na obvious namang hindi. hehehehe

      kaya na-forgive ko na si manong tindero ng mani.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s