Mabahong Action

Bago pa sabihin na unti-unti nang natitigok ang movie industry ay kapansin-pansin na nauna nang nabaon sa hukay ang mga action films. Wala na ang mga blasting, ang mga nakakatakot ng pagmumukha ng mga goons, ang mga pa-tweetums pero nagpapa-sexy na leading ladies at ang mga maaangas na bida na kadalasan ay naka-leather jacket na itim.

Siempre dagdag pa sa naging dagok dito ang pagpanaw ng tinaguriang Da King ng action films sa bansa na si Fernando Poe Jr., ang kaisa-isang actor na kinikilala kong action star. Pero bakit hindi natin buhayin ang mga pamatay na linya nila di ba? Yun nga lang medyo mabaho ang dating.

Akin ang Trono

Eksena: Nagtutukan ng baril sina Pupung Wagi at si Pupung Pugak. Pareho nilang kini-claim na balwarte nila ang trono.
Pupung Pugak: Hindi mo makukuha ang inidorong ito! Dadaan ka muna sa ibabaw ng aking bangkay.

Pupung Wagi: Puro ka satsat este hangin, tapusin na natin ito (puro-rot-rot!)

Matira Matibay

Eksena: Patuloy ang bakbakan sa pagitan ng grupo nina Pupung Sawi at Pupung Yagit. Gustong patunayan ng bawat isa na sila ang malakas.

Pupung Sawi: Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo, tae ka!

Pupung Yagit: Oo ngayon na natin mapapatunayan kung sino sa atin ang masasawi, loser!

Isasama kita sa hukay

Eksena: Galit na galit si Pupung Wagi dahil trinaydor siya ni Pupung Yagit. Dahil kasi ditto ipa-flush na sila ng Janitor.

Pupung Wagi: Akala ko ang ahas nasa gubat, meron din pala sa kubeta

Pupung Yagit: Ang hirap kasi sa iyo, akala mo di ka tae. mahilig kang mag-Trust. Ang lagay ba ay ako lang, siempre isasama na kita sa hukay (pusong negro).

Janitor: Grabi man mga ini daku-daku, hay pastilan!

Para sa iyo, lahat gagawin ko

Uu: Natatakot ako Doro, pakiramdam ko malapit na tayong magkahiwalay

IniDoro: Lahat gagawin ko, kahit buhay ko isasanggalang ko para sa iyo kahit kailan, kahit saan.

Uu: talaga Pups?!…

(Eh dumaan ulit yung Janitor, nag-flush)

Janitor: lentek di naman ni-plus tung toilit, bweset (grrr urf urf)

IniDoro: Uu!!!!!

Tiagong Pupu

Tiagong Pupu: Hangga’t hawak ko itong magic kwintas, kawawa ang hahara sa aking daraanan. Hehehe. Humanda kayo Pupung Sawi, lintik lang ang walang ganti!

(sinusubukan na ni Pupu na dumaosdos sa Inidoro nang may…

Mr. Janitor with Mr. Clean and Mr. Muscle: I’m no body, no body, no body but you. Nandaren sarameun silheo nigaanimyeon silheo, I want no body, no body, no body…

Agoy! finish na rin sa wakas!

Advertisements

26 thoughts on “Mabahong Action

    1. hehhe… o may mga bago ng tauhan na may important roles. wahehehe

      salamat Tio Jason ay nagustuhan mo. by the way, nabasa mo na ba yung post ko na yung second official statement ko?

      binati kita doon. mabuhay!

  1. pupu series na action oriented
    i like

    pwede ba akong maging bida sa pelikula mo
    producer ka na pala, eh

    ano, patawagin ko na sayo si tita, ha?
    kayo mag-usap at magclose ng deal

    1. heheh, mabuti naman at like mo ito Raft3r!

      okay sa akin ikaw ang bida… ang siste lang e, kaya mo ba ang prosthetic. nai-imagine ko kung paano ka magmumukhang pupu. wahehehe

      ano no. ni Tita Becky? nang masimulan na ang mabahong movie mo. ika kaagad ang bida. wahehehe

      1. okay, dapat malalaman pa ito sa “story conference” natin pero sige…

        your character ay si pupung wagi… ang pupung bumibida at punong-puno ng kataehan sa buhay. Bagay din sana sa iyo si pupung yagit since nasa personality mo ang mag-travel-travel pero wag na.

        i believe na ang magaling na actor kayang gampanan na ang anumang role na malayo sa kanya.

        i hope okay na sa iyo at sa manager mo ang set up…anyway, mapag-uusapan pa natin yan before mag-contract signing sa Sofitel. 🙂

  2. wala na nga yung mga pinoy action formula movie..kasi natabunan na ng korean, taiwanese, latin formula tele-serye at movie…pero meron paring PANDAY! hahaha

    sana merong ding version ng pupu version ang panday lines.

    1. oo nga natabunan na sila.ilan pa sa nakikita kong naglibing sa mga local action films ay ang pagpasok ng mga modern visual effects ng mga hollywood films. parang hindi na nakahabol at saka yun na nga kailangan na mag-cost cutting.

      malay mo magkaroon din ng panday lines. kaso takot ako, classic yun e. saka FPJ is FPJ for me.

      thanks sa pagbisita at mabuhay larry CRUZ!

  3. Waaaahhhh! Forte mo talaga ito, parang laging base sa experience. nyahaha

    Favorite ko iyong “Isasama Kita Sa Hukay.” Bagay kay Kuya Obet i-deliver iyong last line, na-iimagine ko talaga. ahahaha

  4. ahehehe… wala na nga mga action movies…

    and i dont think there will be a revival any time soon.

    mas gusto na ngaun ng mga tao comedy and mga melodrama.

    Fernando Poe King of Pinoy Movies. =P

  5. Si Ate Glo at Erap.

    Tok tok tok. Kumatok si Erap

    “Sandali lang. Nagpupunas na,” tugon ni Ate Glo. Nabigla paglabas ng makita si Erap! “Hoi, anong ginagawa mo dito. Pambabae ‘to!”

    “Tama. Pambabae din ito,” sabay turo ang pupu!

    🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s