KAPAYAPAAN, KALAYAAN, KARANASAN…noynoy aquino

May party akong napuntahan na hindi ako ganoon ka kumportable. Hiwalay ang kuwarto kung saan may kainan, doon sa kuwartong may mga program gaya ng sayawan, kantahan at palaro sa parang hotel na ‘yon.

Noong marinig ko na parang may dance contest, nagpasya akong sumali. Pumasok ako sa loob ng kuwarto at doon ko lang naalala na naka-dress pala ako kaya inabot ko ang aking sinturon at sapatos sa aking kaibigan na nanonood lang sa program.

Sa mga kasali, alam ko dalawa doon ay kakilala ko. bigla nag-alala ako na baka stop-dance ang laro. Dyahe naman sa akin ang sumali pa sa ganung laro pero nandoon na rin lang, sumige na ako. Ang nakakaloka lang ay imbes na pasayawin kami ay nagkaroon ng question and answer portion.

Pinakitaan kami ng tatlong que cards na naglalaman ng mga salitang KAPAYAPAAN, KARANASAN at KALAYAAN. Mamimili ka alin sa tatlo o i-enumerate mo ang tatlo ayon sa pagigingg importante nito sa iyo.  Panghuli ako sa sasagot at yong nauna sa akin ay si Tita Cory pala. Ang sagot niya ay KAPAYAPAAN.

Naisip ko ay may punto siya pero ako ang nasa isip ko, kalayaan ang gusto ko na unahin. Pero naisip ko rin nung pagkakataon na ‘yon, mahirap idepensa at may pipili kaya nung cue card na may nakalagay na KARANASAN? Pero noong ako na ang sasagot ay hindi na ako nakapagbigay ng kuro, kasi nagising na ako.

Wala lang sa akin ang panaginip na ‘yon, bagama’t weird at nakasama ko pa talaga si Tita Cory ha.  Pero kanina habang nakikinig ako sa speech at pagdedeklara ni Noynoy Aquino na tatakbo na siya na sa pagkapangulo biglang bumalik sa akin ang panaginip ko.

Marahil pinili ni Tita Cory ang Kapayapaan kasi yun naman talaga ang nagawa niya during her time, gusto ko ng Kalayaan bilang indibidwal at mamamayan at ang KARANASAN ay para kay Noynoy. Sa totoo lang kasi, ‘yon ang tingin kong kulang sa kanya at mas gusto ko siyang tumakbo bilang pangalawang pangulo.

nais ko'y kalayaang,'di papel lamang
nais ko'y kalayaang,'di papel lamang

Siyempre, ayaw ko rin naman sa mga TRAPO (traditional politician) na punong-puno sa karanasan pero wala namang kakuwenta-kuwenta at integridad. Ang sa ganang akin ay kaya nga bang mamumuno, desidido, maaasahan, mapagkakatiwalaan at  may magandang hangarin para sa bayan.

Naniniwala naman ako na mayorya sa mga binanggit kong  katangian ay tinataglay ni Noynoy. At kung titingnan ang mga posibleng kakandidato, namumukod tangi  nga siya sa maraming aspeto.  Pero may bunga kasi ng isang magandang puno na nababalewala ang pagkalinam-naman at sustansya pag piñatas ng hilaw. Nakakatakam man tingnan pero nakaka-frustrate pag hindi naibigay yung hinahanap mong dapat na lasa nito.

Dagdag na tanong lang… kung hindi ba namatay si Tita Cory at iba ang ginawang taktika ni Mar Roxas (lalong-lalo na ang flop niyang padyak ad), papaimbulog kaya ang name ni Noynoy?  May isa lang akong gustong purihin sa kanyang mga sinabi niya iyon ay dapat wag mawalan ng pangarap o pag-asa.

Advertisements

16 comments

  1. may punto ang iyong kuro-kuro, aanhin nga ba ng ating lupang tinubuan ang pinunong wala naman karanasan ngunit datapwat mayroong kaalinsabay na positibo at negatibo ang pagiging amuyong sa katungkulan na kasing taas ng pagka-presidente…aking dalangin lamang ay gabayan siya ng ating Maykapal sa hakbang na kanyang tatahakin…

  2. We need someone who’s the exact opposite of Gloria. Tama ka. We need someone who has the integrity, someone we can trust, someone who will not allow anyone to rape our country over and over again.

    I know Noynoy will not do anything to destroy the name of his parents but I still need to know his platform before I can give my vote to him.

      • na bothered lang ako pamangkin nung sinabi nyang mag reretreat muna sya sa retreeat house para mag-isip
        at para makapagdesisyon…

        hmmmmmm

        dapat diba derecho ang
        desisyon! hehehe

        pakialamero ako

        pero magtiwala tayo sa kanya..

        ayan na naman tayong mga pinoy..

        mamaya sisiraan na rin sya tulad ng mga naranasan ng mga previus presidents.

      • yes ganun din ang reaction ko nung sinabi niya yun. may part talaga na reluctant siya na mag-presidente at marahil wala pa talaga sa isip niya ang ganun bagay, napilit lang.

        sana nga yung mga taong nagttutulak sa kanya ay hindi rin yung mga taong maglaglag din sa kanya sa huli. like what happen to FPJ. tingnan mo naman walang career sila.

  3. siguro hindi…pero sa isang banda..parang parallel ang experience nila ni cory…unwilling candidate …pero tadhana ng kasaysayan ang nagtakda….
    ewan…sa ngayon di pa ako solved kay noynoy…pero aabangan ko na lang ang mga susunod na kabanata….mareng hoshi nasa ere na ulit ako…back to rome na ako…heehhhe

    • naks ayaw pa raw kay mar… yun pala gustong maging first lady si koring. hehehe

      ibabalik naman siguro , ginagawa na lang konting remedyo para sa adjustment sa ranking. hehehe

      “ramdam ko kayo, lalaban tayong pangalawang pangulo!” hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s