Isang araw na nag-break kami, napabili ako ng piniritong siomai. Sakto lang yun na pamatid gutom at pambara sa bibig ko na naghahanap ng maalat o maasim na pagkain.
Pero sabi ng kasama ko dun na lang kami sa underground na kainan. Sinamahan ko siya pero dahil may siomai na ako at biniling iced coffee ay wala na akong balak na bumili ng pagkain. Okay na sana ang plano kaso nakakita ako ng tokneneng o yung itlog na nilaga at isinawsaw sa harinang may artificial color na orange saka ipinirito.
Hindi na ako gaano nag-isip bumili ako kahit isa lang. matagal na kasi akong hindi kumakain nun, since high school pa ata. Ang madalas ko kasing naiispatan ay yung kwek-kwek (na itlog naman ng pugo ang bida). Pero actually mas gusto ko pa rin ang huli kesa sa una, nagkataon lang na na-food trip ako.

Nag-aalala ako sa combination ng iced coffee at tokneneng baka kasi mangasim naman ng todo ang tiyan ko pero carry naman. At sa gitna ng binagoongan ng aking kasama at tokneneng ko ay nananiriwa sa aking alaalala na napilitan akong kumain ng tokneneng nang hindi dahil sa pagtitipid o gutom.
For the first and last time, nag-cutting class ako nung high school para mapanood ang ending ng Zenki. Partida may quiz pa raw kami noon sa Math pero dinedma ko kahit natatakot ako. Tiyak naman palakol ni Diva ang makukuha ko ron eh. Hehehe (babala sa mga estudyante: huwag gagayahin para hindi maging itlog ang iyong mga grades.)
Pagdating ko sa eatery na may TV, nagkukumpulan na ang mga estudyante na pwedeng nag-uwian na o tulad ko ring takas. Parang majority ata nang nandoon ay mga naglalakihang lalaki eh. Pero queber hindi ko isasakripisyo ang grade ko sa Math para magpapatalo ako sa kanila. “Kawawa ang haharang sa akin” hehehe.
Hmmm kailangan ko makabili ng pagkain para makaupo ako o di kaya ay makakuha man lang ng magandang pwesto. eh kulang ang budget ko, kaya naisip ko umorder ng makahel-kahel (orange) at mainit na tokneneng na inilagay sa maliit na mangkok. Saka ko nilagyan ng suka na may sili at sibuyas.
Noong una nakatayo ako pero ipinakita kong nahihirapan ako sa pagkain tas nanood pa. “Ay ay naku baka matapon ko itong suka naku-naku.” In the end pinaupo ako nung nakaupo na lalake na nasa harapan ko. hehehe.
Back to present, wala namang nangyari sa tiyan ko at tiwala naman ako sa pinagbilhan namin na kainan. ‘Yung siomai ipinasalubong ko na lang sa kuya ko na ang sabi “ay ay walang toyomansi?”
base ba???
aayy ang sarap ng tokneneng!
tokneneng pala tawag dyan??
mahilig din ako sa itlog..
lalo na ang sawsawan eh suka na maasim at maalat alat.. yum yum…
para tuloy gusto kong kumain nyan…
sarap ng iced coffee kaso kape lang na mainit ang meron ako haha 😉
hahah salamat cute, tamo mali pa spelling ko kanina ng tokneneng. hehe
teka hindi ko rin nasabi yung favorite drink ko nung college – yan na yun yung iced coffee
kain ka na hehehe
Ako rin ang tagal ko ng hindi nakakain niyan! Masarap iyan iterno sa lugaw o goto. :p
At imbes na iced coffee, Coke dapat. hahahaha
aba at hinirita pa yung coke niya… parang di naman creative yun. hahaha
tara guto mo kain tayo mamayan break?!
Pagkain na namannnnnnnnnn?
To tell you the truth, di pa ako nakatikim niyan. Ilibre mo nga ako!
Tsaka patikman mo kaya si Ate Glo nian? Malay mo, baka bayaran niya ng 20K doliares hehehe!
bakit kuya? ayaw mo?
magagamit na dito ang suka ng vigan.. hehehe
sige ililibre kita basta bigyan mo muna ak ng pizza, carbonara, champorado, tuna pasta at green mango shake. hehehe
hmmm tingin ko pwede siyang magbayad talaga ng $20k lalo na pag tinamaan siya ng high blood kakain nito. hehehe
dami naman yan!
sige, pinakbet pizza, gusto mo?
sos pinakbet! kinilaw na lang… booooh!
parang puro fud ang post mo ha… lagi tuloy akong natatakam… hihi
oo nga medyo napapnsin ko na rin. hahah
sarap kasi e, mura pa.
bakit nga ba kulay orange sila, ha?
kasi pag yellow -redundant na. yellow na ang loob, yellow pa ang labas.
kapag green – malaswa
kapag violet – labag sa pederasyon
kapag pink – hindi akma
kapag blue – hindi kapanipaniwala
kapag orange – makulay pang-akit, buhay na buhay ang egg. hehehe
uu nga naman. ahahha..:D
hi gie and welcome dito sa hoshilandia… and thank you at agree ka sa aking point of view about orange tokneneng.
mabuhay!
natatakam ako palage…eiiiwwww…laway ko natuloooo….waaaaaaaaa…
hehehe
sarap yan lalo pag may palameg or scramble or cookies and cream na pearl shake (mga uso nung colej ako sa peyups! hehehe) isa pa pala ung unlimited na P5.00 na lugaw sa sta mesa, tapos ung P20 na kanin-siomai tandem, at ang pang mahirap sa lahat, ang pancit canton-kanin tandem! whoooo….nkakagutom!..hahaha!
haha estudyante meal tawag sa mga yan. at kaisa ako sa iyong mga menu. hehe
kami mahilig din sa mga burger na buy one take one at foot long na hinahati sa gitna. heheh
@raf, mas mukhang edible daw kc ang orange kesa sa yellow na mkhang hepatitis, green na mukhang lumot, red na mukhang dugo…
make sense? hehehe..napanood ko lng sa Rated K.. sarap!
agreelicious ako sa iyo precious. hehehe
lalo na ang itim, magiging century egg na yan. heheh
nga pala, hito, fav ko rin si zenki…
“tnggalin ang sumpa kay zenki, ttnggalin ka ng lihim n spada..zenki! waaaaa….” tpz un la-laki na siya ng bonggang bongga! at mgging yummy! hehehe…
alam mo ba na hanggang nagyon meron akong collection ng tetxt nyan.. sunod-sunod kung paano bigkasin ni chiaya (tama ba?) ang orasyon at pagta-transform ni Zenki. hehehe
ah tlg? ang ikolek ko naman kcng mga text is ung kay sailormoon tsaka wedding peach..tsaka ghost fighter..
and i still have it..one of ds days popost ko un…hehehe
aba at pareho pa pala tayo ng paborito…hahaha. grabe gustong-gusto ko yung wedding peach dati kahit di kapani-paniwala na may buhok na pink. buehehe
ganda ng love story nina wedding peach at nung partner niya. may collection din ako ng text nun.
sige hintayin ko ang post mo na yan. mabuhay!
waw my favorite tukneneng
adik ako dyan!!!
2.50 isa nyan samin dati..
tekte naman
nagugutom ako dyan
nako!!!!!!!!!!!
yumyum!!!!!
baka kwek-kwek yun tito jason?
kagabi kumain ako nyan wahhh umalsa ata cholesterol ko kasi naka walo ata ako.
5 pesos ata kwekkwek samen
diba kweek kwek yung malaki>???
naguguluhan na ko!
tito pag pugo ang itlog – kwek-kwek
kapag itlog ng manok – tokneneng
ang pagkakatulad nila ay pareho silang mayroong orange food coloring. hehehe
sawsawan ko dyan suka at yung maanghang na brown sauce!!!!!
ay oo nga ma variety na… kagabi ko rin lang nakalaman. hehehe
anag alam ko lang kasi yung suka. buhehhe
hehehe di nga?? puro sa suka ka ang sumasaw saw heheheh
saws aw suka mahuli taba
ahahaha nyeh
wahhhh parang tumataba na nga ata ako. wahehehe… pero ayon sa mga nababsa ko mas okay ang sour like vinegar compare sa mga salty and sweet foods. buhehehe lulusot pa.
nagutom naman ako..
cofee bliss ng mini stop ok din sya ehhe..mini stop ba yang ice coffee mo hehe..
ma try nga rin ang kwek kwek at ice coffeee…hehe…
may naalala ako sa cutiting clasess ah ehher..
oo masarap naman siya. pamalait ko yan sa kapeng mainit. sa school kasi dati, as ihn kapeng may yellow ang inumin ko.
ngayon ata may dark chocoklate na rin sila nyan na gawang Hershey.
ano yang cutting classes memory mo? hehehe
sarap naman ng tokneneng..subukan ko nga ikumbinasyon sa kape 🙂
heheh
ok yan basta, hinay-hinay lang heheh
hmm yummy tokneneng
hhhmm..sarap ng iced coffee..ano ba yan.. nagugutom na tuloy ako:)
dati dragon ball naman ang hindi ko pinalampas.. pero di ako nag-cut ng klase, di lang ako nag review for periodical exam..heheh
oo masarap talaga ang iced coffee kahit yung ganyan. dati yan talaga ang nilaklak ko sa school mas ina-acidic kasi ako sa iced tea. saka okay yan, kapag trip mong magkape pero mainit. heheh
mabuhay