Operation: Clean and Clear

Hinahanda ko na ang aking sarili sa aktibidades nitong December, ang buwan na laging weird ang pakiramdam ko. bakit? Isang factor ay ang pagiging ma-analyze kong indibidwal.

Anyway, apart from gift giving ko sa mga aking mga pamangkin at inaanak (tablado sa akin ang mga gurang, sorry!), nililnya ko na rin ang mga gusto kong gawin bago pa mag-2010. Ang dalawa doon ay ang magpa-medical check up at pagki-clean and clear ng aking Purple Nassau.

Para sa mga ‘di nakakaalam, puwes sentimental akong tao. Lalo na sa mga ibinibigay sa akin ng mga kaibigan ko. Hanggat maitatago, itatago ko talaga. Nasabi ko na bang ang pinakalumang card na naitago ko ay may date na 1994 pa at ang pinakalumang libro na mayroon ako ay ang paborito kong novel na Ang mga Ibong Mandaragit ni Amado Hernandez. Nakuha ko ‘yon sa isang pumanaw na matandang lawyer na kapit-bahay namin. Ang libro ay nilathala noong 1954.

Noong mag-scrapbooking na nga ako, hindi lang ‘yon pang-picture kundi pang lumang abubot na rin. At least hindi na lang pang-baul ang mga old letters and card ko. Da ba?!

Iyon nga lang may mga bagay na mas magiging meaningful kung ipamahagi na sa iba, gaya na lamang ng mga damit at libro. Ako kasi kahit ‘di ko na nasusuot yung iba, tinatago ko pa sa pag-asang isang araw ay mairarampa ko rin ang mga ‘yon. Iyon sa awa naman, hindi pa dumadating ang mga araw na ‘yon at kailangan na akong mag-move on. Iyong iba nga as in hindi ko pa nasusuot ever. Sadyang naiiba lang talaga ang taste ko sa pananamit. Buhehehe. May isa doon, once ko pa lang nasuot at sobrang maliit na sa akin. Ayoko lang pakawalan kasi bigay ‘yon ng best friend ko noong elementary.

May mga a-awardan naman na ako ng mga damit ko. Ang problema ko na lang yung mga lumang magazines ko. Parang nanghihnayang ako kasi hindi ko pa nababasa yung iba. At kahit luma na ang mga yun baka mapakinabangan ko pa sa pang-intellectual na pamamaraan. Eh sa totoo lang, mapapel ang Purple Nassau, lahat ng puwedeng basahin baka nandoon na. Gusto ko na silang isa-isahin na idispatsa. Kailangan ko na rin bang magpa-alam sa mga anime magazines ko? wahhhh hindi pahhhh!!!!

Basta gusto ko magka-space pa ang Purple Nassau ko at para makatulong na rin sa iba. Iba rin kasi ang pakiramdam na malinis ang kapaligiran, lalo na sa akin na magulong tao. Mabuhay!

Advertisements

44 comments

    • hahaha, kayamanan talaga ang mga ito. hayaan mo pag talagang totally wala na sa kaibuturan ko ang pagiging animeniac ay isa ka sa gagawaran ko ng yaman na yan. hehehe

      sa ngayon talagang hindi ko pa sila ma-let go. hehehe nandoon pa kasi yung alaala na nagtitipid ako sa pagkain at naglalakad ng malayo makabili lang ng mga yan. hehehe

      mabuhay!

      • hmmm anong klaseng anime mag ba yan ate? otakuzine ba o questor? kung gusto mo na siyang iletgo… ibenta mo na lang sa akin! bibilhin ko siya! as in! lahat ng anime mag! nyahaahahah! lalo na pag questor!

  1. puchaaaa! ate iletgo mo na! now na! kahit yun na lang christmas gip mo sa akin! oh please! kasi naman nagkaquestor ako noong hayskul! eh ano ba naman yun? yung pinkalast lang nabili ko! grrr! isang questor lang! hindi na naulit! tumigil na ang publisher! amp! ilang questor mags meron ka ate? kumpleto ba???

    • ay hindi ako kumpleto. ang pinagsisihan ko nga ay di ko nabili yung very first issue nila. dahil din doon, binibili ko na lang kapag nandooon yung favorite anime ko. at saka yung halaga noon, mas mataas pa sa halaga ng baon ko.

      check ko muna ang mga kabagayan. I’m sure mayroon doon ang willing akong i-let go na. may question ako? nakaka-attend ka na noon ng mga anime convention?

      • awts! akala ko kumpleto ka! huhuhu! pero okay lang! basta kapag kaya mo na siyang iletgo! sabihin mo lang sa akin ate at talagang bibilhin ko yan! ano ba yung mga fave anime mo na yun? baka mamaya fave ko din eh! malamang na hindi na ako makakatulog mamayang gabi nito! hakhak!

        hindi pa ako nakakaattend kahit isang beses. iyon ay una sa lahat, malayo ako sa mga convention na yan… sa manila kaya yun kadalasan nagaganap! pangalawa, hindi ko alam ang pasikot sikot sa maynila. at ikatlo, hindi ako papayagan! hakhak!

      • ah taga san ka ba?
        sige salamat talaga sa iyong offer. kinu-consider ko naman siya. at isa rin kasi sa reasons bat hindi ko ma-let go yung iba kasi sobrang gusto ko ang samurai x,card captor sakura at medyo fushigi yuugi, neon genesis evangelion, vision of escaflowne etc. pero ultimate fav ko ang akazukin chacha. hehee

      • taga hoshilandia! joke! sa baguio ako eh! basta basta! isa ako sa buyer ah! or shud i say! ako lang ang buyer nung mga anime magz ah!
        gusto ko akazukin chacha eh! waaaaaah! nyahahaha!
        kapangalan ko kasi! amp!
        gutso ko din fushigi, cardcaptor! eh parang parehas lang tayo ng taste eh!
        basta ate sendan mo na alng ako ng message sa gmail ko kung okay an sayong bitiwan ang anime mags! hakhak!
        anime freak eh!@

      • oo wala na akong ibang pagbebentahan ikaw lang kung sakali.

        wow sarap naman taga-baguio ka. kamusta naman ang pamumuhay dyan? noong march pa lang ako nakapunta dyan.

        wow, nakakatuwa naman at pareho tayo ng gusto. nakakaloka kasi yang si cha-cha. tas naging crush ko pa si gurong seravi. alam mo bang dina-diary ko pa noon ang bawat episode ng mga yan.at kahit saan ako nakikipanood.

        sinong mga crush mong anime characters – ako kasi sina kenshin himura, hotohori, dr. hokoto (BT’X), Touya (Ayashi no Ceres) at Jericho (kahit d ko trip ang Ghost Fighter)

      • hindi naman ako taga-baguio nadestino lang kasi dito ako nag-aaral. basta may time noon an ayaw ko na pumasok para lang makanood ng cartoons. asar pa ako nun kasi minsan hindi ko napapanood kasi may sumisingit na mga news na northern luzon! pucha talaga!

        crush ko!!!??? oh wait… marami eh! nyahahahaha! si killua at gon ng hunter x hunter, si sasuke,naruto at kakashi ng naruto, si vincent ng yuyu hakusho, si rukawa at Mitsui ng SlamDunk, marami pa eh! sobraaaaaa! hahahah!

      • ah well tingin ko rin kasi msarap mag-aral dyan. para kang nasa ibang bansa dahil sa lamig at ambiance.

        nakaka-relate din ako sa iyong pakikipagsapalaran para sa panonood ng anime. “kakawawa talaga ang haharang sa aking daraanan”. ‘yang si rukawa talaga, iba ang pagiging heartthrob. hehehe

  2. tumatanggap ako ng lumang magazines sa pasko hahahaha! minsan talaga kailangan mo maglinis ng kapaligiran, hindi dahil madumi kundi kailangan… kailangan ng magbigay ng espasyo sa mga bagong bagay at bitawan na ang mga nakaraan… haysus anong pinagsasabi ko?!

    • tumpak ka dyan kasi medyo nag-aamoy papel na ang kuwarto ko at kung anu-anong enerhiya na ang napi-feel ko. siempre nandoon an rin ang thought na para bago naman at makahinga- psychologically and emotionally… hehehe mei ganun.

      well sa post kung ito na-realize ko na talagang ang mga bagay na kailangan mong i-let go ay mapapakibanagan naman ng iba. sa gamit ha! hindi sa tao. hehehe

  3. Oo nga ipamigay mo na ang hahara-hara sa iyong Purple Nassau. hehe
    Masarap din sa pakiramdam iyong clutter-free ang iyong paligid para lalong lumutang ang pagka-purple ng iyong kwarto. hehe

    • heheh kamo di na ako makahinga sa dami ng laman ng kuwarto ko. mayroon sa loob ng kabinet, mga karton sa ilalim ng kama, at may hanging kabinet at tambak pa sa ibabaw ng table.

      btw, welcome sa Hoshilandia Dorm Boy!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s