Divisoria

Ewan kong may kinalaman ang sakit ko (hinatsing-sinipon-sininat at inuubo) ngayon sa pagpunta ko sa Divisoria noong Saturday. Ang alam ko lang humihina na ata ang immune system ko. Dati-darati maangas ako sa mga sipon dahil hindi ako basta-basta kinakapitan noon.

Anyway,

Masikip, mausok, maraming tao at nakakapagod talaga ang mamimili sa Divisoria, Manila. Pero kung gusto mo talagang makamura ka at maraming mapagpiliang mga produkto, hindi ka magkakamaling magpunta roon.

Siguro isang beses sa isang taon ako napapadpad doon at madalas tuwing malapit ng sumapit ang Pasko. Doon kami namimili ni Manang Juling (na napakagaling sa tawaran) ng ipangreregalo, dekorasyon at anu-ano pa. At kapag nagpupunta kami roon

a. walang kahit anong abubot sa katawan. Hindi ko lang talaga kaya ang walang relo sa kamay. Then, isang CP lang ang dinadala namin, tas yung pinakaluma pa.

b. Suot ang pinaka-safe at pinakakomportableng damit. After all, kahit anong presko at ganda ng porma mo roon eh makikipagbakbakan ka lang naman.

c. Nasanay na rin ako magdala ng big bag na paglalagyan ng mga plastic na pinamili namin. Makakabili rin kayo noon na parang magaan na plastic cabinet hehehe.

d. Naka-body bag din kami ni nanay na kung saan, nakalagay yung pera, calculator, listahan, pamunas ng pawis, alcohol at etc.

Last year hindi ako nakapunta kaya nag-mall tour na lang ako sa Cubao. Hmmm okay naman din doon pero siyempre iba pa rin ang Divisoria. Noong Sat, for d first time, ay mga friends ko sa work ang kasama ko sa Divine.

toys from Divi
toys from Divi

I’m glad na halos ng inaanak ko ay nabilhan ko na ng gift. Medyo particular lang ako sa dalawang dalaginding ko ng inaanak kasi baka mag-inarts. Ang solusyon ay bigyan sila ng laruan na may pakinabang at dapat pinag-iisipan. In the end, P100 na laruan ang pinakamahal na nabili ko. Isang tip, mas marami kayong nabili sa isang store, puwede-puwede kayong humirit ng discount. Ganun na rin ang ginawa ko noong bumili ako ng ampaw na 10 isang balot. Dahil tatlo naman binili ko, ibinigay na lang sa akin ng P25. Di na rin masama di ba?!

2 for 150 shirts & 3 for 100 shorts
2 for 150 shirts & 3 for 100 shorts

Isa rin sa gusto kong bilhin doon ay mga matitibay at iba-ibang designs na shorts. Usually 3 for 100 ang shorts doon na okay na okay ang quality (lalo na roon sa nabibilhan namin ni Manang juling). Secret lang natin, yun ang ireregalo ko sa mga nakakatanda kong pinsan, hipag at kuya. Buhehehe

Idagdag ko na nga sana yung mga t-shirt na may mga nakasulat na 2 for 150 kaso ‘di ko saulo ang mga sizes nila saka baka ‘di rin nila trip. Pero bumili rin ako para sa akin, wala pang-asar lang! saka ‘di ba astig na ‘yon kung ipangbabahay mo.

Okay para sa iba ko pang pinamili eh akin na lang ‘yon. Hehehe dinamihan ko lang ang pinamili kong gift wrappers na balak kong ibenta ng 5 pesos isa, pag may sobra. Kahit na yung tatlo sampo eh, mabibili mo ata ng P9 sa mall.

Advertisement

May-akda: Ate Jevs

fairy god sister ni Hitokirihoshi ng Hoshilandia.com, eat food, sing songs, explore life, travel places, meet people and love...advice/stories/tips

39 na mga thought (isipan) sa “Divisoria”

  1. one time palang ako nag-divisoria
    at hindi na uli yon mauulit
    halos ma-rape ako dyan
    di ko kinaya
    nyahaha

    ps
    astig yun mga nabili mo, ah
    kelangan talaga dyan sipag at tiyaga
    di ko political ad, ha
    hehe

    1. oo kung di mo talaga kakayanin at can afford ka to buy so many things then “gotesco!” ako nga nagkasakit eh

      ako talaga once a year na lang pero kung mag-aaya eh go naman ako. bonding moment din kasi namin yan ng mga amiga ko wahehehe

      eh baka naman kaya halos ma-rape ka e, napaka-revealing ng suot mo? puti mo pa naman yata? “kutis na takaw tingin” hehehe

      peace! naku na-miss ko ang deadbeat club ah. makadalaw na nga

  2. di pa ako napunta ng divisoria, hang layo kase sa amen mamen… 🙂 tapos kapag pumupunta si mama ko ayaw akong isama, hindi ko alam kung baket…

    buti ka pa may mga pangregalo na…sana meron para sa akin jan hahaha!

    1. hmmm bakit nga ba ayaw ka isama ng mama mo?
      a. malalaman mo ang presyo ng gift niya sa iyo
      b. ayaw ka niyang mapagod dahil nakakaubos talaga ng enerhiya doon
      c.hindi bagay ang beauty mo roon.
      d. para yung ireregalo mo sa kanya, eh hindi galing sa divisoria.

      oo pati allowance ko ay isinugal ko na sa budget ko sa pamimili. kahit malayo pa ang pasko, pinursige ko. kasi mientras na december mas matindi ang bakbakan doon.

      yung regalo ko sa iyo? hmmmm hindi ko raw maisip, pero pauna na roon yung marami kong kwento at paniniwala plus tips. buhehehe

    1. sige pamangkin na VF (ayaw ko ng tawag mo sa akin parang against lang sa akin ang spelling) bibigyan kita ng ampaw. pero wag ka na umasa na may laman yun. hehehe

      abuso ka na kung binigyan ka na sobre/ampaw e, mag-e-expect ka pa ng laman. mabuhay!

      1. Sige, Tita-Hosi na lang. O kaya’y Aling Maria-Huana, hehehehehehehe!(I like that!)

        O, tatlong NAKA-sobre na ang ibibigay mo sa akin, isa from Anti, isa from Tita and one from Ale hehehehe!

  3. wahahahaah! kami rin ni mama pumupunta rin ng divisoria kapag malapit na ang pasko! attrip na trip ko talaga mamili! idol ko nga mama ko eh! ang galing tumawad! kalahati agad! nyahahaha! gusto ko na ulit pumunta ng divisoria! waaah! nakakamiss! ah basta pupunta ako dyan! bibili ako ng mga anime collectibles! hahaha! yun ang inisip!

    1. naku blakenwayt! ang dami kong nakita roon lalo na sa bandang 168 sa ibaba. yung presyo sa mall na maliit ang sizes eh yakang-yaka lang sa malalaki na roon. teka bat nga di ko na-try kumuha. meronna kasi ako noong sa Samurai e. gusto kong naruto naman ay malaking ulo na puwedeng alkansya. for 2 in one. heheh

      aba! pareho pala tayo ng kasammang mag-DV mga batikan sa tawaran.

      1. oh sa 168! teka parang pamilyar yun ah! as in madami talaga? may mga costume din ba na tinda? waaaaaaah! takte! naeexcite na tuloy akong pumunta! buhay ko kasi ang anime eh! ang cute! bibili din ako nung naruto! hakhak! marami akong gustong anime kaya maka hakot na hakot ang gawin ko sa divi!

      2. oo sikat yun sa divi ngayon. di naman karamihan yung nakita ko pero puwede na. yung sa costume isa lang ata ang nakita ko pero di ko na maalala kung saan building.

        try mo na lang sa tutuban prime block, 168 o cluster building. sabi nila marami ka ring makikita sa may divisoria mall, na hindi namin napuntahan malayo daw kasi.

  4. Mukhang hindi ka nga handang-handang pumunta ng Divisoria. ‘Pag dating namin ng sister ko, dalawang malaking bag na agad ang napamiili mo with matching listahan pa. Wais na namimili. hehehe

    Kami ng sister ko walang nabili para sa mga inaanak, puro sa amin lang. nyahaha

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: