May (Sakit) Pa

Isa sa gawain ko kapag naka-day off ay ang mag-alaga ng mga pamangkin. Hindi naman religiously basta pag nautusan, napansin kong kailangan na kailangan talaga at nararamdaman ko na gusto kong makipag-bonding sa kanila.

RELO-relohan
RELO-relohan

Ang ginawa ko ay pinasok ko sila sa kuwarto at doon kami naglaro. Ang una ay kunwari ay nag-little Ms. Philippines kami. May talent portion (na puro kanta) at question and answer.

Kinanta nung niece no. 1 ko (na kaka-three pa lang) ay alien song (ewan hindi ko maintindihan eh), yung niece no. 2 (five years old) ay twinkle-twinkle little star at yung niece no. 3 ko naman ay abcdelmnop (alphabet yan kaso patalon-talon siya).

So sunod ay ang question and answer naman…

Hoshi: sinong kamukha mo?

niece 1: hmmm wowowee

Hoshi: ano? Sino ulit?

niece 1: si mommeee

Hoshi: ah si mommy mo?!

niece 1: shi daddeee

Hoshi: bakit walang tenga si Barney?

niece 2: kasi wala e… hmmm kasi pag ngumanga siya sumasabay na sa pagsasalita yung pagkinig niya.

Hoshi: sino ang tinaguriang people’s champ

Niece 3: hmmm

Niece 2: ( sumabat) Pacquaio, Manny

Hoshi: ibang tanong na lang sinong best friend  ni Dora?

Niece 3: si boo…

Niece 2: si Boots

Hoshi: (eh napika ako) who is the current president of the Philippines?

Niece 2: ( hinihintay kong sumabat) hmmmm

Niece 3: Cory Aquino

Hoshi: (tumalbog)

OA1PXX01Gusto-gustong nila yung laro na ganun kaso nauubusan na ako ng tanong saka para hindi naman kawawa si niece no.1 ay nagdrama-dramahan kami. Kunwari ako ang pasyente sila ay mga doctor.  Si niece 2 ang pinaka -head doctor, si niece 3 ang kanyang asst. or nurse at yung si niece 1. wala pag trip niya lang manggamot. Nilagyan nila ako kunwari ng dextrose, ni-check ang aking BP at hinihilot ( hmmm sarap). Panay sabi ko… “magaling na ba ako?”

Tas panay kunwari ang pag-aaral nila sa akin at paglalagay ng gamot. Aba’t maya-maya sabi ni niece 2 “sige pagalingin na natin siya, humingi na tayo ng tulong kay Santino” ( bidang karakter sa May Bukas Pa ng channel 2)

Silang tatlo lumuhod at pinadikit ang mga kamay at dinasalan ako.

Niece 1-3: Bro sana po pagalingin mo na siya. Amen!

(Aray ko! hahahaa. natawa ako)

niece 2: tita, higa ka pa hindi ka pa magaling, mamaya pa eepekto yung gamot namin.

Hoshi: ah ganun ba?!

Advertisements

32 thoughts on “May (Sakit) Pa

  1. ang cute naman ng giawa nyo pamangkin

    at lolo na ba ko? kasi kung pamangkin kita, tapos may pamangkin kapa…..

    hahaha natuwa ako sa q & a ortions

    ang tatalino ng mga chikiting mo ah!!

    4 thumbs up para sa inyo

    1. ay sinabi mo pa Mars/Kulot! btw, welcome dito sa hoshilandia

      at minsan di mo pa maawat ang mga yan. basta hangga’t maaari ayoko silang ipinapanood ng mga telenovelas hapon man o gabi. kung wala rin lang naman sila mapapala roon na maganda, wag na lang. isa sa pinaka-hate ko at isinasara ko ang tv pag nakita kong pinapanood nila ay yung BRatz. heheh
      ang aarte na, lalaki pa ng labi. tienes

  2. ayos..natawa ako sa q&a taz natats ako sa pag pray nila kay BRO. alam ko kc ung palabas na un..cute…hehehe…sna pag lake ng mga pamangkin kong makukulet ganyan din katatalinaw..hehe…have a nice day..

    1. have a nice day din precious and thank you sa muling pagbisita.

      isa yan sa palabas na hinahayaan namin silang makapanood. para lang naman yan live action na cedie at princess sarah e. hehehe

      ay tingin ko magiging ganyan din ang mga pamangkin mo. iba na mga bata ngayon parang kahit mukhang ordinary eh extraordinary ang ipinapakita

  3. They are just so endearing in that way! ;p

    Minsan naman magugulat at matatawa ka na lang sa mga pinaggagawa nila.

    Ganyan din ang pamangkin ko na lagi kong binibida kay Ate Jevz. Grabe sa kakulitan pero pag wala naman sa bahay hinahanap-hanap namin. hehe

  4. isa, dalawa
    sasayaw, kakanta
    ang ngingiti,
    walang panti!

    waaaaa, si Tita Hoshi, ‘alang __________!

    (bah, di ko akalain na mahilig ka pala sa tatoo!)

      1. pag nag-aalaga ako ng mga pamangkin ko (noon), pinapaiyak ko.

        pag ikaw ang inalagaan ko, lilipstickan kita ng uling ng palayok…

        🙂

      2. ah ayoko naman ng pinapaiyak, gusto ko lang ay tinatakot at pinapahabol. hehehe

        naku di na kailangan ng lipstick sa akin, kahit ano pa yan hindi ako tatalaban. wahahaha

  5. wow ang sweet naman.. buti natatagalan mo mga pamangkin mo..dats lab..heheh

    nag-iisip tuloy ako ngayon kung bakit wala ngang tenga si barney? ahahah

    1. once in a blue moon lang yun. hehehe

      napaisip ba kita? tinatanong ko sila ng mga ganyan para hindi sila masyado maniwala saka para mag-isip talaga sila.

      may isa pa nga akong tanong e. si patrick (ng spongebob) ba ay apo ni Majinbu (ng Dragon Ball Z)? hehehe

      welcome sa Hoshilandia!

      1. hahah.. kakatapos ko lang mag comment sa recent post mo, about din sa dragon ball ang sagot ko..hahah

        yaan mo re-research ko yan:p

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s