Bi-day ni Nanay (A Hoshi’s monologue)

I.

Birthday ng Nanay ko ngayon, pero wala ako sa bahay.

Malungkot ba  ako? Hindi naman, pabor pa nga e!

Pag-uwi ko mamaya, kakain na lang ako at kakanta sa videoke

Iyon ay kung mayroon at hindi ballroom ang magaganap.

II

Tulad noong isang taon, ganon din ang iniregalo ko sa nanay ko.

Mas okay sa kanya ‘yon, saka ‘yon din naman ang sabi niya.

Malaking diperensya noon bata ako, na hihingi ako ng pera

para ipambili ng regalo rin sa kanya at kalaunan ay hihingin ko rin.

III.

Specialty ni Nanay ang kilawing dilis pati na ang menudo at kaldereta.

Kaya tuwing may handaan kasama ang mga ‘yon  sa mga nakahain.

Noon ako na ang nagtotoka sa sarili ko na mag-waitress.

Pero mas type ko na ngayon ang maghugas na lang ng pinggan.

IV.

Wala ng makakasaksi kung gaano katagaktak ang pawis ko

Hindi na ako magtatanong ng “ate o kuya, tita o tito tapos na po kayo?

At maiiwasan ko na rin ang mga chikadora na panay ang chismak

“Ayan na ba yong bunso n’ya? Aba’y dati ganito-ganire lang yan e!”

V.

Kilala ko naman ang karamihan sa kabarkada n’ya,

mas kilala kumpara sa mga kamag-anak namin.

Mahirap kasi  tandaan ‘pag pare-pareho ang mukha

at minsan lang kung magpakita tapos magkakailangan pa kayo.

VI.

Ang mga amiga kasi ni mi Mama ay mga viva.

Hindi ka patatahimikin sa kakatanong at kakausyoso

Magkukuwento ng kanilang buhay, pamilya at pagkakaibigan

Na malamang ay mauuwi sa tawanan, sabay hampas ng abaniko

(buhahahaha)

VII

O s’ya-s’ya isa lang naman ang  gusto kong  sabihin talaga,

Maligayang Kaarawan Nanay Jules, more years to come – more

Blessings, more love, more peace of mind, and more power!

Vaya con Dios!

Advertisements

28 comments

      • ‘yoko ng ballroom dancing, pangdamatans lang yan. Sa kainan na lang ako, yung kilawing dilis na maraming sili ang gusto ko.

        sa paghuhugas ba kamo ka destino? o, huwag kang kakanta sa harap ng kalan, mawawala mga wishes mo sa puso hehehe!

      • oi hindi naman pang damatans lang ang ballroom. saka maganda yan sa katawan mo, pang exercise.

        naku patay, bumibirit pa kaya ako habang naghuhugas

        “moon hanggang river, ang dish washing ko…”

    • wow naman sa pagbati! natuwa ako doon ah.

      okay lang na late kaysa hindi ka na bumati. alam ko naman ang mga priority mo e, sino ba naman ako? (hahaha drama lang!)

      salamat uli at good luck sa shooting mo, movie ba ‘yan, tv show o airsoft?
      hehehe

  1. […] Instant.  Sa kabila ng pagkakaroon ng computer, laptop at mobile phone ay hindi  matatawaran para sa akin ang tandem ng ballpen at papel (scratch man, notebook or notepad).  Kung hindi man maglista ng bibilhin, gagawin ay mas naisusulat ko gamit ang ballpen ang aking mga ideya. Siguro 80% ng blogpost ko lalo na sa Hoshilandia Sr. ay naisulat ko muna sa papel bago ko na-type sa PC. Including my pupu series at monologues. […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s