Maling pag-asa

Dear Ate Jevs,

Gusto ko lang po magtanong kung tama ang aking tingin sa aking mga kamag-anak? Para kasing ang hirap nilang lapitan. Gayong kung tutuusin ay dapat alam nila ang aming kalagayan dahil galing din naman sila sa hirap. Ganyan ba talaga ‘pag yumayaman nag-iiba ang ugali?

Djon-Djon

Dear Djon-Djon,

Ikli naman ng letter mo. Wala pa sa climax at walang ka-gap-gap ay nag-end na. Gusto ko pa naman malaman kung ilang beses na ba kayong na-turn off ng kamag-anak ninyo at anu-ano ba kasi ang pinaghihingi ninyo?

Sa aking palagay ay may dalawang punto d’yan. Ang tingin mo sa iyong mga kamag-anak ay matapobre sila, habang puwede ring ang tingin naman nila sa inyo ay garapal o something to that effect.

Actually masakit talaga ang ma-turn down, especially ‘yong lalapitan mo ay ‘yong masasabi mong tanging pag-asa mo. But no matter what, sana matanggal sa atin na lagi na lang umaasa o dumedepende. And hindi talaga sa lahat ng pagkakataon ay mapagbibigyan tayo sa ating mga hiling, kahit gaano pa kayaman ang ating nilalapitan. Unang-una roon ay hindi naman nila siguro kayo obligasyon at hindi huwag mong lahatin/diskriminahin ang mayayaman. Dahil ang iba sa kanila ay puwedeng nagpapanggap lang, hehehe.

Siyempre hindi naman ako kumakampi sa kanila, napagdamutan na rin kaya ako ng so many times! Pero pino-point ko lang ay para huwag sumama ang loob mo at maging ng ibang magkakamag-anak ay sana tayo mismo ang gumawa ng sarili nating pag-asa. Magsumikap sa buhay para umangat at huwag PALAGING aasa sa tulong ng iba dahil sa tingin ko ‘yon ang maling pag-asa.

Naalala ko tuloy yung sinabi ng pinsan ko na naging bagger sa supermarket ng isang mall. Aniya, madalas daw kung sino pa ‘yong mayaman ‘yon pa ang mapagbigay sa kanilang mga pagkakamali. At yong iba naman daw na hindi naman mayaman iyon pa ang mababa ang tingin sa kanila at mareklamo. Well kayo na humusga kung ano ang reaksyon ninyo sa sinabi niya.

Mabuhay Djon!

30 thoughts on “Maling pag-asa

  1. Hindi nakukuha sa yaman ang ugaling “snob”, Hoshi. Nasa kinalak’hang ugali and environment, kasama na dian ang mga ‘nagpalaki’, I suppose.

    Sa baryo namin (noon) sa Ilocos, obligado kang magsabi ng “makiraan po” kahit sampung beses ka pa dumaan (na). When I arrived here in Europe, napansin ko na it’s common practice to say bonjour (good day), even to your local butcher.

    Dahil nga lumaki ako at nagtigil na rin sa palabating environment, napansin ko kung nasa Manila ako na i-irapan ka pa pag nginingitian mo ang magandang tindera…

    Don’t worry, be happy. ¡opunɯ ƃuɐ pɐʇʞılɐq ɐd ıpuıɥ 🙂

    1. ay naniniwala ako sa iyo VF. kapag snob ka, que ilustardo ka o mahirap, kung yan ang ugali mo. mahirap ng baguhin yan.

      naku VF di na talaga ang uso ‘yang pa-smile-smile mo dito. mapagkakamalan kang maniac. hehehe di mo naman masisi yun dahil sa lagay na ng lipunan rito.

      talahang be happy!

      Merry Christmas and Happy New Year!

  2. Bah, nakakausap ko na sia a. Panay nga balikko noon na bibili sa sari-sari store nia hehehe!

    Ewan ko kung naikuento ko na tong experience ko dito. Minsan, punta ako sa SM Central. Cool lang ang style; nakashorts at simpleng T-shirt, naka-tsinelas ng spartan. Siempre, nginitian ko yung magandang salesgirl. In-snob ako at yung nakapormang-mayaman ang pinansin. (kahit mas-poge ako hehehe)! Bumaba ako sa escalator na ngi-ngitingiti. Bumalik ako pagkatapos, bitbit yung tsinelas at sinabing ginagawa ko yun sa bahay namin pag umaakyat…

    Ayun, humagalpak sia ng tawa hehehe!

    Ngiti naman diyan o….

    1. honestly, ‘di ko nakuha ‘yong sense nung pagbaba mo sa escalator. pero mukhang magandang experience for you at doon sa saleslady buhehehe

      oo naman ngumingiti ako ‘pag may nagko-comment, lalo na ‘pag makulit. buhehehe.

      eh loko pala yang saleslady, mali siya sa pag-entertain sa iyo bilang customer. eh mayaman ka pa naman, mukha nga lang m… hehehe. kung sa nanay ko yan, ma-manager’s office yan kagad.

  3. naku ang mga taong biglang yaman masyadong mataas ang lipad akala mo kung sino na hindi naranasan ang sumayad ang talampakan sa lupa… maraming ganyan, parang hindi ka kilala…haizzz gudluck sa kanila

  4. mas patay tayo kapag mahaba yung liham tas maikli yung payo hahahaha.. korek, wag iasa sa iba ang pag-asa.. pero huwag din naman matapobre sana.. hirap ng work ko pero pag naiisip ko mga iba na maliit sahod kesa sa kin eh alam ko kahit pano swerte pa rin ako kaya naiintindihan ko.. *sob langya ka paiiyakin mo pa ko dito hitokirihoshi hehe..

    1. hi jongskie721 and welcome dito sa hoshilandia!

      oo marami ang naglelevel-up at tila nagiging social climber. didikit sa alam nilang magpapaangat pa sa kanila. at ang datng kasama ay naiitsapuwera.

      pero ang maganda ay tayo mismo ay wag maging bitter sa kanila. stay put lang pero nangangarap at masaya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s