Aanhin ko ang pagiging senti

I

Natatandaan ko pa ang eksena noong una kitang makita

Simple pero tingin ko’y komportableng kasama

Sa isipan ko, malaki ang magiging pakinabang ko sa’yo.

II

Sinipat ko ang iyong kabuuan, taas at baba, kaliwa at kanan

Pati na maging iyong panlabas at maging kaloob-looban

Puwede na! Kahit siguro may mahahanap pa akong iba

III

Limang taon din tayong nagsama sa hirap at ginhawa

Sa mga panahong iyon, nagtatanong din ako kung…

Masuwerte ba ako sa panggagamit ko sa katawan mo?

IV

Oo posibleng ‘di nga talaga kita gusto pero kailangan kita

Kapag ‘di kita nakikita, hindi  na ako mapakali talaga

At hindi ako nakakapayag na makita na hawak ka ng iba

V

Akin ka! Alam mo ang aking hilig, kahinaan at sikreto

At hindi kita puwedeng kalimutan sa bawat araw

Unti-unti ka mang pumangit, kaya kitang pagt’yagaan

VI

Eh kaso nasira ka, kahit pa sabihing kasalanan ko

Aanhin ko ang pagiging sentimental kung wala…

wala ka ng pakinabang, hindi na kita kailangan!

VII

Pero ‘wag kag mag-alala ang kapalit mo naman ay maganda

Kahit nireto lang sa akin at mukhang gusgusin pa

Bagay na bagay siya sa aking panlasa, konting hagod pa

Note: ang tula-tulaan na ito ay tungkol sa nasira kong… W

Advertisements

10 thoughts on “Aanhin ko ang pagiging senti

    1. yeah, ako rin gula-gulanit na yon pero talagang kinalangan pang masira yung zipper bago ko maisip na palitan na. hehhe

      saka sa lahat ng BINILI kong wallet ay yun lang ata ang nagtagal sa akin ng taon.

      hehehe totoo naman ang mga sinabi ko roon, makahulugan nga lang.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s