Suplada o mahiyain?

Hindi ko naranasan ang mag-boarding house at kung pinagbabakasyon naman ako sa aming mga kamag-anak ay kadalasan linggo lamang ang itinatagal ko sa mga ‘yon. In short, talagang tinubuan na ako ng ugat sa paninirahan sa lugar namin.

Subalit, kumpara sa mga kapatid ko hindi ako kilala medyo sa amin. After ko ata mag-first year high school ay hindi ko na trip ang makipaglaro sa kalye. Ang nangyayari ay ako na lamang ang pinupuntahan ng mga kabarkada ko kaysa ako  ang lumabas at magpunta sa kanila.

Magiliw naman ako sa mga matatanda sa amin, paggalang na rin sa kanila. Pero ewan parang nahihirapan ako makisalamuha sa aking mga kaedad at minsan sa mga kaedad ng mga nakakatanda kong kapatid. Basta bigla naiilang na lang ako, mapa-babae at lalo na sa lalaki.

Pero tingin ko, hindi naman sila nasusupladahan sa akin baka nawi-weirduhan. Hehehe. Noong isang araw nakasalubong ko ‘yong dalawa kong kababatang lalaki. Magkapatid sila, ‘yong isa kaedad ko at ‘yong isa naman ay mas bata.

Gusto ko sila ngitian, di naman siguro nila ako iirapan. Pero di ko na lang ginawa. Batiin nila ako baka puwede pa.

Actually before yung  kaedad kong lalaki, tinatawag ako sa name hindi ko lang pinapansin. As in sinisigawan na ako, kasama noong barkada niya. Kinakabahan ako pero ang katwiran ko, ano naman ang gagawin ko ‘pag nilingon ko sa kanila. Eh pinabibili pa man din ako ng nanay ko.

Ayun mula noon mas lalo na ako nailang sa kanila, kahit noong mga bata kami ay kami-kami rin ang magkakasamang nagka-caroling. Pero teka naalala ko binurot nila ako noon, hindi patas ang partehan. Hahaha

Feeling ko tuloy ako si Keira Knightley sa Pride and Prejudice. Iyon nga lang hindi sila bagay na maging si Mr. Darcy.  Nevahh! Oi pero hindi ako galit sa kanila ha, gusto ko lang talaga ng todo yung character ni Mr. Darcy mapa-Pride and Prejudice at Bridget Jone’s Diary.

Advertisements

16 comments

    • di ko nga rin alam kuya. basta mas trip kong kasama ang mga matatanda. kaibigan ko noong grade 3 ako mga college students na.

      mayroon din naman kaedad ko pero bilang na bilang. oi kuya kapitbahay ang usapan natin ha. sa school at trabaho, marami akong friends. hehhe

  1. Hindi ka naman mahiyain ah, bumabangka ka nga eh. Sa sobrang kadaldalan, kami tapos na kumain ikaw hindi pa. hehehe

    Seriously, mayroon tao na hindi talaga Ms. Friendship pero sana naman nilingon mo ung mga kababata mo noh, for old times sake. hehe

  2. ahahaha! natawa ako sa post na to? at bakit? kasi nakakarelate ako sayo!
    sobra! parehas tayo! ganyan na ganyan ako!
    kaya nga yung iba nasusungitan talaga sa akin!
    at saka isa pa lagi akong nakasimangot o kaya seryoso type! hakhak! kaya yun!

    hakhak! apir!

  3. ganyan din ako nung mas bata pa ko, as in pumapasok ako pag-uwi kina tita direcho na ng kwarto, siguro kakapanuod ko ng porn nawala hiya ko. Hakhak. Shot na lang tayo mawawala yan!=p

    • ah porn ba ang nkakatanggal nyan. eh baka naman pag ginaya kita. baka macho na lang ang kausapin ko. hahaha joke! try ko na nga ang hentai. buhehehe

      hindi ako umiinom kuya. bawal sa akin ang alak gaya ng seafoods
      allergic at nag-iiba ang persona ko.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s