What’s most important

“because of Ondoy, I think i appreciate more yung mga little things. In the end, what’s most important is life.”

  • Ako ay nagpapasalamat dahil ligtas naman kami at kung binaha man ay yakang-yaka naman. halos labas na labas lang ng bahay namin.
  • Linggo ng umaga, nakagala ako sa ibang part ng baranggay namin. may nakita akong mga bahay na tila niragasa ng malaking baha. hanggang bubong na wala ng dingding ay may mga nakasabit pang basura.
  • May nakita rin ako na kalahati ng isang street naglalaba ng mga dirty clothes ang mga mommies.
  • nakita ko may ibang part sa kisame tumuklap at pumutok ang isa naming ilaw. pangit sa mata pero nakakapukaw ng damdamin. Ano na lang sa iba na ni kisame di na makita dahil sa baha.
  • kapansin-pansin na ang ilang sikat at engrandeng subdivision ang sinalanta ni Ondoy.  ibig sabihin, walang mayaman at mahirap sa epekto ng kalamidad o climate change.
  • di ko trip si richard (gutierrez) pero hinahangaan ko siya sa pagtulong kina cristine reyes. Ganoon din sina Judy Ann santos at Ryan agoncillo para sa family ni Gladys Reyes. take note, wala pa naman si Christopher Roxas (asawa n’ya) sa bansa.
  • dahil sa kanilang naiibang kabayanihan; sina echo (jericho rosales) at gerald anderson ngayon ay hindi na lang basta sikat, hinahangaan pa
  • May nagrereklamo na mahina ang signal at mabagal ang palitan ng mga mensahe. Buti sila nakakapag-text pa, eh yung iba kamay na nga lang ang kayang iwagayway sa taas ng tubig.
  • buti na naimbento ang cp… dahil kahit inanod na ang landline pwede pang maka-text at makatawag sa labas. Simply amazing, angat na angat at kahit papaano Gumagaan ang life!
  • Mahal ang plasma TV diba? well inanod lang ang mga ito nang bahain ang SM Sta. Mesa.  yung mga kumakain sa food court nagpulasan nang magkanda basag na ang mga salamin. kuwento ng mentor ko.
  • dati nababasa ko ang mga sakuna sa China at iba’t ibang bansa sa ASia. Iba pala pag sa bansa mo na nangyayari.
  • Ipinagpi-pray ko na humupa na ang mga baha at makabangon ang mga nasalanta.  sana’y wag kayong mawalan ng pag-asa.
Advertisements

22 comments

  1. yan ang hinahangaan ko sa ating ibang kababayan pagdating sa kagipitan at pangangailangan luboslubos ang kanilang pagiging bukas palad. MABUHAY KAYO! PAGPALAIN ANG MGA TAONG MAY MAGANDA AT MALINIS NA PUSO NA HANDA SA ORAS NG KAGIPITAN! SALAMAT PO!

  2. Sobrang eye opener ito. Mayaman ka man o mahirap, artista o simpleng tao, apektado. There are so many thins to ponder on about what happened.

    Saludo rin ako sa mga nagsitulong,artista man o hindi, in their own ways. Help is help no matter how small it is.

  3. life is STILL good
    saka pinoys are resilient

    mga sasakyan nga namin binaha
    pati bahay na
    pero ok lang
    ang importante buhay kami

    btw, bakit si cristine kapamilya pero sa kapuso unang humingi ng tulong?

    baka mafreezer yan gaya noong starlet

    • korek … Pinoys are resilient at mahalaga ang buhay higit sa bahay, sasakyan at pera.

      oo nga nagulat din ako na hindi na-rescue pero ok lang… sa ganoong kagipitan naman wala ng kapuso at kapamilya. importante makasagip at maligtas ka.

      si arnold clavio, pinuri naman si echo sa kanyang ginawa sa kanilang lugar.

  4. Kamusta? salamat naman at nasa mabuti kayong kalagayan..saan ba ang lugar ng hoshi landia?

    Isang linggo na rin ang nakaraan ng makabalik ako mula sa isla ng buraka kung san kami pinadpad ni Ondoy..dito kami sa Pasig.

    Salamat sa Diyos at natapos na rin nitong nakaraang linggo. 😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s