Nakapanood ng gang war

Isang gabi na pauwi ako sa amin, ako ay napahinto. Tinabihan ko ang isang manong na animo’y sipag na sipag sa kanyang ginagawa.

Bigla may nakita akong dalawang grupo ng mga kabataang nag-aaway. Naghahagisan ng mga bote at nagmumurahan. Gang war iyon ng mga kabataan na ewan kung ano ba ang kanilang pinag-awayan.

Ang ingay nila ay nakakarindi pare-pareho silang naghahamunan ng tapang. Maya-maya pa ay nag-upakan na ang bawat miyembro ng dalawang grupo. Hindi ko na masasabi kung kanino nga bang kakampi ‘yong isa na natumba na sa kalye habang binubugbog ng isang blonde ang buhok.

Tas napatingin din ako dun sa dalawang babae na take note, hindi nagsasabunutan at nagsasampalan, kundi nagtatadyakan. Parang mga sanay talaga sa away kasi halos lumilipad sa ere.

Nakarinig ako ng mga nag-uusap sa tabi ko. Ang sabi ay nagsimula lang lahat ‘yon sa isang tingin na masama. Parang nakursanadahan na mag-away lang. Nakikinig ako nung marinig ko na may sumigaw. Mayroon ata doon ang may dalang sumpak at ice pick. Kanya-kanya sila ng patalim.

Ganoon pala yun no? Ayaw mong isipin pero parang malabong ‘di pumasok sa  kokote mo na malamang mamaya ay may bubulagta sa kanila. Maya-maya bigla silang huminto lahat. Wala naman akong narinig na sirena ng mga pulis o mga tanod na may hawak na batuta o arnis.

Yung isang lalake na may hawak na sumpak lumapit sa akin, wala naman siyang dugo.  Noong una hindi ko siya nakilala pero noong magkalapit na kami naalala ko na kung sino siya. Tas noong nasa harapan ko na siya parang nanood ang lahat sa amin. Tinanong niya ako, ano gusto mo? away, gulo, hug?

Sagot ko?

“Gusto mo pop corn ni Manong. Pareho lang presyo ng plain, strawberry at cheese flavor?”

Pop CornHayon pagbayad ko para sa dalawang supot na dala ko, isa sa akin at isa pasalubong ko, ay umalis na ako at tinantanan ko na ang kaka-imagine na kunwari nanood ako ng sine habang niluluto ni manong yong mga popcorn.

26 thoughts on “Nakapanood ng gang war

  1. di pa ko nakakakpanood eh.

    seryoso inalok ka ng hug? hehehe

    gusto ko matikman yung strawberry flavored na popcorn. at napicturean mo pa ang cart ni manong ah!!!

    ingat palagi, nako manood ka pag malayo ka at nakadistansya ka. wag lalapit sa gangwars. ice peak pa lang kinikilabutan na ko pamangkin.

    1. ako rin paborito ko rin yun pareho ng cheese flavor. pag walang flavor, parang di na lang ako kakain. heheh

      naku tito, hindi mo ba nabasa yung last part? nandoon ang lahat ng sagot kung inalok talaga ako ng hug at para hindi ka rin mag-alala tito.

      mabuhay! hehehe

      1. Analisahin? Teka…

        Nasa likod ka ng mamang may kamay. Nanginginig pa dahil tinututokan mo ng balisong. Sabi mo, “Sige, dagdagan mo pa ng popcorn kunde, gagawin kitang popcorn na lasang ketchup!

        🙂

  2. Waaaahhhh… Sabi na nga ba daapt iyong ending muna ang binasa ko para hindi ako malinlang. hehe

    Pwede ka na talagang scriptwriter. Grabe sa imagination — mapa-comedy, horror o action. :-)))

  3. kakaimagine na parang nanuod ka ng sine… nalito yata ako ate, imahinasyon lang ba yun o gawa-gawa lang? hanggulo ko? napadaan kasi naligaw, naaliw kasi nagbasa, sumigaw kasi nainggit, babalik. hehehe.

  4. ako nakasaksi nako ng gangwar. di tulad mo hito, natakot ako. as in. batuhan ng pilbox eh. (gasera lang dw un pinaganda lng ang tawag..hihi)

    am here agen! manggugulo ulet matapos ang pag-iinarte! whahaha!

    musta nb? 😆

    1. heheh… nakasaksi na rin ako before pero walang sumasabog. may kuya ako medyo prone sa mga ganyan. minsan nadale na talaga siya. nasaksak dahil sa gang war na yan.

      naisip ko lang talaga yan, habang nagluluto si manong. buheheh

      pero nakakatakot naman yang na-witness mo. kakaripas na lang ako ng takbo noon, iiwan ko ang pop corn.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s