Mahalaga ang pag-inom ng tubig para patuloy tayong mabuhay at mapatid ang ating uhaw. Pero kung gugustuhin natin ay puwede natin lagyan ng lasa ang ating inumin na hindi naman makakasama sa ating katawan.
Of course, tablado na rito ang alak at soft drinks (soda), na mapa-light o zero ay alam naman nating walang health benefits, iyon nga lang masarap talaga.
Ako man mismo ay maraming nakakahiligang inumin ilan na rito ang green mango shake, sterilized milk, probiotic milk-like, (iced or hot) coffee at iced tea. Sa huli may dalawa akong paboritong bilhan. Isa ay sa isang Italian restaurant na ang halaga ay Php 75 kada isang baso, habang ang isa naman ay ang House of Secrets: Brewed Iced Tea Drink Concentrates made with Real Calamansi.
Puwedeng sabihin na mahal ito sa karaniwang Iced Tea pero once na matikman mo ay panalong-panalo ang lasa. Ang isang bottle nito ay 1000 ml na matitimplahan mo ng ilang baso at aabutin ng ilang araw depende sa beses ng iyong pagtungga. Kung susumahin ay mura ito sa isang 1.5 soft drinks na nagkakahalaga ng Php 42-45 na maiinom sa loob ng ilang minuto pagkatapos iitsa sa iyo ng tindero ng iyong suking tindahan. Siyempre ‘di hamak na mas mura rin ito sa isa kong paboritong iced tea. Mababahaginan ko pa ang aking mga dabarkads.
Kumpara sa karaniwang iced tea na mabibili sa merkado na kailangan mong kanawin ng kanawin, tunawin at i-shake-shake ng maigi, ang House of Secret Brewed Iced Tea ay liquid kaya tatantyahin mo na lang ito sa iyong trip at lubluban ng yelo.
Uhmmm ayokong sa akin manggaling ang info sa posibleng health benefits nito dahil puwede nyo naman i-research. Pero knowing na isa itong black tea at may halong calamansi kaya siguradong may mahihita naman kayo sa pag-inom nito. Apart siyempre sa masarap talaga.
Aaminin ko na tinutulungan ko ang kuya ko sa pagbebenta nito dahil naniniwala ako sa produktong ito. BFAD Approve pati kaya hindi na nakakahiyang i-refer. Whether bilhin ninyo ito sa kanya (no. niya 0907-138-4129) o mismong sa mga sikat na pamilihan. I recommend na i-try n’yo pa rin.
Mabuhay at isa itong gawang Pinay!
ayos! pwede ka ng maging endorser ng product!
natuwa tuloy ako kasi kalamansi eh! tapos iced tea! tapos tapos tapos healthy pa!
pero pinakagusto ko talaga yung yakult!
haha pareho tayio na mahilig sa yakult. yun yun probiotic milk na sinasabi ko. ayoko lang magbigay ng brand name. heheh (sinabi ko rin).
salamat! malay mo sa susunod na lalabas na ako sa TVc nyan. buhehehe
Hindi ako mahilig sa iced tea pero ng matikman ko ito ay madalas na akong nag-a-iced tea, in fact, 2 bote na ang nabili ko dahil nagustuhan ng buong pamilya. hahaha
Dapat may libre akong isa, lapit na naman ang Pasko eh! hahaha
salamat sa iyong testimonial leng-leng. oo nga no? hindi ka mahilig sa iced tea. anyway, ang masasagot ko dyan at ayon sa aking kuya puwede kang maka-discount kapag bumili ka ng marami. hehehe
mabuhay!
patikim naman
ako, di gaya ni chief, ay mahilig sa iced tea
sobra
mahilig ka pala sa iced tea eh, bili ka na. hahaha
si len gagawin kong delivery girl sa iyo o kaya si marian locsin.
mukhang masarap nga iyan dahil binigyan mo nang panahon ikwento dito at ibahagi sa mga mambabasa mo… mabuhey! 😆
hahaha… oo nga dhyoy, heheh
mabuhay! sana nga ay matikman ninyo rin
kelan kaya magkakaroon ng 1.5 liter na yakult?
oo nga para hindi na kailangan mag-open ng 6 na basyo palagi. hehehe
pero parang nakakumay naman ata yung 1.5 at saka baka naman over na yung mga good bacteria sa tyan natin. hehehe
mabuhay
oh sige kahit 500 ml na lang, ahehehekhek..
ah okay, puwede na yon. buhehehe
para akong nanood ng infomercial sa tv dito, ah
hehe
nice!
teka ke sonnet’s ba ito?
nyahaha
happy sunday, bizwoman hoshi!
naku mas magaling ka sa infomercial style. hehehe
hindi sa kuya ko ito, manong raft3r.
Happy Monday naman sa iyo!
gusto ba ni kuya
i-post ko din ito sa mali bay?
hehe
wag na, nakakahiya naman sa iyo. eh aba lang naman kami (tienes!)
ayokong mabahiran ang deadbeat club mo. buhehehe
tamang sa hoshilandia na lang.
Epektib sa sipon ko yet no therapeutic claim, 1 bote pa Hoshi! Kampay!
yes mabuhay at gumagaling ka, with the help of house of secret brewed tea.
yes may one order ulit, kampay!