Pick 5

Okay for people asking me kung ano ang meaning ng aking drawing sa post kong I,” eto na ibibigay ko na. Maraming salamat nga pala sa mga nagbigay ng komento at doon sa iba na hindi pa nakapagbibigay ay…wala na, sarado na , boooh! ibibigay ko na nga itong interpretation di ba?! Hehehe!

Ang pamagat nito ay “Point of five directions”

hulaan?
hulaan?

Pwedeng tao o sitwasyon ang point na nasa gitna (siempre). Mayroon itong at least five things na pwedeng pagpilian o directions na pwedeng tahakin. Actually, ‘di ko sinasadya na ‘yong dalawang arrow (dapat lalagay ko ‘yong tulis pero naisip ko na ang direksyon ng buhay ay nagbabago so ‘wag na lang) ay mag-cross. Pero tama lang ‘yon kasi may part kasi sa buhay natin (este ako pala) na nagtatagpo talaga ng landas o nakakaapekto sa isa’t isa. Gusto ko na sana i-elaborate ‘yon kaso mas type ko na next year na lang. Basta ang clue ay isasama ko ‘yon sa future entry ko na THANKS 2009!

Samantala, hindi nga ba’t dumadaan tayo sa sitwasyon na feeling natin ay stagnant lang lahat at mayroon din namang na ang dami-daming nangyayari. Subalit, masasabi ring kapag may sinugalang bagay ay may nagsa-suffer na isang aspect at puwede din iyong parang since birth ay maaalat talaga ang pagkakataon.

now is the timeIba-iba ang approach natin sa nailalatag na sitwasyon sa atin. May sige ng sige at mayroon din namang mabagal kung kumilos. Ako, medyo mapag-isip akong tao (obvious ba?!). Gusto ko hanggat maaari ay inaalisa ko muna bago ko umaksyon. Ayoko atang sinisisi ko sarili ko, kasi nagpadalos-dalos ako. Iyon nga lang ‘di sa lahat ng oras ay puwede pang makapag-isip at kahit mag-isip din ay hindi mo talaga makokontrol ang posibleng mangyari.

Humahanga ako sa mga taong nangangarap at tinutupad ang mga ‘yon. Malaki o maliit, ang bawat achievement ay achievement pa rin. Hindi dapat pinapares sa iba at hindi dapat nawawalan. Honestly, dumating ako sa point na ayoko na mag-expect kasi napu-frustrate din naman ako pero pangit naman siguro kung pati ang umasa sa pag-asa ay mawalan tayo ‘di ba?

ice cream yan no!
ice cream yan no!

Kagabi napanaginipan ko na nasa isang forum ako, pick five (parang sa facebook lang no?!) ng kahit anong hit list na trip ko. Doon sa dream ko, naisip ko raw ‘yong bagay na iniisip o ginagawa ko kapag nai-stress/ napapagod/ nalulungkot at kailangan ko ng inspirasyon. Well ito ang mga ‘yon…(as in according sa panaginip ko at sa totoong buhay)

Five na nagpapawala ng aking stress o nag-i-inspire sa akin

  1. Family
  2. Friends
  3. Ice Cream
  4. Sound trip (sa isang lugar na ako lang ang tao)
  5. Videoke / Writng/ Films/ Dancing

Pansin n’yo ba na mahilig talaga ako sa “o,” “/,” at “at.” Ako ‘di ko napansin o nawala lang sa isip ko, puwede ring baka namalik mata ako at ewan ko nga ba.

Advertisements

16 comments

  1. In fairness, medyo tama ng kaunti iyong interpretation ko. hahaha
    Videoke at ice cream? akala ko hindi ka mahilig doon. kasi di ba hindi ka nakakaubos ng kalahating galon ng ice cream at hindi ka prepared sa mga kakantahin mo sa videoke? wahahahaha

    It’s always nice to indulge in simple pleasures. :p

    • oo talagang ayaw ko yang mga bagay na yan, nakasanayan ko na lang dahil sa pamimilit ng mga friends ko.

      saka puwede ba ayoko ng inaalok mo na choco truffle. hehehe

      naman, kung bad trip ka kunin mo ang bagay na magpapaligaya sa iyo. dabahhh

      bawas stress

  2. AH, your penta-lines again! ‘Tingin ko ngayon ay parang street map sa google na nagtuturo kung saan ka nakatira hehehe!

    Dun sa “Item No. 4” – Sound trip (sa isang lugar na ako lang ang tao)… anong gusto mong kasama, mga langgam? Sige ka, pagpipiestaan ka nila. Mahilig ka sa matamis e…

    🙂

  3. ang aking top 5:
    1. janet (wife #1)
    2. jodie foster (wife #2)
    3. si marian rivera (syota ko pa lang ito)
    4. megan fox (may promising future ire sa buhay ko)
    5. si hoshi (kasi wala lang!)

    • aba ginawa mo pa akong “pang wala lang ha!” sa bagay, yan din ang rason ko bat ako nagko-comment sa deadbeatclub. wahehehe

      amanos tayo! buhehehe

      pero thank you na rin. at least top 5 ako. (hay mabuhay sa mga bolero at bolera!)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s