Magnanakaw – magnanakaw!

Madalas ako ang nauunang magising sa amin ‘pag WEEKDAYS pero nung Martes (ata) lahat ng tao sa amin gising na. Then nakita ko yung hipag ko sa bakante naming kuwarto na nakahiga at tulala sa kawalan.

Na-holdap/ nanakawan pala siya sa bahay nila nung madaling araw na yun. Natutulog daw silang mag-iina ( nasa abroad kuya ko) nang may kumatok sa maliit na bintana sa kanyang ulunan. Nung tumingala siya nakatutok na raw ang isang lumang revolver sa kanya. Pagkatapos, pinakuha sa kanya yung pink niyang wallet. Sabi ng hipag ko, dalawa pa nga raw ang wallet niya- isang pamekeng leather at yung pink wallet niya. Siguro daw tiniktikan nung bumili siya ng bigas.

Nasabi ko na lang na “buti sa luma ng revolver hindi ka nalaglagan ng kalawang, putik o agiw”. Hehehe! Ikako sa bagay mahirap din ipagsapalaran yung buhay nila sa lumang revolver na yun (natamaan ka na ng bala, matetetano ka pa – double dead yun). In the end, lumipat na lang sila ng bahay. Ang moral lesson dun ay magsara ng ilaw pag matutulog na at laging siguruhing nakakandado ang mga bintana at pintuan.

Ako man ay naka-experience na ng akyat-bahay. Ganito ‘yun… tinining-tining) …

Umuwi ng province ‘yong kuya at nanay ko. So ako lang, yung ate ko at anak niya at isa ko pang kuya na lasing that time ang nasa bahay. Nagpupuyat ako noon sa pagko-computer, maya-maya (around 3 or 4 am) tumahol yung aso namin. Paulit-ulit kaya naman sa pika ko, sinita ko (“hey you white doggy, shut up or I’ll kick your ass!). Ang napansin ko lang ay naka-focus yong aso sa harap ng bahay ng kapit-bahay namin.

Pagpasok ko, tuloy pa rin yung aso sa kakatahol pero nag-tone down na siya. After noon hindi na ako mapakali, punta ako sa kuwarto ko o sa kuwarto ng ate ko, tuloy sa pagko-computer, at punta ako sa CR namin na kung mamalasin ay nasira yung gripo.

Pinilit kong magawa yung gripo at nagawa ko naman gamit ang aking magic plies. Then punta ulit ako sa kuwarto na ewan naman kung bakit naiwan kong nakabukas yung ilaw dun. Tas may kinuha ako sa wallet ko na nilapag ko sa mesa ko na malapit sa bintana. (Eh that time sira yung lock ng bintana ko.)

Nung bumalik ako sa harap ng computer (around 5am), narinig ko maya-maya na may sumigaw. Pagtingin ko sa bintana, nakita ko yung kapit-bahay namin, hinabahabol yung naka-all black na magnanakaw at natalon nun yung gate namin na parang si spiderman.

Sa huli napag-alaman namin na napasok nung magnanakaw yung bahay nung kapit-bahay namin at nakuha ang kanilang cp. Tinanggal isa-isa yung salamin sa kanilang bintana nang hindi nila nalalaman kahit 2 pa naman silang lalaki (sila lang naman yung kainuman ng lasing kung kuya).

Nalaman lang namin na nakawan din yung ate ko nung makita ang kitchain niya sa bag na naiwan ng magnanakaw (nandoon din yung patalim n’ya). Sinungkit yung bag niya at saka kinuha yung wallet niya doon. Biro nga namin ay buti hindi nasungkit pati yung puwit niya nang sungkitin ng magnanakaw yung bag niya na inilagay niya sa likuran niya.

Alam n’yo maraming “mabuti na lang” ako sa araw na yun.

1. buti nagpuyat ako kasi kung hindi baka na-ransack na yung bahay namin. Pwede niyang pasukin yun through sa kuwarto ko kung tutulog-tulog ako.

2. buti hindi ako nilusob nung magnanakaw at saksakin ng patalim niya nung sitahin ko yung aso namin.

3. buti nasira yung gripo kasi at least siguro naalarma yung magnanakaw at ikot ako ng ikot. (magnanakaw: naku may magic plies ‘tong babaeng ito!?

4. at kahit naiwan ko yung wallet ko sa bintana na binuksan niya. P200 lang ang nakuha niya roon kasi buti ulit, hindi ko pa pinapapalitan yung tseke ko doon. (eh $1 million laman nun… tienes! lang).

Mula noon sobrang ingat na ako. Kahit antok na antok ako, tatayo ako para siguraduhin ko na nakasara na ang mga pintuan at bintana. Saka isa pang tip, maging alerto kayo sa mga pinapapasok ninyo sa bahay ninyo, lalo na doon sa hindi ninyo kilala. Kasi doon nadali yung kapit-bahay namin at mag-alaga ng aso hehehe

24 thoughts on “Magnanakaw – magnanakaw!

  1. waw naman… binasa ko talaga lahat. buti na lang talaga. yung kapitbahay mo lang ang nadali sa mga oras na yun..
    at ikaw pamangkin ay safe!!
    pano mo nga pala ipangdedepensa ang pliers? HAHAHA panakot lang?

    ako swerte kasi hanggang ngayon di pa ko nakakaranas ng ganyan ng nakawan o holdapan. (muka daw akong di kanakaw-nakaw)

    kinabahan ako dun sa bintana na may kalawanging revolver. anak ng. maiihi ako nun pag sakin ginawa yun..

    kaya ugaliing magkandado at mag-ingat!!!

    magpakalat ng 4 – 6 dobberman sa gate. 5 ang nightshift.

    1. ayos may nightshift pa ang mga aso.

      oo nga buti na lang din talaga safe na safe kami. hindi naman na nagbalaik yun. siguro ang target talaga niya yung kapit-bahay namin. hinala namin kainuman yun nung kapit-bahay namin kaya alam ang pasikot-sikot sa kanila. nadamay lang kami.

      hehhe oo kailangan may magic weapon in case of emergency.

  2. haha! akala ko sa SIMS lang makakakita ng magnanakaw na all black ang attire. 😀 LOL! Haha!

    Anyway,tama yang sinab mo, kailangan lahat ng tao sa Pilipinas ay mag-alaga ng aso para iwas masasamang loob!!!!!!!! 😀

    Ingat next time [sana wala ng next time. haha]. 🙂

    1. hehehe tinatanong ko pa kung ano ibig sabihin ng FTW. oo minsan nakakasawa sawayin sila pero pag napatingin naman sa iyo at humalikipkip, sooobrang nakakaawa.

      maasahan talaga sila,sama ko na yung mga pusa. nnasubukan ko sila kamakailan lamang. mabuhay ka Alps!

  3. nako yang mga magnanakaw na yan hindi ko alam kung bakit nila ginagawa yan… eh kung sila kaya ang nakawan ko,,, haizzz per sa totoo lang yung mga taong ganyan dapat pinapalapa sa sampung aso na may rabis! Hindi biro ang kumita ng pera, pinaghihirapan ng tao bawat sentimo para makapundar lang ng mga gamit kahit 48 yrs pa ang abutin. Yung iba sobrang pagtitpid ang ginagawa makaipon lang tapos nanakawin lang nila ng 20 minutes! nakakainis dba!haizzz ang sakit sa bangs!

  4. Ganyan kahirap ang mga Pinoy, kapit sa patalim. Lahat na yata ng technique sa pagnanakaw nagawa na ng Pinoy. Onli in da Pilipins style.

    Naghihintay lang ako ng mala-Italian Job na style. hehe

    1. oo nga iba talaga ang mga Pinoy sa mga diskarte, sana eh sa mabuting bagay na lang gawin di ba?!

      italian style… hmmm eddie ang nakawan ay pastahan at pizzahan lang. hehehe

      at yung mga itsura nila mga balbas na pakulot lang hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s