Binabati ko silang dalawa ng…

Bago ang lahat hihingi ako ng patawad, bakit? Hindi ako nagpaalam na babanggitin ko ang kanilang pangalan. Saan man sila ngayon, masaliksik man nila ito ay more power na lang po, wag n’yo ako sugurin. Bukod sa mabilis akong tumakbo ay maganda naman po ang aking sasabihin.

Makailang beses ko ng binanggit sa aking hoshilandia (a.k.a. hoshiville), maging sa aking mga kaibigan, kasamahan, at kakwentuhan na kung papapipiliin ako, mas gusto ko ang high school. Nasa pagitan ka ng pagiging bata at pagbibinata este pagdadalaga. Ang iintindihin mo ay paano mo iko-combo ang bulakbol sa pag-aaral

Mas masaya ako noon kasi marami akong napatunayan sa lahat. Hindi pala ako basta kayang utuin o buyuin, basta ayaw ko (bribe me!). Kaya kong magtipid kung kinakailangan at maging waldas (na mas madalas). Na ang pagiging malikhain ay malayo ang mararating pero dapat nilulugar. At kaya kong pakisamahan ang lahat at makakuha ng respeto (sa paniwala ko)

Nadisukbre ko rin ang iba kong talento na kinagaliwan ng marami. Isang bagay na nagpapakabog sa aking dibdib pero very satisfying. Ano ‘yon? Basta kapag tumuntong ako ng entablado nag-iiba ang aking anyo, pagkatao, paligid, at pagtingin sa mundo. Nagsasanib ang aking emosyon at isipan na siyang tumutulak sa akin na magkaroon ng adrenaline rush (“It’s very common, you can google it!”)

Siempre isa pang masaya doon ay magkaroon ng hinahangaan at manghahanga. Iyong mga nakanganga kapag dumadaan ka este nagpapapansin pala. Nakakapula kaya ng mukha ang makatanggap ng panunukso, pagpapalipad hangin o ng mga sulat at bulaklak (lalo na kapag initsa o hinampas pa sa ‘yo). “Ah mga Pre gusto ko man kayo banggitin ay ‘wag na baka ma-detect na liar ako.”

Ang gusto kong banggitin ay ang mga taong pumukaw sa aking kamalayan. Ang dalawang taong, imbes na katakutan ko ay nirerespeto at hinahangaan ko. Dahil doon sa isa, nahilig ako sa History, Greek mythology, current events at economics. Dahil naman sa ikalawa ay napagtanto ko na may values pala ako at mahal ko ang panitikan at wikang Filipino. Salamat talaga sa kanilang dalawa!

Happy Teacher’s Day Sir Ramon Naanep at Ma’am Victoria Diaz. Hindi ko pinangarap na maging guro pero kung hihingin ng pagkakataon. Kayo at wala ng iba ang aking magiging mga modelo. Mabuhay po kayo! Sana’y magkaroon pa ng mga kagaya ninyo sa Pilipinas. Para ang edukasyon ay hindi maging obligasyon o laro-laro lamang.

OA5X1267

21 thoughts on “Binabati ko silang dalawa ng…

      1. Bisikleta? Hmmm, Ilokano nga. Naanep, maligalig, gaya ko (at kuriput pa) hehehe!

        Ako ren, kahit may service car sa trabaho ko, I like to walk home (+ or – 2 kms.) sa hapon, pag-uwi ko. Maganda kasing exercise ang easy walking; sa katawan, utak at mata:

        Katawan – mula sa maghapong nakaupo.
        Utak – sa kababasa ng mga blogs.
        Mata – Nakakabusog sa mata yung mga naggagandahang tsikas sa daan. Minsan, muntik akong nadapa sa kalilingon hehehe!

        Ahhhh, nung high school days ko, palagi kong pray na uulan para maka-first base:

        “Hoshi, puede bang makipayong? Punta rin ako sa Hoshiville.”

        🙂

      2. hmmm mukhang napapaniwala mo nga akong ilokao si sir naanep. hehehe

        tama naman yang mga exercises mo,mura at natural pa. ang hindi lang maganda yung huli -yung mga tsikas. eh nakaka-overdose kaya ang mga yun. wahahaha.

        sorry kuya, hindi ako nagpapayong kasi mayroona akong taga-payong. buhahaha

    1. Buhahaha!

      Bah, iba ngang magturo si Mr. Naanep. Madamot ka sa payong. Sana sirain ng malakas na hangin ang payong mo at sa akin ka papayong! Pero ikaw ang hahawak!

      🙂

      Overdose? Bah, hindi a. Sabi nga ni Emerson sa paborito kong poem nia…: “if eyes were made for seeing, then tsikas are the only excuse for being…”

      1. ayos sa palusot na poem ah! sino ba ‘yang emerson na ‘yan. baka yan lang yung pasaway kong kaklase noong high school.

        grabe sinumpa talaga ako sa payong. don’t worry may friend ako pwedeng buy one payong take one kulambo. hehehe

  1. Naks naman! sayang nga lang tapos ka na sa kanila dahil pagnabasa nila ito malamang plus 50pts ang grades na ibibigay sa’yo grabe ang pagbibida. tama ka dahil ang peboret kong guro nung nasa college pa ako terror sya pero sya ang nagpatino sa akin. salamat sa kanya sa pagmulat nya sa baliw kong isip hahahahahahaaha. HAPI TEACHER’S DAY!

    1. okay lang yun… talagang mataas na ang grades ko sa kanila.(may itaas pa ba ang mga ‘yon hahaha yabang ko). oo, naalala ko sabi ni sir naanep na pwedeng mababa ang tingin sa kanila. pero ang mga teacher ang nakakahulma ng mga lawyer, doctor, public accountant (at siempre pa ng isang batikang hoshi.)

      sana magkaroon ng mga naging teacher natin. hindi sila nanakot, kundi nagbibigay ng insprasyon. gamit na gamit ko kaya ang skills ko sa kanilang dalawa noong college at pati na ngayon…
      mabuhay!

  2. Mayroon talagang mga teachers na talagang tatatak sa ating buhay estudyante.

    We may forget all the lessons — theories, formulas, jargons, etc — they taught us but I’m sure we will never forget how they deal with us and how they encourage and equip us to fulfill our dreams and be the best persons we could become. :p

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s