dance flicks

Mahilig ako sa sale at mahilig ako manood ng movie, pero parang malayo sa loob ko ang bumili ng mga DVD o VCD kahit sale pa sila. Katwiran ko, sa malaot madali ay pagsasawaan ko rin naman. At ano ang susunod ha, matatambak lang at pagpagpagan ko ng alikabok?!

Subalit, ewan ko ba naman kung bat madali akong napapayag ng aking dalawang ka-chikahan na pumunta ng isang store kung saan ang bubungad sa iyo ay ang napakahabang hilera ng mga sale na DVD at VCDs na as low as P75. eh biglang nagkaroon stars ang aking mga bilugang mata at kumutitap ng bongga.

Dun na may bumulong sa akin… si safeguard ata, ipinaalala na may mga kakilala ako na nagko-collect ng original DVDs and VCDs.  Then bigla umilaw yung fluorescent (akala nyo bulb no) sa utak ko. Hmmm… mahilig nga pala ako sa mga dance movies na minsan ay gusto kong panoorin muli.  So pumili ako.Hep-hep teka, alin nga ba kukunin ko, yung classic favorites ko o yung gustong-gusto kong panoorin na di ko pa nakikita.

Mi Bluito y peliculas de la danza
Mi Bluito y peliculas de la danza

In the end dahil sa kakatipid at pagiging pihikan, lima ang nabili ko. yung apat nakuha sa buy one take one. Yung kaisa-isa na mahal na sa P150 sa lahat ng nakuha ko ay hindi ko na talaga pinakawalan.  Bakit-bakit? Eh si Michael Jackson kaya yun, tas makukuha mo yun ng original na ganun ang price. tas may part sa puso mo nagdadalamhati ka pa. Di mo pa ba kukunin yon? Nasaan naman ang emosyon mo naman nun? Este ako pala.

Nga pala, nakikisampatya at nakikiramay ako sa lahat nagdadalamhati sa pagkamatay ni Michael Jackson (MJ). Siya lang naman ang isa sa masasabi kong magaling na performer na napanood ko at marahil ang pinakaunang dance guru ko. Yeah I like Billie Jean, Beat It, Thriller, Black & White, Smooth Criminal, moonwalk, anti-gravity lean, high kicks, stumping, and grabbing… (uhmm) with matching- electric fan- effect.

Kaya yun, baka magtuloy-tuloy na ako sa pagko-collect ng mga ganyang panoorin. Papagawa na lang ako ng film library na de-aircon, may  mga frame ng pictures ng mga stars and with signature ito…  then may viewing room pa na dapat 50” Plasma HDTV (may surplus ba nun galing Japan)…

okay Wency, pasok!

Wency: Hayaan mong lumipad ang isip sa lawak ng langit
Bitui’y umaawit at ito’y nagsasabing

Mangarap ka, mangarap ka!

Advertisements

30 thoughts on “dance flicks

  1. naks. saludo na naman sayo si tito jason mo
    dahil sa pagbabasura sa pirated and fakes!!!

    heheheeh

    pakitaan mo nga kami ng sayaw mo minsan
    pamangkin.

    just beat it!

    1. naman tito jason… ang tienes-tienesko naman kung ang iko-collect ko at ipagpapagawa ng film library ay mga pirated lang.. hehehe

      sige ito tito oh…. ( dance-dance with moonwalk and high kicks)

      hehehehe

  2. Napaka-BI naman niyang dalawa mong ka-chikahan. Sino ba iyong mga iyon, kilala ba namin ni Liz? nyahahaha

    Nakakawala naman ng stress ang maghanap ng original DVD copies tapos mura pa. Iyong mga binibili ko e iyong mga favorites ko talaga kasi may habit ako na ulit-ulitin iyong mga iyon.

    At tingnan mo naman nakasakto ka pa sa murang MJ memorabilia. :p

    1. ay oo sinabi mo pa leng-leng! alam mo ba yung P500 ko na yun may pinaglalanan na sana. at dahil sa like na like ko yung mga binili, especially yung kay MJ e. ayoko pa buksan. gusto ko pag kailangan ko ng power saka ko lang papanoorin. para Power Up talaga! HEHEHE

    1. hahahaha… sige isipin mo na lang ako si JLo sa shall we dance, si julia stiles sa save the last dance, jena dewan ng step up (1), at aira ng sex bomb .. hehehe

      sila na lang magre-represent sa akin basta ako manonood na lang. hehehe

  3. cge ka pagnahuli ka ni Edu lagot kang bata ka. sabagay may collection ka na collection ka pa sa kulungan hahahahahahah. mismo ate ang sarap ng feeling pag may mga collection kang lalo na’t kasabay mo sa iyong paglaki ang mga alaala ginugunita mo. ako rin gusto ko rimg magkulek un nga lang eroplano ung tunay ang problema saan ko kaya ilalagay yun ang pinag iisipan ko baka matulungan mo ako hahahahahahahaha ADIK?

    1. oi kuya kahit magharap kami ni edu… baka matuwa pa siya sa akin dahil all original ang kino-collect ko no. hmmp

      eroplano ang gusto mong i-collect? hehehhe ang tanong muna ay una …meron ka ba kahit man lang mag-bike? hahaha
      taas ng pangarap to the highest level. sige ask ka na lang kay ate jevs … kung matutulungan ka niya.

  4. Masayang manood ng mga dance movies (idagdag mo na rin ang musicals kasi may sayawan din, hehehehe)tapos sabayan mo pa habang pinapanood. Bongga yun!
    Suportahan kita sa pangongolekta mo na yan (basta hindi financial, moral lang).

    Si hitokirihoshi ay isang dance diva, pramis.

    1. well pwede ka na rin dun Raft3r dun sa mga kilala kong mahilig sa orig at nagko-collect. dahil sa inyo, hindi ako pinaghihinayangan na mag-collect rin daba!

      ah pagdating sa bagay na yun dun na ako sa magaling. aanhin ko pa ang maganda, eh cute na ako. hahaha jokeness! ok naman si janet pero mas gusto ko pa rin si MJ

  5. nyahahaha! ako rin nagcocollect ng mga vcd. vdc lang ah kasi mahal ang dvd. at ang mga vcd na iyon eh mga movies na tig-100 o yung buy one take one. para naman may orig kami dito sa bahay. pero sa nagyon ang kinocolllect ko eh mga original album ng eheads. 3 na lang makukumpleto ko na! waaaaaaaaah! hahaha! may pupil na rin ako yung wildlife. hahaha!
    adik much!

    ako naman… balak ko ipaayos yung isang kwarto dito sa amin… gagawin kong entertainment room at ilalagay doon lahat ng vcd at dvd ko. dvd ko kasi mga pirated eh. eh eh eh wala naman kasing mabiling original na anime eh. kung meron man ang layo kaya sa japan pa. hahaha!

    awooo! ang dami kong sinabi! amp!

    1. oi salamat sa iyong pagsi-share eloiski. ok lang yan, ang pangarap at pagtupad nito ay talaga namang nakakatuwa. parang pelikula lang at mga kanta. di ba anong “Ligaya sa tanghali at sa umaga?!”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s