and the survey says

Panaka-naka pumapasok sa isipan ko na what if magtrabaho o magtayo kaya ako ng isang research firm. Siguro kasi okay ang magtrabaho roon at kailangan sa iba’t ibang industriya partikular na sa business, politics and entertainment. Pero alam ko rin na matrabaho ‘yon kaya, kaya tinatamad na ako. hehehe!

Noong elementary ako may kapit –bahay kami na dinadala ako sa mga survey –survey nila. May pinapili ako kung anong mas masarap na chocolate drinks, gusto ko bang mag-ipon ng pera sa bangko, ano ang mas masayang panoorin na commercial ng soft drinks, anong factor ang  kino-consider ko kapag bumibili ako ng greetings cards etc. Nai-enjoy ko naman ang mga ‘yon lalo na’t may gift naman sila pagkatapos.

Ako man ay madalas na mag-survey lalo na kapag walang ginagawa o napapansin ko lang. hmmm tingin ko rin naman ginagawa n’yo rin ang ginagawa ko, ‘wag mag-deny.

  • Sa 10 tao na nakakasabay ko na dumadaan sa highway, quezon ave. siguro mga pito roon ang nagsasabi ng High We (highway) instead of high wey.  Ito ang mas palasak, sa 10 makakasabay ko na papuntang Seattle, Cubao lahat ‘yon Shuttle ang pagkakabanggit. Ako nga rin nakikigaya na lang, baka ako ang mapahiya ‘pag ibahin ko.
  • Sa 20 katao na nag-aabang ng masasakyan, kahit nakatirik na ang araw ay may lagpas kalahati doon ang nakahalukipkip pa rin ang mga braso/bisig. Siguro talagang it shows ang psychology na naiinip na sila sa pag-aabang.
  • Kung CR lang naman ang pag-uusapan ay madali kong nakakabisado ang mga ‘yan o nahahanap. Okay for your information, may CR sa loob ng department store ng halos lahat ng SM. Ang pinakalaging puwesto niyan ay lower ground sa may likod ng mga plastic wares at yung iba naman ay sa likod ng mga panindang undergarments (pambabae ito).
  • Alin ang mas mabilis? Bus, FX o Taxi… wala. depende pa rin ‘yan sa nagmamaneho. Ang edge lang ng taxi ay maihahatid ka sa mismong pupuntahan mo, de metro ka pa.
  • Alin ang mas patok? Jolibee o Mcdo. Madalas Jobee kasi magaling silang mamili ng puwesto. Siguro dahil nilipad muna ni Jobee ang lugar para di langawin, habang si Mcdo ay nilalakad lang ni Mang Ronald ang paligid gamit ang kanyang barkong sapatos. Pero aminin na natin kung saan may jobee, may tatayong mcdo or vice versa.
  • alam n’yo bang hindi lamang ang mga tambay sa kanto ang pasaway? Kahit pati mga nag-oopisina rin. Kung sa mga tambay sa kanto ay “Bawal umihi dito” o “Bawal magtapon ng basura.” Sa mga nag-oopisina , kung saan may non smoking area doon naggi- grill ng kanilang baga.
  • sino ang mas may mataas na kita sa araw-araw – naglalako ng mga anik-anik o ordinaryong empleyado? In truth, mas mataas ang kita ng ilan dyan lalo na yong nasa transportation group, pelengke at naglalako. May iba sa kanila ay kayang kumita ng more than 1000 per day lalo na sa sinasabi nilang peak season. Ang edge lang ng mga sumasahod ay may benefits sila at walang low and peak season.
  • Kahit gaano ka ka-stress at kabigat ang work, mas marami sa mga nagwo-work na dating mga payat ay nagtatabaan. Ito ay ayon sa aking survey sa buong opisina namin. Hehehe. Pero marami ang maagang nagkakauban.
  • Actually dapat talaga sa bawat city hall, especially sa mga probinsya. Dapat katabi ng city hall ang fire station, simbahan at terminal.
  • kung gusto mo ng medyo kaluwagan sa mga kabagayan (bangko, government agencies, pagbabayad ng bills) sa Kamaynilaan. Umaksyon ka mga martes hanggang hhue at bandang 10 -2pm.  Wala gawain ko yan at minsan lang ako ma-late sa mga araw na ‘yan.  Well ang puno;t dulo niyan ay marami sa atin ang mahilig sa pagkukumahog.

Ikaw may survey ka ba?

17 thoughts on “and the survey says

  1. haha! ako rin mahilig ako magsurvey, kaso ang gusto kong isurvey, mejo may pagka-taboo e.

    hindi kasi sinasagot ni google ang lahat ng tanong ko. tsk.

  2. Halaka, sinu-Survey din kita, baka akala mo hehehehe!

    ‘ung ‘ulang ‘a “Y”, ‘yaan ‘o na. Tinatamad lang yun. Pero pag binigkas ang Waray, paano?

    Yung mga nakahalukipkip, pag nakatingin sa ‘yo, nagpapatsarming. Kayong mga babae, puede rin kayo sa pader, maglagay nga lang ng straw (from McDo. Kung gusto mo mabilis, mag-a-la-Darna ka, o kaya bili ka ng tele-transporter. Ala na bang nanabako dian? I like a Havana once in a while pag may major accomlishment. Sarap lang magpa-usok sa mga masungit hehehe!

  3. Pwede ka ng magtayo ng research firm pati ba naman iyong mga nagsasabi ng highwe at highway napapansin mo pa. hehehe Sa ilang opis din, maraming pasaway na empleyado na hindi sanay mag-flush ng toilet. nyahaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s