break muna ulit

Nung bata ako nanghihingi ako sa ate ko ng pambili ng favorite fruit ko, sunod sa santol. Tapos kung ayaw ako bigyan, babanat na lang ako na tirhan ako kahit konti. Puwede ring taga-salo ako noon kapag aakyat ng puno yung kuya ko, kahit natatamaan  na ako pag binabato. “Nanay oh si kuya ____!”

Nung elementary nakakabili na ako ng papiso-piso. Iyon ‘yong sobrang liliit na Indian mango, mas malutong at hilaw mas masarap para sa akin. Medyo takot ako mamili ng bagoong alamang (actually hanggang ngayon) kasi bukod sa may pagka-allergic ako doon (at sa ibang seafood especially lobster), takot akong ma-hepa. Tama na sa akin ang rock salt o ‘di kaya ay toyo na may asin.

Okay lang din naman na mag-bagoong basta luto sa bahay at kilala ko ang nagtitinda. Alam n’yo bang may kaklase akong na-Hepa dahil sa bagoong na nabibili niya noong high school? Scary!

Mangga
Manggang nilalako

Hindi ko rin malilimutan na one time sa sobrang pagki-crave ko sa mangga ay nakalimutan ko na uminom ako ng soda before kumain noon. Eh sensitive ang t’yan ko, kaya miski hindi ko pa close noon yung isa kong kaklase nag-feeling na ako para makipupu. Hehehe

Nung college nakisosyal ako sa pagbili. Gusto ko hinihiwa ang manggang kalabaw na may stick ‘pag bibilhin ko. Yon nga lang ganun pa rin ako katakam kumain. Hehehe wala rin, jologs pa rin.

Trip ko rin ang ripe mango, yung kulay yellow. Ugali ko na ang hiwain yun ng pa-criss cross  o di kaya kutsarain. Kapag hilaw pa konti, nilalagyan ko ng patis. hmmm

Alam n’yo ba ang latest na favorite ko? Iyon ay ang green mango shake sa Fruitas at Cabalen. wahhhh sarap!

Ang mangga bow!

Advertisement

May-akda: Ate Jevs

fairy god sister ni Hitokirihoshi ng Hoshilandia.com, eat food, sing songs, explore life, travel places, meet people and love...advice/stories/tips

29 na mga thought (isipan) sa “break muna ulit”

    1. wahh hanga kaya ako dati sa mga batang yakang-yaka ang umakyat ng puno. kaya kung umakyat ng poste ng mala-pusit o sa kisame mala-spider pero ewan bat sa puno takot ako. hehehe

      feeling ko kasi daming higad.

      mabuhay sa mahihilig sa mangga

  1. Ang Mangga ay sariling atin, kaya dapat nating itong tangkilikin.
    Ang Mangga ay lalong nagiging katakamtakam kung iyong isasawsaw sa sukang maasim at maraming sili… hmmmmmm.. Sarap!!!

    New bloggers poh..

    Pa Blog roll naman poh…hitokirihoshi

  2. shetness namiss ko ang manggang kalabaw ng pangasinan na may kasamang ginisang alamang na may maliliit nahiwa ng taba ng baboy tapos may sili at pagkatapos eh uminom ng malamig na malamig na coke! waaaahhhhhh!

  3. Wow! Paborito ko rin ang mangga.
    Kawawa nga ang isang supot ng Indian mango ng magdala ka sa pantry few months back. Ikaw nga ba ang nagdala o si ate JovY? hehe

    Trivia:
    David Archuleta and Jim Brickman asked for mangoes the moment they arrived in their respective hotels here in the country. ;p

  4. pamangkin, di pa ko ankakakain ng mangga on a stick with bagoong.

    mukang masarap nga picture pa lang eh..

    ako takot ako kumain ng santol ang lalaki ng buto eh

    grabe! hahaha (O.A. tito mo ngayon pagpasensyahan mo na)

    1. saan ka naman naging OA tito? okay lang na di ka pa nakakain on stick eh kung puwede naman di ba sa plato na . hehehe

      sa santol nakakain na ako ng buto noon. umayaw na ako nang mabigyan ng lesson. wag mo ng tanungin kung saan lugar ha? hehehe

    1. oo delikado… maigi talaga kung mismong puno na ninyo. hindi naman actually gaano kadelikado sa mangga na nakababad (but be careful din baka naman ang itim na ng tubig nina manong), ang matindi yung bagoong alamang.

      hmmm oo msarap siyempre yung dilaw… pang chochalle dessert yun. tas pag trip mo paaasiman dun ka na nga sa green mango

  5. Eto ang recipe ko sa masarap na mangga, ilocos style.

    Mix well together tatlong malalaking carabao green mangoes -hiwain ng gustong kanipis; tatlong malalaking kamatis ng farmville -pigain sa kamay, huwag hiwain; tatlumpong siling labuyo, pigain din sa kamay; isang o dalawang basong tubig. Haluing mabuti hanggang. Ilagay sa tabi at tawagin ang barkada sa lilim ng mangga sa alas-siete ng gabi.

    Tipo ng barkada na kasamang kakain: Tatlong asar na VF at isang pikon na kagayamo. May tig-isang SML beer. Kakanta kami at sasayaw ka muna bago makakain ng isang piraso. Pag ‘di ka marunong sumayaw, puede ka ring iiyak hehehe!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: