You tokneneng!

Isang araw na nag-break kami, napabili ako ng piniritong siomai. Sakto lang yun na pamatid gutom at pambara sa bibig ko na naghahanap ng maalat o maasim na pagkain.

Pero sabi ng kasama ko dun na lang kami sa underground na kainan. Sinamahan ko siya pero dahil may siomai na ako at biniling iced coffee ay wala na akong balak na bumili ng pagkain. Okay na sana ang plano kaso nakakita ako ng tokneneng o yung itlog na nilaga at isinawsaw sa harinang may artificial color na orange saka  ipinirito.

Hindi na ako gaano nag-isip bumili ako kahit isa lang. matagal na kasi akong hindi kumakain nun, since high school pa ata.  Ang madalas ko kasing naiispatan ay yung kwek-kwek (na itlog naman ng pugo ang bida). Pero actually mas gusto ko pa rin ang huli kesa sa una, nagkataon lang na na-food trip ako.

iced coffee and tukneneng
iced coffee and tukneneng

Nag-aalala ako sa combination ng iced coffee at tokneneng baka kasi mangasim naman ng todo ang tiyan ko pero carry naman.  At sa gitna ng binagoongan ng aking kasama at tokneneng ko ay nananiriwa sa aking alaalala na napilitan akong kumain ng tokneneng nang hindi dahil sa pagtitipid o gutom.

For the first and last time, nag-cutting class ako nung high school para mapanood ang ending ng Zenki. Partida may quiz pa raw kami noon sa Math pero dinedma ko kahit natatakot ako. Tiyak naman palakol ni Diva ang makukuha ko ron eh. Hehehe (babala sa mga estudyante: huwag gagayahin para hindi maging itlog ang iyong mga grades.)

Pagdating ko sa eatery na may TV, nagkukumpulan na ang mga estudyante na pwedeng nag-uwian na o tulad ko ring takas. Parang majority ata nang nandoon ay mga naglalakihang lalaki eh. Pero queber hindi ko isasakripisyo ang grade ko sa Math para magpapatalo ako sa kanila.   “Kawawa ang haharang sa akin” hehehe.

Hmmm kailangan ko makabili ng pagkain para makaupo ako o di kaya ay makakuha man lang ng magandang pwesto. eh kulang ang budget ko, kaya naisip ko umorder ng makahel-kahel (orange) at mainit na tokneneng na inilagay sa maliit na mangkok. Saka ko nilagyan ng suka na may sili at sibuyas.

Noong una nakatayo ako pero ipinakita kong nahihirapan ako sa pagkain tas nanood pa. “Ay ay naku baka matapon ko itong suka naku-naku.” In the end pinaupo ako nung nakaupo na lalake na nasa harapan ko. hehehe.

Back to present, wala namang nangyari sa tiyan ko at tiwala naman ako sa pinagbilhan namin na kainan.  ‘Yung siomai ipinasalubong ko na lang sa kuya ko na ang sabi “ay ay walang toyomansi?”

May-akda: Ate Jevs

fairy god sister ni Hitokirihoshi ng Hoshilandia.com, eat food, sing songs, explore life, travel places, meet people and love...advice/stories/tips

36 na mga thought (isipan) sa “You tokneneng!”

  1. base ba???

    aayy ang sarap ng tokneneng!

    tokneneng pala tawag dyan??

    mahilig din ako sa itlog..

    lalo na ang sawsawan eh suka na maasim at maalat alat.. yum yum…

    para tuloy gusto kong kumain nyan…

    sarap ng iced coffee kaso kape lang na mainit ang meron ako haha 😉

  2. Pagkain na namannnnnnnnnn?

    To tell you the truth, di pa ako nakatikim niyan. Ilibre mo nga ako!

    Tsaka patikman mo kaya si Ate Glo nian? Malay mo, baka bayaran niya ng 20K doliares hehehe!

    1. bakit kuya? ayaw mo?

      magagamit na dito ang suka ng vigan.. hehehe

      sige ililibre kita basta bigyan mo muna ak ng pizza, carbonara, champorado, tuna pasta at green mango shake. hehehe

      hmmm tingin ko pwede siyang magbayad talaga ng $20k lalo na pag tinamaan siya ng high blood kakain nito. hehehe

    1. kasi pag yellow -redundant na. yellow na ang loob, yellow pa ang labas.

      kapag green – malaswa

      kapag violet – labag sa pederasyon

      kapag pink – hindi akma

      kapag blue – hindi kapanipaniwala

      kapag orange – makulay pang-akit, buhay na buhay ang egg. hehehe

  3. natatakam ako palage…eiiiwwww…laway ko natuloooo….waaaaaaaaa…

    hehehe

    sarap yan lalo pag may palameg or scramble or cookies and cream na pearl shake (mga uso nung colej ako sa peyups! hehehe) isa pa pala ung unlimited na P5.00 na lugaw sa sta mesa, tapos ung P20 na kanin-siomai tandem, at ang pang mahirap sa lahat, ang pancit canton-kanin tandem! whoooo….nkakagutom!..hahaha!

  4. nga pala, hito, fav ko rin si zenki…
    “tnggalin ang sumpa kay zenki, ttnggalin ka ng lihim n spada..zenki! waaaaa….” tpz un la-laki na siya ng bonggang bongga! at mgging yummy! hehehe…

      1. ah tlg? ang ikolek ko naman kcng mga text is ung kay sailormoon tsaka wedding peach..tsaka ghost fighter..

        and i still have it..one of ds days popost ko un…hehehe

      2. aba at pareho pa pala tayo ng paborito…hahaha. grabe gustong-gusto ko yung wedding peach dati kahit di kapani-paniwala na may buhok na pink. buehehe

        ganda ng love story nina wedding peach at nung partner niya. may collection din ako ng text nun.

        sige hintayin ko ang post mo na yan. mabuhay!

  5. nagutom naman ako..

    cofee bliss ng mini stop ok din sya ehhe..mini stop ba yang ice coffee mo hehe..

    ma try nga rin ang kwek kwek at ice coffeee…hehe…

    may naalala ako sa cutiting clasess ah ehher..

    1. oo masarap naman siya. pamalait ko yan sa kapeng mainit. sa school kasi dati, as ihn kapeng may yellow ang inumin ko.

      ngayon ata may dark chocoklate na rin sila nyan na gawang Hershey.

      ano yang cutting classes memory mo? hehehe

  6. hhhmm..sarap ng iced coffee..ano ba yan.. nagugutom na tuloy ako:)

    dati dragon ball naman ang hindi ko pinalampas.. pero di ako nag-cut ng klase, di lang ako nag review for periodical exam..heheh

Mag-iwan ng tugon sa precious Pindutin ito para bawiin ang tugon.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.