May iba’t ibang musika depende sa trip ng bawat tao – may metal, ballad, pop, jazz, standard etc. at asahan na may susulpot pang bagong uri nito. ako nga ‘di ko alam dati na may bossa at standard pa pala. Basta ang alam ko, ayoko nakakarinig ng masyadong mabagal/malungkot o maingay na song kasi nalulungkot at naiingayan din ako.
Kadalasan ay nahahati sa lima hanggang pitong kategorya ang aking playlists gaya ng OPM, Oldies, Danceable song, English songs (usually love songs), loud or rock, foreign songs (as in Spanish, French, Taiwanese, Japanese and Korean) at inspirational songs (including Christian songs). Minsan may hinihiwalay ako na puro mga instrumental. Pampakalma lang like yung kina Bach, Beethoven, Maxim and theme songs ng Harry Potter, Twilight Zone and of course yung sa Winter Sonata.
Subalit ang gusto kong ibahagi ngayon ay ang mga awitin na nakapagbibigay sa akin ng inspirasyon. Yung tipong pakikinggan ko kapag nalulungkot ako, pinanghihinaan ng loob, at kung gusto kong mangarap o magtagumpay. In no particular order, ito na ang mga songs na part ng aking playlist na either pinamamagatan kong “mind & “soul or “winspirazion.”
Ito ang kanta para sa mga nanliliit sa sarili at gustong patunayan ang kanyang kakayahan sa mundo na kung saan ang akala niya’y mahirap pasukin o baguhin.
- Beautiful by Christina Aguilera
Well hindi naman ito para lang sa napapangitan sa karakas niya kundi para sa mga taong napi-pressure sa dinidikta ng ibang tao sa kanya. Maniwala ka lang na may abilidad, talento at sarili kang ganda na hindi pwedeng balewalain. Gusto ko rin yung kanta ni Christina na “Fighter”, “Turn to you” and “Voice Within.”
Ito ang kanta na dahilan bat ako napasulat ng ganitong entry. Gusto ko sana ilagay sa panel kaso di ko magawa. Di daw kaya ng wordpress ang music code na may java sabi ng aking blog mentor.
Anyway, ang kantang ito ay pwede sa mga kabataan at kahit theme song dun sa “Ako Mismo “at “Ako ang Simula.” Pakinggan na lang bat k nasabi.
- A New Day Has Come and That’s the way it is By Celine Dion – ang maganda sa mga kantang ito ay ipinapadama ng mga ito na kailangan ng pagtanggap ng realiad at saka mo sabayan ang pag-inog nito. darating din ang pagkakataon mo para makabuwelo.
Well astig lang ni Celine nakatungtong talaga sa alapaap ha!
Honestly hindi ko pa napapanood ang Polar Express pero nagustuhan ko ang kantang ito. parang imbes na pagbigyan mo na pasukin ng negtibong elemento ang iyong isipan bat hindi mo muna i-enjoy ang life at hayaan ang sarili mo na mangarap.
Pwede siya para sa magsing-irog pero maaari ringi-interpret na ang need natin ay SIYA. Kailagan natin siya gaya ng water, hangin o ano pa man.
- When You Believe by Whitney Houston and Mariah Carey
Hindi ko pa rin napapanood yung animated film kung saan theme song ito. pero every time na napapakinggan ito parang nadidiligan ang aking faith na kaya ko maniwala sa imposible o himala.
Okay na rin yung mga kanta ni Mariah like yung “They Can’t Take That Away from Me” at “Through The Rain.”
Alam nyo kung ‘di pa naging winning piece ito ni Mau Marcelo (Philippine Idol ng TV5) baka di ko na-discover kung gaano kaganda ang kantang ito. hmmm… tingin ko ay para ito sa mga babaeng nawalan ng identity dahil sa sobrang pagmamahal at gustong hanapin ang kanilang sarili. Ngayon kung gusto niyo banayad lang pero sing mensahe rin doon na kayo kay Karen Carpenter. Pakinggan ninyo ang “Love Me For What I Am.”
- Journey by Angela Zhang
Kung napanood mo na ang Taiwanese series na “at the Dolphin Bay” malamang ay aware ka sa kantang ito. Noong una akala ko para lang siya sa paglalakbay mo para sa iyong pangarap pero na-realize ko na about siya sa pagbabalik loob sa Dios. By the way ni-revive ito ni Aiza Seguerra sa kanyang international album. maganda rin naman.
Gustong –gusto ko makagawa ng pictorial or music video about dito. Kasi naniniwala ako na anuman ang ating relihiyon at sino man ang ating pinaniniwalaan, kailangan natin ng gabay para hindi tayo maligaw ng landas. Mahirap mamumuhay sa dilim ‘di ba?!
- I see You Lord by Aiza Seguerra
Naku talagang di nawawala at madalas nangunguna ito sa aking playlist (well bukod kapag in-alphabetical). Sobrang namo-move ang kantang ito na maghinay-hinay at damhin ang lahat ng pagpapalang natatanggap ko. Na ang presensya Niya ay nasa paligid din natin.
Marami pa siempreng laman yung playlist kong ito gaya yung kina Regine V., Don Moen, Gary Valenciano, namayapang Michael Jackson, Tina Arena at iba pang local artists natin gaya nina Gary Granada (Kahit Konti at Balon), Butch Charvet (“Bilangin ang Bituin,” “Awit Para Kay Kleyr,” “Lumilipas kumukupas,” “Aasa pa rin,” “Nasaan Kaya Ako,” Hukom,” at “Tupang Ligaw.”)
Wahhh ito ang ilang kanta ni Butch… I’m glad meron na sa Youtube.
original version:
wow naman nagawa mo yun…ang daming nalysis ng mga kanta…ako peborit ko ngayon NOTE TO GOD BY CHARICE
salamat po kuya blu. hmmm naipon ko rin lang yang mga yan through the years. naalala ko pa nga kanina na yung kauna-unahang kanta pala na nasaulo ko ay yung kanta ni butch charvet. as grade 2 kaya kong kantahin siya ng buo. hehehe
mabuhay! sige di ko pa napapakinggan masyado yang kanta na yan ni charice.
by the way, ano ang reaction mo sa sinabi ni fredie aguilar kina charice at arnel pineda?
waaah! naunahan mo ako ah.
hakhak!
gagawa kasi ako ng entry about top 50 favorite songs ko. eh andoon sa list ko ang journey ni angela zhang. ganda eh!
anyway, salamat sa post na ito. nagkakalkal kasi ako ng mga kanta para ilagay sa top 50 ko. di pa kasi kumpleto eh! hahaha!
apir!
papakinggan ko pa ah! hakhak!
isama mo pa over the rainbow ni angela zhang. hakhak! di naman niya ako fan ano…
wow nakakatuwa naman at may pareho tayong favorite song.. oo nga na-amaze talaga ako sa kanya nung kinanta niya yan. sige papakinggan ko pa yung sinabi. at siempre aabangan ko yang top 50 songs na gusto mo.
mabuhay!
fave ko rin niyang I need you… nice post my dear! ang gaganda ng songs… nidownload ko wahehehe 😉
salamat at nagustuhan mo yung mga songs. makakatulong ang pagsa-saoundtrip para sa mga isipang nangangarap at pusong nasasaktan o nagmamahal. wahehehe
mabuhay!
AKO trip ko
mga kanta ng
carpenters
bread
beatles
mga favorite kasi ng mommy at daddy ko!
heheheh
yung beautiful ni christina aguillera naiiyak naman ko dun dahil sa video
masyadong nakaka awa
naiiyak ka ba sa video, paano pa kaya kung mismo yung music video nun? hehehe. medyo pinili ko na nga medyo alive kasi talagang pag unang dinig mo parang malungkot yung song. ganun din kasi yung unang pakiramdam ko nung unang napakinggan ko ito.
ako rin medyo naimplwensyahan din ng mga kapatid at nanay ko. pero mas nasasakyan ko yung mga old local songs natin… like yung kina Basil Valdes, TVJ, APO, Rey Valera, Freddie Aguilar, Sharon Cuneta, Regine Velasquez etc etc. sa old oo maka-Carpenter din ako. hehehe.
apir tsyo dyan pamangkin!!!!!!!!!
yes tito jason Apir tayo sumakit ang tuhod mo, sumakit ang bewang mo… hamster-hamster! hehehe
joke-joke! awwwwwwww
nainjure daw si celine dion ah
kanina lang
nasugat daw ang dibdib
sa ng doctor, iwasan nya na raw yumuko
joke joke joke
hahahah! oo naku malamang eh matinding injury yun kasi kung bumayo pa ng dibdib yan pag biritan na e. ganun-ganun na lang.
naalala ko tuloy yung joke dati sa DWKC ( iFm na ata ngayon) nung time pa ng titanic. diba every gap at sa “My Heart Will Go on” may ipapasok na dialogues from the movie… tas bigla ba namang bumanat yung DJ
Rose: jack comeback !
Jack: kumapit ka sa baba ni Celine di ka malulunod.
aray ko!!!
may libro sila dati eh
may kopya pa ata kami
iyung parang compilation ng jokes nila
aba biruin mo nga naman, ano! pero okay naman yung mga joke-joke minsan ng mga DJ. pampawala ng umay sa traffic. wag lang gaano sa umaga.
kaso ang namamayapag na ata ngayon ay love radio at energy. taob na nga yung campus radio ( baranggay LS na ngayon) at wRR.
hehehe.. ako nanghihinayang sa pagkawala ng 89DMZ.
Ginanahan kang mag-upload ng music videos ah. Siyempre, talagang nasa pinakauna ang Breakaway at Beautiful. Bukod sa pinapakinggan mo na, choice piece mo pa sa videoke sessions. hahahaha
naman… dapat ibinibirit ang mga makapabagbag damdaming kanta pag nag-e-emo … yun ay therapy no! hehehe
sayang nga wala pa akong nakikitaan ng may Breakaway e.
walang janet?
=(
iyak nako!
hehehe. wala naman ata siyang kanta na nakaka-ispire masyado e. ang forte ni Janet ay pang love and sayaw. buhehehe
sige raft3r iyak ka na lang… tas kanta ka ng “that’s the way it is.” hehehe
wow sipag mo naman gumawa ng mga yan hahaha…
well mahilig din ako sa music 🙂
salamat sa pag share mo 😉
gusto ko yun thats the way it is ni celine 🙂
naisip ko lang din yan cute. out of nowhere. para naman may mapagpipilian ang iba na kanta pag gusto nila ng mga songs na makapagbibigay sa kanila ng passion and inspiration.
thanks at nagustuhan mo, mabuhay!