Hoshi’s second official statement

Dalawang taon na kami at lalong akong napapangiti. Mas marami kaming nakikilala at nakakakwentuhan. Ngayong taon, umabot na sa lagpas 18 libo ang nag-toktok sa aking Hoshilandia at patuloy na dumadami pa ang regular na bisita o bumibisita. Siyempre nangunguna na riyan sina VF, Len, Brainteaser, Dpuge,Kuya Blue, Kuya Sandi, Precious, Joyo, Sows, frenchy, iceorg, cute, salbehe, tuutuuki, flamindevil,anak ng pating, tito Jason (salamat nga pala sa kanya kasi tinanggap niya akong pamangkin) at RAFT3R!

Yes nagni-name drop ako kasi gaya ng sinabi ko noon ay piling-pili ang nailalagay ko sa blogroll ko – yung regular na bisita, regular kong binibisita at tingin ko interesanteng basahin ang blog talaga. Pero siempre nami-miss ko rin yung iba at kahit ‘di ko sila napangalanan, mananatili silang part ng aking balwarte. Hindi ko na rin mabisita kasi yung iba at nagba-blog lang talaga ako pag may naisip at oras. Naku di ko pa nga pala na-a-add sina sows at flamindevil hehehe sorry sa ibang pc ko na gagawin (bagal dito eh)! Saka sama na rin natin si living stain, shynyrd at blog ong.

Sa ngayon, kasama ito, ay umaabot na sa 143 ang aking nilathalang kwento at paniniwala. Salamat doon sa mga nagko-comment, especially doon sa mga napadaan lang talaga, hi Liu, jube, Erika, random student etc.! Sana yong iba sa inyo ay makakwentuhan ko pa. Saka nga pala, kadalasan ng binibisita kong blog ay yong nagustuhan ko lang talaga. Hehe (pero medyo bias ako sa iba ha!). Madalas ay nagko-comment din ako sa mga interesante ang post kahit kanino pang blog nakapaskil ‘yon.

Thank you-thank you din sa mga dumadaan kahit di nagko-comment. Okay lang yon, ang importante naman ay nakapag-share ako ng impormasyon at nakakapukaw ng kamalayan, minsan nga lang ay may kalokohan. (Pero pwede naman na kayo mag-rate na lang di ba? at mas maganda comment na rin, total nag-rate ka na rin lang eh. hehehe)

joyo loves my blog, yehey!
joyo loves my blog, yehey!

Alam nyo bang napapangiti rin ako pag napapasama ako sa fastest growing blog at nagta-top ang aking post. Pero iba pala pag napapansin ka mismo at ibina-blog ka ng ibang sikat na blogger. Dito, pinapasalamatan ko si Joyo na pinili ang aking post na “When There’s Sonata” sa isa kanyang nagustuhang blog noong July at kay Blog Ong na binanggit na sikat daw ako o ang hoshilandia sa Pinoy blog world. Yehey!

Sa ngalan nina ate jevs at pupu company, muli ay nagpapasalamat ako sa inyong lahat! In short, I thank you bow!

Advertisements

74 comments

  1. yes
    first honor ako
    sa wakas!

    happy birthday ba ang tawag dito
    o
    happy anniversary?

    kung ano man ang okasyon
    let’s celebrate!

    sama ko si misis, ha
    si janet
    para makapag unwind naman sya
    pwede?

    btw, dami mo ng dapat i-comment sa blog ko
    nyahaha

    • salamat-salamat kuya blu! oo nga dumami na kayo at masaya ako doon.

      hmm ok lang ba kung ang mga handa ay kakanin like sapin-sapin, buko pie at bibingka. tas yung para sa iba ay tokneneng, lumpia at banana cue.

      heheh pinoy dapat ang motif. hehehe

    • meee makulit? di kaya! di naman ah, di naman eh

      hehehe

      okay naman ito, masaya kasi nakadalawang taon na pala sa pagba-blog!

      yung blog mentor ko, wala e soooobrang abala.

      o nga pala thank you kuya VF ha!

      kumusta na?

      • Eto, gaya ng sabi nio dian na taga Maynila, “okay-lang”, kahit hindi hehehe.

        …bumalik ako to get a little smile from your blog. Dito kasi, kumpleto ang rekado for a simple life. Pag gutom ka, marami dian, banana cue at tokneneng!

        🙂

      • naks kuhaan pala ng little smile itong hoshilandia ko. hehehe

        salamat naman at napapangiti kita. bukod pa sa napapatakam din.

        naks masaya ang simple life .. hehehe

        mabuhay! wag ka na malungkot! sige padadalawin ko sa iyo sina pupung saw at pupung yagit!

  2. Kudos, Kudos, Kudos! Dalawang taon mo na pala kaming nililinlang. hehehe Ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat dahil marami kang napapatawa, napapaiyak (?) at napupukaw na damdamin. Lalim! hehehe

    Nagulat ako sa dami ng comments, iyon pala kinarir ni Raft3r. Nagtataka ako kanina bakit si Rafter ang huli sa billing. Iyon pala ang dmaing comments. hehe

    Happy 2nd, Hoshi! Isa kang talentadong nilalang! :-)))

    • salamat-salamat Leng-leng! salamat sa iyong pagtangkilik sa aking hoshilandia! hehehe

      kahit minsan bago ko isulat yung idea ko ay naikwento ko na sa iyo.

      oo nga napudpud ang kamay ko dyna kay raft3rdahil sa kanyang mga hinaing at request sa buhay. kasi gusto niya siya yung huli eh dati hindi naman siya ang nilagay ko roon. hahaha

      napilitan? hindi naman, medyo lang hehehe

      special naman si raft3r dito kaya pinagbigyan ko na. hehehe

  3. OO nga minsan nga di ko na binabasa diretso comment na lang. ahahaha Joke lang! :p

    Payag na ako diyan sa billing na iyan kasi kulay pink na naman ang name ko kaya di na aapela sa korte. hehe

    • oo naman kasama ka na sa hoshilandia friends ko… oo saya-saya pag nakikita yung name mo doon at wala ka namag ginawang campaign hehehe. yung ni-post mo lanh yung kung ano ang nasa puso at utak mo. naks!

      mabuhay at thank you po ulit!

  4. “Thank you-thank you din sa mga dumadaan kahit di nagko-comment.”

    Sapul ako dito. Nakakatamad kasing mag-comment, kapag nasinggahan naman ako ng pagkokoment magiging kasing haba na ng blog ang koment ko. *wink*

    Gusto ko lang din magpasalamat sa mention mo at sa madalas mong pagkokoment sa page ko. Hindi kita kilala pero mas madalas ka pa yatang bumisita sa lungga ko kesa sa mga kaibigan ko.

    Gusto ko din malaman mo na kahit hindi ako nagkokoment ay hindi ibig sabihin na hindi ko binabasa ang mga blogs mo. Kaya nga siguro napapadalas din ang pagpasyal ko dito dahil interesante ang mga sinusulat mo. Ipagpatuloy mo lang!

    • wow nakakatuwa naman ang iyong tinuran mo na kahit di ka nagko-comment ay madalas ka dito sa hoshilandia. wahhh nakakataba ng puso na malaman na interesante ang aking mga bina-blog.

      salamat po! at ngayon mas ngingiti na kahit wala comment ay mataas ang hits ko. kasi isa ka pala sa mga regular na nata-traffic dito sa hoshilandia.

      mabuhay!

  5. haaay! huli man daw ay huli parin heheheheheh. oi, wow naman, hanep, grabe! at todo na ‘to….. wala na akong masasabi pa sa kasikatan ng blog na ito dati pa try try lang ngayon isang tanyag na at pinag-uusapan sa lahat ng sulok ng pinas take note pinas biro mo mababang uri lang ito i mean lo profile pero hanep ang hataw sa rating grabe thanks po sa pagsama sa pangalan ko isang malaking karangalan narin ang makilala at mapabilang sa blog na ito. MABUHAY KA NAWA’Y DUMAMI PA KAMING TAGA SUBAYBAY MO! ARU!

  6. uhmmm ngaun lang ako nadapo dito sowee naman dahil mejo bc ako sa aking cafe at farm hahaha…. 2 years ka na palang namamayagpag, congrats… keep on writing marami kang napapasayang tao. 🙂

    • wow mayaman ka pala may cafe na, may farm pa. ako napabayaan ko na ang farm ko e, nagko-concentrate na lang ako sa resto. heheh

      oo nga, bilis ng panahon, parang kailan alangan pa ako na mag-blog. salamat at nakakapagpasaya ko kayo. wahhh

      mabuhay!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s