Wild-Wild Wish

Yeah, yeah dahil magastos at may mga anik- anik na saloobing di ganoon kagaan para sa mga di na bata-batuta. ay bakit hindi ko naman pagbigyan ang aking diwa na mag-isip na maganda at yung bahala na kung magkakakatotoo o hindi (pero sana di ba?!). Hindi naman ako basta nagpapaka-isip bata ano? Gusto ko lang maging optimistic sa buhay. hehehe! So heto ang aking mga nais na mangyari sa ngayon at sa mga susunod na araw sa 2010. todo na ito!

> Ang matatanggap kong regalo sa exchange gift namin ay ang copy (ORIGINAL) ng Dirty Dancing 1 ni Patrick Swayze at Step Up 2. Kung kinakailalangan na papiliin sa dalawa, siempre ‘yong una. Pero mabuti kung dalawa para sobra ang giling-giling.

>Babalatuhan ako ni Manang Juling sa kanyang raket at hindi n’ya muna ako kukunan ng “entrega, kahit nitong akinse lang.

>Maisasakatuparan ko na ang aking d’ project

> Gigimik kami ng mga barkada ko noong high school kasama ng aming fav. Teacher.

> Magkakaraket ako (part time) dalawa- isa online at isa production

> Bobongga ang sales ng aking (personal) business lalo’t Pasko at magbabagong taon

> Makakapag-out town kami ni Syngkit, ‘yong may isang dekada na naming plano… panahon pa ata ng Harry Potter and Sorcerer’s Stone ‘yon e

> makakapagbawas ako ng timbang mga 2-3 pounds

> Matututo na akong magluto ng Tuna Pasta, Salad, Sinigang Baboy at ng paborito kong Champorado (‘yong pang world class).

> Mailulunsad ko na ang aking Small but Big dream site with my friends

> Bibilis na akong kumilos, lalo na sa umaga.

> Pormal na akong makakapag-aral ng trip kong short course

> Mabubuksan at makakapagdagdag ako ng bintana sa Purple Nassau

> May magbibigay sa akin ng round trip ticket pa-Davao, Palawan at Batanes

> Mayroon din sa ibang bansa – Greece, Rome, Japan, South Korea, London etc. (siempre pinakaposible ay sa Dubai at New Zealand)

> Mapapanood ko ang pelikulang Nine tas susundan pa ng marami pang pelikula.

> Makikita ko na ang aking lost long best friend noong elementary

> Marunong na akong mag-gitara at mag-keyboard

> Bihasa na sa photoshop at video editing

>Ko-Quota na ako, sobra pa! yahoo!

> Makasulat ng isang best selling children’s book (sana lang ay maayos ko ang diction ko, barubal eh)

> Maging matatas sa Nihongo, Spanish, Korean, French, Mandarin, Waray, English at Filipino (bakit si Natalie Portman lang ba ang may kayang maging multilingual? Ako rin with matching hand movements pa!)

> Kaya ng makipag car racing kasi may sasakyan na e. (para naman ma-apply ko ang galing ko sa Need for Speed)

> Maka-one on one (ala Ricky Lo Exclusives) sina Lea Salonga, Sharon Cuneta, Apple de Ap, Ryan Agoncillo, Judy Ann Santos, Jericho Rosales, Mr. Felipe Gozon at Freddie Garcia

> Pa-picture kina Ariel Lin, Jang Nara, Jennifer Garner, Katie Holmes, Demi Moore, Shakira, Beyonce, Jennifer Lopez, Catherine Zeta Jones (crush ko beauty ni lola), Drew Barrymore, Ellen Page, at Kelly Clarkson.

> Pa-picture with kiss and hug kina Daniel Radcliffe, Robert Downey Jr., Johnny Depp, Leonardo Di Caprio, Won Bin, at siyete kay Ultimate Crush Bae Yong Joon. (Kahit iyong sa una’t huli lang solve na, value meal na value meal)

> Makapag-invest ng bahay (okay lang din ang condo, mas gusto ko lang may naapakan na lupa paglabas ng bahay at mapagtataniman)

> Kahit least sa priority ko, makakabili ako ng laptop (na may libreng refrigerator at TV) para makapagpabarya.

> May wiling magbayad para lang kunin ang serbisyo at ilan sa intellectual property ko para gawing film, gag show at TV commercial. Sobrang gusto ko mag-work sa Bubble Gang at makagawa ng TV ad.

> Ok fine…Magkakaroon na ako ng Mr. Hoshi- na ang edad sa akin ay parang kasing laki ng agwat ng edad nina Kaori at Kenshin Himura, kasing guapo at maalalahanin ni Hotohori, kasing suplado ni Touya, pero kasing bibo ni Master Jericho. ‘Yong antas ng mentalidad at sense of humor niya ay parang kina Gurong Seravi at Dr. Hokoto. Tapos yung relasyon namin parang kina Tomomi at Yuya Noda lang.

Dagdagan ko pa ito kaso ‘wag na masyado ng personal, pang-diary na dapat. Wild ba o kengkoy lang me?

Advertisements

25 thoughts on “Wild-Wild Wish

  1. waaahooooo!
    teka teka hiningal ako dun ah!

    natuwa ako sa MR HOSHI! YEEEHEEEEEEEE!
    gusto ko rin maging matatas sa japanese at matuto rin magsulat at makaintindi ng japanese na din! paraka kahit anime eh kering keri ko na kahit walang subtitle!!! hakhak

    at ang pagpunta sa JAPAN! Naku! matupad lang yan! pwede na ako mamatay! bibisitahin ko dun yung anime world! nyahahaha!

    gusto ko rin maging bihasa sa photoshop eh! saka sa video editing!

    1. hiningal ka ba?! kulang pa ang mga yan pero okay lang… next year na lang yung follow up. hehehe. Code natin ‘yong mga binanggit kong characters ‘pag celebrities kasi masyadong given.

      oo ako rin noon ko pa gusto makarating sa japan kaso hindi pa natutupad. sana nga ay matuloy na. apart sa aking pagbisita sa anime world sasaliksikin ko rin doon kung nasaan na ang mga miembro ng bioman, maskman, mask rider black etc. hehehe wag na shaider, patay na raw yun e. nag-self study ako noon ng basic japanese. parang kaya naman kasi madali naman yung pronunciation at construction. kaya lang di ko na napagpatuloy. saka hirap sumulat ata ng characters. hehe

      yung video editing at photoshop kasi, hindi lang siya basta gusto. dapat ko siyang matutuhan. hehee

      1. hakhak! nalagpasan ko ata yung bubble gang! gusto ko rin sa bubble gang kasi masaya tapos pumunta pa sila ng japan! bonggaaaaaa!

        dapat makapunta tayo ng japan! ako naman maghuhunt ng mga characters ng mga live action gaya ng deathnote. hahanapin ko si L at Kira! hakhak!
        kelangan ko matuto ng japanese dahil sa japan ko talaga gusto ko magtrabaho… oh well kelangan naman siguro nila dun ng mga pilipinang inghinyera pero bago yan kelangan muna makagraduate! nyahahaha!

        ako hindi naman kealngan pero gusto ko talaga maging expert eh!

      2. well malay natin eh malapit na ang ating Japan trip kaya keep dreaming dava!

        hmmm hindi ako ganon ka-familar sa death note pero I’m sure okay ito.

        yeah iba ang gag show dahil fun ang tabaho doon. sana nga makapag-work tayo doon. ako kahit part time lang masaya na ako.

        well kapag natututo ka na ng photoshop at video editing. sa iyo na ako papaturo. hehhehe

  2. Bonjour Mademoiselle Hoshi. Comment ça va? (voila, that’s your first lesson in French! Translate mo nga para sa akin.) 🙂

    Sus, magrereklamo si Santa, masyado mahaba listahan mo!

    Oy, huwag muna sa Dubai. Bankarote sila ngayon.

    1. sos Bonjour Mademoiselle Hoshi lang pala e, “mabuhay binibining hoshi.”

      hindi ako naniniwala kay Santa. kaya carebears ko.

      oo malayo pa ako sa Dubai pero sana bumuti rin sila. nandoon yung dalawa kong ate.

    1. hmmm medyo mabagal nga ako mag-post nitong mga nakaraan dahil sa sobrang busy. pero may ilan na rin akong na-post maliban dito.

      oo maganda ang Filipino astig na lenguwahe. sobrang elib ako pag may natutuhan ako. ang matatas ay fluent sa Ingles

  3. hito,

    ang haba ng listahan mo, ate. pero naniniwala ako sa ‘personal legend’ (read ‘the alchemist’): kung gusto mo talaga ang mga ito “the whole universe will conspire to help you find these”.

    just cross your fingers and start with item number 1.

    scannedthoughts

  4. hanep sa dami ng wishes….ako di pa nakalima ng sabay-sabay,,,,hahahah…..in pernes…carry naman kapatid….sana nga matupad ang ilan sa ngayon…wag sabay-sabay baka di mo kayanin ang tuwa! hahahahhahaha

    1. hahah baka di kayanin ang tuwa?! natuwa ako doon kuya ah.

      oo nga, mahirap ma-overjoy nakaka-praning din. siguro puwede naman isa sa isang araw. hehe. yung iba naman dyan ay matagal ko ng wino-work out.

      mabuhay!

  5. ang haba ng list. Make it all happen! Madali lang ang pagluluto ng sinigang na baboy pero mas masarap ang sinigang na hipon. hehehe Sama mo rin ako pagpunta mo sa Seoul, Korea. Alam mo na kung bakit. nyahaha

    At ang online site? Ano na nga ba? Hindi dapat maging drawing iyan. :p

    1. talagang hindi magiging drwing ang online site, dahil unang-una hindi ako magaling mag-drawing at pangalawa, hindi nawawala yun sa mga plano ko. may nag-suggest na sa akin na handang maging web developer na libre. hehehe

      technical at business side na lang ang kailangan… at lalabas na ang dreamSite ko. hehehe

  6. I can help you with the cooking! =) Im willing to visit your house again for a cooking session.

    Gusto ko tlg ang positive spirit mo, sana’y mahawahan mo ako (yung umaapaw sa hawa).

    Sana pwede mong idagdag rito ang taong magbibigay sa iyo ng tunay na pag-ibig. Starts with letter C? Charot! hahaha

    More power.

    1. -yes panalo ang pag-help mong iyan. talagang nag-uumpisa na akong magkainteres, lalo’t gusto ko na rin kumain ng gulay. gusto ko mag-try ng ibang putahe kasihindi ko talaga magustuhan ang chopsuey at pinakbet.

      -wow, thanks naman sa iyong compliment, ayeee! may pagka-negative din naman ako, may urge lang ako na kailangan maging masaya.

      -hahaha hmmm may natatandaan ako na naging crush ko na nag-start sa letter C, pati nick name niya letter C at nasa bansang C rin siya. oh diba punong-puno ng Vitamin C. pinangalanan ko lang ng terrence – kaya ayoko ng Junk Food na Chippy, di kami talo. reto ko na lang siya kay Len hehehe

  7. Kailangan mo muna siguro ng introduction to begetabols. =)

    Pwede naman ang chippy, pangpulutan, pang-past time! waaaah charing lang!

    Chippy ♥ Len – Chippy ♥ MJhoshi – Chippy ♥ SMB

    Vote now, send to 2366 (Globe and Smart subscribers)

    1. naku yang wish list ko naipon na lang talaga. nadagdagan palagi kaya siguro kaya hindi nababawasan (gulo?)

      okay lang ako mag-work sa Kokey. basta masaya, may magandang sistema at higit sa lahat magtatagal sa ere.I think okay kasama si angel locsin, na meet ko na siya in person. sa dalawang beses na yon, napaka-accomodating niya.

      papalag ka? hahahah

    1. hindi, ang alam ko lang ay bi-sexual daw siya.

      gusto ko yung tikas niya. gusto ko ang mga babae na hindi laging pa-tweetums at flower base ang dating. ang tindi niya sa a very long engagement ha!

      may gusto akong panoorin na recent film niya e. kaso hindi ko matandaan yung title. basta yung poster ay nakatalikod siya at short yung hair niya.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s