He’s 21 things

(in my p.o.v.)

  • Naniniwala akong may hormone na panglalake ang mga babae. Depende ang lakas ng arrive nito sa katawan ng girl.
  • Mas matindi ang mga boys kapag nagtsi-tsismisan, wawa ang topic girl ‘pag nakinig ka
  • Madalas may pagkatamad pero ‘pag inabot ng sipag OA naman. Kahit hindi dapat itapon, tinatapon. Bagay silang paglabhin ng pantalon at mga kumot
  • Hindi ako sanay sa lalaking nagger na nasa normal mode naman. Napapag-isip talaga ako nila.
  • Sanay ako na makarinig ng green jokes, kakasabi nilang sila ang pinaka sa lahat ng bagay at magkuwento ng casual about SEX. (maalaman mo tuloy kung sino lang ang nagpapanggap…)
  • Cool ang gawin silang barkada, mas maalaga. Iba naman ‘pag best friend parang may pagka- complicated
  • Dati, curious ako sa lalaking pa-mysterious effect pero ngayon queber na. Sawa na akong umintindi sa hindi naman kaintindi-intindi
  • May ibang nagpi-flirt, pero mayroon namang natural na flirt
  • Mahirap ‘pag sobra silang na-in love, pero mas mahirap ‘pag naapakan mo ang pride nila. parang yung street sign “nakamamatay”
  • May bagay na puwedeng maging turning point nila, ‘pag naging tatay na.
  • Dati, ang tingin ko sa lahat ng lalake dapat may sports. Ngayon, lahat may kinahihiligan… well kung ano man yun (example – music instruments, gameboy, playboy, gagamboy…)
  • Ayokong kausap ang lalaking pawisan at nakahubad ng T-shirt, tapos kakain. Iwww!
  • Ma-prinsipyo ang lalaking may palabra de honor. Pero madalas nagsasabi sila ng akala mo ay totoo.
  • Ang maganda sa lalaki bibihira ang maarte. Iyon nga lang bad trip sa pagkamainipin
  • Hindi sila madaling mairita, madali silang maasar lalo na ‘pag nahuli mong totoo
  • Sa ngayon as in now, nag-iisip pa ako kung sino na ang mas vain?
  • Kahit ang mga joker talaga, may kadramahan din. Kahit walang inuman, may emo mode din ang mga ‘yan.
  • Nagtataka ako sa mga kuya ko na nag-aagawan kumain sa takip ng kaldero para gawing plato at pupuwesto sa may pintuan para doon lumamon.
  • Bakit hindi ko mapigilan na humanga sa mga tatay na nagbabanat ng buto at nagbibilad sa init ng araw? Iyon nga lang nag-iisip din ako kung kasama na roon yung pang-inom nila, iyon ay kung tomador sila.
  • Hindi ako madaling ma-convince na bading ang isang lalaki, unless masyado ng obvious o ipinagmamalandakan na. Naniniwala ako na sadyang may mga lalaki na mahinhin, malinis masyado at parang mahina este mahinahon.

    My Hoshi
    My Hoshi
  • Hindi porke’t younger guy ay hindi pa matured at hindi kumo’t older walang kapasidad na mag-isip bata. Uso lang talaga ang page- generalize. Pero ako mas gusto kong… kasama yung favorite Tito ko, pinsan ko at yung pamangkin kong curly cute.
Advertisements

32 thoughts on “He’s 21 things

  1. lalaki nga naman…

    May ibang nagpi-flirt, pero mayroon namang natural na flirt

    eto totoo to wahahaha

    at eto pa
    Ma-prinsipyo ang lalaking may palabra de honor. Pero madalas nagsasabi sila ng akala mo ay totoo.

    hay nako… maybe thats why we love men eheheeh

      1. Hi DHyoy!

        kaya dapat hindi dapat madala sa parang totoo ang mga girls. ang ibang boys parang lawyers, ang galing mambaliktad ng katotohanan para masabing tama sila.

        well in my opinion lang naman. wahehehe

    1. sure bisita ka lang , ng bista dito. welcome sa hoshilandia!

      oo naman, ang kaartehan naman ay wala na minsan sa gender nasa tao na talaga yan. bata o matanda.

      wag lang sosobra, nakakairita. hehehe

      mabuhay!

      1. yah tama ka at alam mo sa totoo lang marami akong kilalang mga kaibigan na lalaki na talagang ang tagal maligo sa.. ewan ko ba kung bakit pero hehe ito nga ang katotohanan na di lang mga babae ang maaarte.. haha.. kung may mga kikay ano naman kaya ang tawag sa mga lalaking ganun.. hahahaha..

        Mabuhay din!!

      2. ganun ba.. hahaha.. as in nakak intimidate talaga? hmmm.. metrosexual pala ang tawag doon .. hehe.. ngayon ko lang nalaman yan ah.. buti na lang hindi ako metrosexual> hahah

      3. oo, maka-conscious talaga ang girl kung maayos ba ang buhok niya o may something ba sa ngipin niya. mga ganung bagay.

        oo buti na lang di ka ganoon. mahirap din siguro maging ganoon. parang tingin sa iyo ng iba. buma-boundary ka na. heheh

      4. hehe ako naman kasi wala akong masyadong pakialam sa mga kilos at galaw pero may mga napapansin din ang mga kaartehan. hahaha.. may mga tinatawag ngang KKK na mga girls.. ung mga walang alam gawin kundi puro KUKO KILAY at KILI KILI ang inaatupag.. hahaha…

      1. buwahahaha! you fail!

        hmmm naisip ko ito because may nagsabi sa akin at naisip ko yung iba na nagiging lesbian o nagiging bi-sexual. kahit naman straight, may part pa rin na tingin ng babae para siyang lalaki.

        oh diba may boyish pa nga.heehe

        mabuhay alps!

  2. hmmm favorite tito??

    diba tito mo rin ako? hahahahahah

    ang ganda nitong post mo pamangkin. parang… sapol ako lahat..
    hahaha

    pero di ako emo. melancholic lang paminsan minsan..

    vain? hmmmmmmmmm

    kamusta pamangkin ko??

    nagkakamay akong kumain. ayos lang ba yun? wahahah

    1. ayos na ayos tito ang pagkakamay sa akin. basta wash your hands while singing happy birthday before you eat. hehehe

      oo naman tito kita! salamat at nagandahan ka sa post na ito. hmmm melancholic talaga, okay lang yun. mas ok ang lalaki na marunong mag-express ng feelings kaysa kimkimin. nakakabaliw yun.

      ok naman po ako. striving, surviving and blogging. hehehe

      mabuhay! miss ko na ikaw parang bihira ka na lang mag-blog.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s