Old but need love

Kaintindi-intindi na maging magiliw tayo sa mga babies. Sino ba naman ang hindi lalo na’t ang cute-cute at ang bibo nila? Ngunit, alam din natin na kaakibat ng kanilang pagiging bata ang kanilang kakulitan at pagiging pasaway. ika nga kanya-kanyang phase ng buhay ‘yan. Lahat tayo nanggaling dyan at  may patutunguhan din tayo sa bandang huli kung ‘di tayo maagang matitigok sa earth.

Nalulungkot ako minsan na makita ang mga matatanda na namamalimos sa daan. Nasa’n ang kanilang mga anak na kanilang pinalaki at inarugaan noon, ngayon naman na sila naman ang nangangailangan. Maaaring alagain sila, pasaway at kailangan gastusan pero hindi ba’t ganun din naman ang tiniis nila nung sila pa ang malakas at nag-aalaga.

Actually masakit na siguro sa isang matanda ang iwanan sa isang home for the aged pero mas masakit naman siguro kung hayaan silang magpalaboy-laboy sa daan. Hindi sila baliw para mawalan ng katinuan, ang sakit na kanilang nararamdaman ay nakikimkim na lang sa kanilang puso’t isipan. At marahil, hinihintay na lang nila pumanaw na lang at baunin ang masasaklap nilang ala-ala sa mga huling sandali ng kanilang buhay.

May kilala akong matanda. Inako na niya ang mga apo na hindi naman niya direktang kadugo. Pinalaki, pinakain at hanggang sa makakaya ay pinilit na mapag-aral ang mga ito. Iyon nga lang sadyang hikaos din sa buhay. Dumating ang araw na nagsipag-asawa na ang kanyang mga inakong apo. Kinupkop pa rin ang mga sari-sariling pamilya nito.

Ang masaklap, binigyan niya ng kabuhayan hindi pinagbutihan. Bagkus ay “winawalanghiya” (sorry sa term) pa s’ya nito. Nagbabayad pa siya ng utang para sa kabuhayan na ‘yon, ni wala ng inaabot sa kanya at palugi na. Nung tuluyang mawalan ng trabaho, sa kanya pa humihingi araw-araw ng pera ang kanyang apo. Ang paghingi ng perang iyon ay tila obligasyon pa sa kanyang parte. At wag namang sanang hina-harass na siya.

Pati ang manugang niya sa apo ay magaling din. Ang utos n’ya na pambili ng gamot ay wala ng balikan ng sukli. At ang laman ng kanyang pension buwan-buwan ay nasaid dahil kinuhanan na di umano ng kanyang apo sa tuhod. Ang sabi nawawala raw ang ATM ,‘yon pala kasama sa nawalang ATM card ay ang pambili nila ng pagkain at gamot na mag-asawa.

Isang araw narinig ko naman sa kwentuhan ng kanyang mga apo sa tuhod na baka sipain siya ng isa roon o tisurin dahil nagsumbong sa ibang tao. eh hindi ko na natiis. Sabi ko isumbong ng matanda sa akin kung sipain siya at ako ang sisipa sa apo niya sa tuhod palabas ng bahay nila. At sinabi ko ‘yon sa mismong harapan ng apo niya sa tuhod.

Hindi ako mabuting anak at madalas nasasagot ko nanay ko. pero di ko maaatim na mamura yon o saktan man lang.  O kahit ng ibang tao na gawin sa kanya ang mga bagay na ‘yon. Parang kahit siguro fault ng nanay ko ay susugurin ko pa rin ang kaaway niya. At ganito rin naman ako sa ibang matatanda, handang magpasensya. Respeto lang!

Buti pa ang MRT may priority coach,

buti pa ang mga fast food restos may lane for elderly

eh sa ilang mismong tahanan nila walang pasintabi

tamaan na ang tamaan!

Advertisements

24 thoughts on “Old but need love

  1. sa totoo lang awang-awa ako sa mga matatanda na na naghahanapbuhay. yung tipong nakayuko na sila kakalakad. kahit na ayaw namin binebenta nila pero dahil awang-awa kami, bumibili na lang kami.
    nakakaawa ang mga matatanda. makita ko lang nga lola ko na nahihirapan maglakad, naaawa na ako at talaga namang to the rescue ako para tulungan siya…
    basta hindi ko pababayaan ang nanay at tatay ko. aalagaan ko sila hanggang sa tumanda na sila at maging ulyanin. at as much as possible, ayaw ko talaga silang murahin.

    nakakaasar naman yang kakilala mo! sipain ko pagmumukha ng mga apong yun eh! ang kakapal ng mukha! pero ekshelli may kilala din akong ganyan… yung pera niya kinukuha ng anak at apo niya. bastaaaa! hahaha!

      1. base ka nga, mabuhay!!!

        oo nakakadurog talaga ng puso kapag ganyang nakakakita ng mga eksenang ganyan. maiisipmo rin na sana hindi ganyan mangyari sa iyo pagdating ng araw at di ko gagawin yan sa magulang ko.

        ako medyo kinukundisyon ko ang utak ko na, sige okay na ako sa golden acres kaysa magdusa sa daan.

        at oo kakapal ng pagmumukha ng mga apo na ‘yon. leech kong leech

  2. napaluha mo ako sa mga sinabi mo ito. Di ko akalain na may mga ganyang tao. Lumaki kasi ako sa Lola kaya sobrang na touch ako sa entry mo. Asan ba yang mga apo na may at ng mabatukan ng tag sasampu. Haiz. sana nman igalang nila at mahalin si Lola.

    1. dudette talaga!? oo putik talaga sana mabasa nila ang post kong ito. baka sakali mahimasmasan. at magagawan ko naman siguro ng paraan yun ng medyo pailalim.

      oo naman, sana nga wag mangyari sa akin yun. hinahanda ko ang sarili ko pero scary pa rin. happy new year!

    1. ah naisip ko raw una na susan si susan enriquez, si susan roces pala. buwahahaha.

      oo nga medyo. pero itong hinanakit kong ito matagal na talaga. ngayon ko na lang nai-blog dahil mas masakit pag dapat masaya ka e, nalulungkot ka.

      hindi ako nanood ng drama na TV series na. marami nang drama sa buhay ko, ayoko ng dagdagan. hehehe

      hihintayin ko na lang ang pagbabalik ng encantadia.

      1. bakit ayaw mo kina sunshine at Karylle? buhehehe
        eddie lalabas na may surgery pala sa Lireo pag di na sila. hehehe

        soobrang proud ako sa soap na ‘yan. galing ng original story at galing ng mga effects and costume. world class talaga!
        sana nga ganyan na lang gawin nila hindi puro adaptations.
        hindi mo mapagilan ang magkumpara at bumaba yung labas ng creativity, kahit pa ang PR nila ay may taste na pInoy. duhh! itong sentimiento ko ay para sa parehong network.

      2. kelan ba daw ire?
        excited na ako

        si karylle kasi mukhang kabayo, eh
        nyahaha

        btw, kelangan ko si ate jevs sa isa sa mga blog posts ko
        sana mabigyan na ako ng magandang payo

      3. malapit na ang encantadia pero nasa story conference pa lang sila. ayon sa aking bubwit, tatlo na lang ang mga diwata na naging goddess na raw. out na roon ang diwata ng tubig. si hoshi na raw ang papalit. buhahaha

        grabe ka naman, cute naman si Karylle in person. medyo kulang lang sa PR noong nakita ko. ewan ko lang ngayon.

        kailangan mo si ate Jevs? sumulat ka sa kanya. hindi nagba-blog hopping yun. hehehe

  3. haiz bakit may mga ganyang tao. Napaiyak mo ako sa entry mo na ito, huhu. Kidding aside, sobrang na awa ako kay lola. Mahal ko ang mga matatanda. Laki kasi ako sa Lola ko kaya ganun na lang ang pagmamahal at pagpapahalaga ko sa kanila.

    Happy New Year!

    1. napaiyak ba kita? sorry! pero this post is intended to touch hearts at manawagan. sad kasi we have personal experience pero paano pa rin ilang matatanda di ba?!

      Happy New Year din! let’s spread love and be prosperous!

  4. Totoong nakakapikon iyong mga ganyang tao kahit nga iyong simpleng pagpapaupo lang sa bus sa mga matatanda parang hirap pa gawin ang ilan. Nakakalungkot na nakakainis.

  5. alam mo pa sa gradeschool na pinsakuan ko dati
    mga ten eyars ago lang yon
    ang focus ng charuty work nila hindi sa bata kundi sa matanda
    so ang kirot ng puso ko more sa gurang kesa sa bagets

    happy 2010, hoshi!

    1. wow galing naman ng school ninyo, naturuan kayong mag-charity work para sa mga matatanda. dapat ganyang nga ang gawin. pero teka, absent ka ba nung tinuro ang about sa honesty? hehehe

      Happy 2010, Raft3r!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s