Mannerism

Siguro dati laru-laro lang noong bata ako, pero napatunayan ko rin na kaya kong mag-impersonate lalo na noong high school.  Favorite kong gayahin mag-perform sina Jaya, Manilyn Reynes, Nora Aunor, at Annabelle Rama. Pero the most controversial na nagawa ko ay nang i-impersonate ko lahat ng teacher namin noong teacher’s day. Pinagalitan ako noong principal namin kahit siya naman yung tawa ng tawa noong nagpe-perform ako. Palibhasa, ‘yong ginaya ko sa kanya ay ‘yong kung paano siya ‘pag nagagalit.  Hehehe!

Hmmm hindi ako pasado na mag-stand up comedienne wala ako sa ganong level at hindi ko naiisip pumasok sa mga comedy bars. Ang totoo niyan, madaling makuha ang atensyon ko at napapansin ko kaagad kapag may particular mannerism ang isang tao.  Minsan nga dahil sa pagpansin sa iba namamana ko na rin.

Ako man ay may mga mannerisms na ire-reveal sa inyo at hindi ko na sila ginagawan ng new year’s resolutions kasi ‘di ko na matatanggaal at yong iba ay nahanapan ko na ng remedyo.

  • patagilid akong manood ng TV o sine. Noong una mga 45 degrees pakanan lang ang pag-flip ng ulo pero ngayon with matching 10 fingers na ito na nakabanat sa dalawang sentido ko. Automatic ang “scanning form” ko at hindi ‘yan sinasadya. Sabi ni manang juling namana ko raw ‘yan sa lolo ko. Ginugulat o pinapalo nila ako dati para mawala, wa epek, lumala pa nga e! Nagkarooon na nga rin ako ng astigmatism dahil dito. Pero bwiset lang sa panood ang salamin. Buti na lang na-correct naman ‘yong kanang mata ko. Sa ngayon, kaya naman nang manood ng walang ganoon. ‘Wag lang may mapapatungan ‘yong mga kamay ko. Iyon nga lang, hindi ako masa-satisfy sa panonood.
  • bigla-bigla akong napapangisi ‘pag may naalala. Kahit saan ‘to pero madalas kapag nag-iisa ako. Puwedeng sa bus o footbridge, ang solusyon magpanggap na naghihikab kapag napapangiti na.
  • Bothered akong magtrabaho o mag-aral ‘pag masyadong maayos ang mesa ko. Kailagan may iba pang libro na nakalatag o wala sila sa tamang ayos. Pero dapat naka-arrange sila sa trip kong ayos ‘pag ibabalik na sa shelf o bag. Kailangan din na may ibang nakabukas na windows kapag nagko-computer ako. Kapag ‘di naka-Internet, dapat may isang computer game na nakabukas. Promise mas okay ang trabaho ko pag ganoon kaysa wala.
  • hindi ko alam kung nasa feng shui ito. Pero once na sa left ako bumaling ‘pag nakahiga, nagkaka-nightmare ako. saka madali akong magising lalong-lalo na ‘pag puyat. Nga pala, masama ang mood ko kapag papatulog pa lang o bagong gising.  At pag naka-out of town lagi akong may dalang kumot.
  • If you want to hear my golden voice. Well, malas mo dahil hindi kita kapit-bahay. May gig ako sa bathroom.  3-5 songs per session ito, suwerte pag nakabuo ng isang buong kanta.
  • At ito, nagsasabi ako ng isang kuwento na puwedeng hindi ko itutuloy o mahirap sundan. Minsan mabilis kasi ako magsalita at hindi masundan ng bibig ko ‘yong stimulus sa utak ko. May explanation?!
Advertisements

27 comments

  1. nakakaaliw naman sana i demo mo paggaya mo sa mga peborit mong artista hahahah

    talaga may concert sa CR haha ako kadalasan isang kanta lang natatapos ko. paro pag mag isa ko sa bahay, todo ang volume, at nakaka rami rin ako. wahahahah mana ka nga sakin pamangkin ko.

    ako pamangkin nakakahiya mga mannerisms ko nung bata pa..

    kwento ko next time..

    nakakahiya eh.

    • daya mo tito! nag-all out na nga ako rito e. hmp.

      yeah, i think masarap ang maligo na may music. hindi mo iindahin na masyadong malamig ang tubig at inaantok-anatok ka pa. sa kanta, hmmm talagang soobrang minsan lang ako makabuo ng kanta. hindi palasaulo ng lyrics and wala bigla akong nag-o-automatic na magpalit. mayroon nga rin akong trip, yung pagdugtungin yung mga kantang magkakatunog. hehehe

      one time siguro magagwa ko ang request mo. pero dapat i-reveal mo muna yong mga mannerisms mo hehehe

    • parang sulat mula sa abroad tito ah! hehehe

      okay naman po ako, tito. medyo naka- emo mode kasi malapit na ang birthday ko. hahaha!

      pero i think mas ok ako kaysa noong mga nakaraan. i feel more matured and understanding.

      i hope na ok ka rin ngayon, masaya at naka-smile. ayan, minsan lang din ako mag-wish para sa isang virtual relative. hehehe

  2. hala pramis! mabilis magsalita! ganyan na ganyan ako. kaya minsan sinasabi nila ang fluent ko daw sa english kasi ang bilis ko nga raw! ang di lang nila alam, mabilis lang talaga ako magsalita! yun na yun!

    ako naman nagigising sa kalagitnaan ng gabi kapag hindi nagdasal bago matulog! kaya ayun!

    heh! ako nga tumatawa talaga mag-isa kapag may naalalang nakakatawa. minsan nahihiya ako kasi nappatingin na lang kaklase ko sa akin. para tuloy akong baliw!

    sa akin naman ginagaya ko boses nila mr. bean at doraemon, at saka yung ibang anime. hakhak!

    • gayahin mo na lang yung remedyo ko. kapag napapangiti ka na, humikab ka kunwari.

      yeah marami talaga tayong pagkakapareho. sa cartoons, ginagaya ko yung mga oldies at sooobran bata. kaya kong gumaya ng iyak ng sanggol. hahaha

      sa bilis magsalita, hmmm minsan pabor sa akin, minsan hindi. depende sa nakikinig. ang hirap mag-explain kapag nabibingi naman ang kausap mo. hahaha pero before yeah, may mga teacher ako na napapangiti na lang sa pakikinig sa mabilis kong pagre-report. hehehe

      mabuhay sa atin!

      • hindi kaya ikaw ang aking long lost ate?
        sa wakas may ate na ako!
        hakhak!
        grabe lang kasi talaga ang pagkakaparehas natin eh!
        ang tindi!
        mula sa anime hanggang sa ugali!
        o kaya baka ikaw ang future ko
        at ako naman ang past mo!
        ohmygosh! hahahahah!

  3. Haha ambilis mong magsalita pero mas mabilis pa rin ang utak mo mag-isip. DOn’t waorry i carry the same thing. Sabi ng mga tao parang may hinahabol daw ako pag nagsasalita. ANg di nila kasi alam, kapag nagsimula nang umandar ang utak at napag-iwanan na ito kasi hindi na take note, makakalimutan na. 🙂

    • ang kulit no?! minsan pag nire-review ko na yung sinabi ko, hindi lang yung kausap ko ang naguguluhan ako na rin.

      so ang ginagawa ko na lang. kinakalma ko muna yung sarili ko at in-organize, in milliseconds, yong main idea na dapat ko munang sabihin. ang kinaiinisan na nga sa akin ay may nasasabi na ako na at the end, hindi ko na lang itinutuloy.

  4. Hay naku, pinakanakakaloko kaya iyong mannerism mo na, “uy, may sasabihin ako sa iyo.” In a split of a second, “ay wala, wala pala. Huwag na lang, hiya ako.” hahahaha

    Siyempre, may tatalo pa ba sa head tilt mo kapag nanoood ng sine o kaya kapag nakikinig sa usapan at kwento. Trademark mo na iyon. :p

    Pero kung nakakapag-aral/nakakapagtrabaho ka ng ‘di masyadong maayos ang mesa ako naman kabaligtaran. Nagrerebelde ang utak ko kapag magulo iyong gamit sa paligid ko. :p

    • hahaha ini-expect ko na reaction mo leng-leng. hahaha

      oo di uso sa akin ang head turn, head tilt ito. wahahaha

      siempre hindi naman yong tipong makalat, tamang hindi maayos lang ng husto. para kasing nakakita ako ng isang walang kasulat-sulat na black board na nakakainis kapag hindi ko sinulatan.

      pusa taas ng EQ ko. hahaha

  5. -haha rehas kayo kapatid ko patagilid manood ng tv minsan naloloka ko sa kanya, parang ako nahihirapan sa ginagawa niya…

    -naeexperience ko rin yang bigla ka mapapangiti pag may naalala, ako natatakip ng panyo sa bibig haha!

    -ako naman di masyadong makapagwork kapag makalat, kasi parang lagi akong may hinahanap…

    -nakakatuwa naman at may feng shui pa ang posisyon ng pagtulog mo… ako kahit anong pwesto basta may kumot at unan sa paanan ko kiber kahit may nagkoconcert sa oob ng kwarto…

    -ang daming kinakanta sa banyo,,, aymsure matagal ka maligo…

    – minsan on stop din ang bibig ko… nonstop sa pagnguya haha!

    happy new year… naaliw ako sa mga mannerism mo, naisip ko rin tuloy yung akin 🙂

    • at pareho ka naman ng mga taong malapit sa akin. wala na silang magawa kundi, pagmasdan na lang ako. pero wag ka dahil sa mannerism kong ito, natagpuan ako ng kapatid ko noong nawala ako sa sinehan noon bata ako.

      -ayos din ang magtakip ng panyo. ako kasi, minsan lang magpanyo.

      -buti ka pa kahit saang side. gusto ko rin noon kaso hirap e. sama talaga ng mga panaginip ko.

      -at oo matagal ako maligo dahil lang ata sa kakakanta.

      -Happy New Year din!

  6. Napag isip namin na madami nga din kaming ganyan dahil sa post mo..
    salamat naenjoy kami magbasa kaya heto ang amin.

    “Bunso”: Hindi nagsasalita hanggang hindi pa nagtutoothbrush pagkagising.

    “Kulturantado”: kailangan kagatin ang kahit anong ginamit nya na pang turo (daliri at kahit pati nguso)

    “Boss Chip”: natatawa sa loob ng elevator kahit walang ibang tao.

    “Manong Guard”: Naiirita kapag malikot at nag siswing ang nakasabit na decoration sa rear view mirror.

    Salamat ulit .. hanggang sa susunod na daan namin dito.

    • hmmm naku hindi na pang-jaya boses ko. hahaha
      sobrang simple ang birthday ko. kung ano yung nakita mo sa FB yun na yun. hahaha libre lahat!

      di na kita invite kasi di ka naman manlilibre e. iba na ang uso ngayon. ang gumagastos ay yung inimbitahan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s