Estudyante Combo Meal

May pera naman ako kahit papaano

Pero aaminin kung kukulangin na rin

Kaya ang kinailangan kong gawin…

Kumain ng tatawagin kong

25-09-09_1316“ESTUDYANTE MEAL” = Lumpia (P12) + Salted Egg (P9) + Rice (P5)

Nakamura ka na (P26 lang), busog ka pa. Hmmm naalala ko tuloy ang mga pinagkakain ko noon sa school

Grade school:

Meal  1. Zesto (Hi-C!) + Sandwich

2. Palamig + banana-cue / camote cue

3. Soda + Chippy ( o kahit anong junk foods)

4. Ice tubig + 2 pisong pan de coco o spanish bread

High school:

Meal 1. soda + brownies

2. tubig + tokneneng + rice

3. soda + spaghetti

4. ulam + kanin + tubig ( yes asensado na)

College:

Meal 1. anim na pirasong quail eggs (kapalitan ng kikiam) + gulaman

2. P10 cheese or sweet sour French fries + hot dog on stick +  soda

3. footlong (kahati ang isang kaklase) o crinkles + mango shake (promise favorite ko ito!)

4. ulam + kanin + dessert (ito ‘pag kinakailangan sa pakikipagsosyalan)

5. Mcdo Value Meal 7 (pag walang sundae, naka upsize ang french fries at drinks)

Note: Proud akong sabihin na minsan lang ako magkanin sa school. Kaya kong hindi kumain ng kanin sa tanghalian o kahit sa buong isang araw

Wahhhh tipid-tipid!

Advertisement

May-akda: Ate Jevs

fairy god sister ni Hitokirihoshi ng Hoshilandia.com, eat food, sing songs, explore life, travel places, meet people and love...advice/stories/tips

17 na mga thought (isipan) sa “Estudyante Combo Meal”

    1. ay sorry 12 lang pala yan. pero mahal pa rin medyo kasi dito yan sa building pero kung sa kalsada yan, 7 -10 lang yan…

      hehehe sa hirap ngayon… yung actually na mura ay mahal pa talaga. gaya ng mga sales dyan sa mga mall. discounted pero parang mahal pa rin. heheh

    1. medyo hehehe at mas marami pang mapagpipilian na halos ganyan. sama mo na ang buy one take one burger. hehehe

      ok naman po me, medyo nagkasakit.

      kayo di ko na kayo kukumustahin hehehe
      mukhang masaya naman kayo, hahaha.

      mabuhay at congratz!

      1. medyo binaha yung ilang part ng bahay namin pero mild lang talaga.
        kawawa yung ibang part ng barangay namin. kasi kasing taas na nung bahay nung bumagyo. alam mo yung naiwan pa sa mga bintana at bubong yung mga basura at damit na inanod.

    1. yes ang sarap talaga hmmmmm! (nang-inggit pa raw)

      and yes tama ka… ngayon ko lang napagtanto na napaka-healthy ng mga meal ko. hehehe

      pero may isa pa pala akong nakalaimutan at masustansya. yung meal na makikain sa classmate na may masarap na baon. hehehe

  1. Nagiging mature kaya tayo ‘pag nagba-budget ng ating kakainin sa araw-araw. Dahil d’yan ‘eto ang medalya mo. Walang superpowers pero I am with you in living a fine life on a budget (naks shameless plug). Sulit ang side dish or ulam na may lasa kasi marami ka nang kaning susungkitin in the process. Baka mag-extra rice pa.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: