friendship

Dear Ate Jevs,

Makailang beses ko na rin tinanong ang aking sarili kung mabuti ba akong kaibigan? Kung tama ba ang sinasamahan kong mga tao o kung ganun lang talaga ang takbo ng sinasabi nilang friendship?

Bakit sa tuwina naiisip ko na kung di ko man magawa ang perperkto o the best para sa mga tinatawag kong kaibigan, ginagawa ko naman ang magagawa ko para sa kanila? Bakit kahit ganun, natatagpuan ko minsan ang aking sarili na nag-iisa at mahirap silang malapitan? Kung di man malayo sila sa distansya, parang ang hirap talaga nilang imbitahan para ako samahan.

Pero mahirap lagi ang malungkot sa mga bagay na hindi mo basta mababago. Isinasantabi ko ang aking mga hinuha dahil alam ko marami pa akong dapat ipagpasalamat kaysa magtampo, na marahil ay baka likha lamang ng mapaglaro kong isipan.

Masaya ako na magkaroon ng kakilala at totoong mga kaibigan sa paglipas ng panahon. Sila ang ekstensyon ng aking pamilya at lalo ng aking sarili. Pero sinisikap ko ring maging ako at makayanang tumayo na mag-isa sa ilang pagkakataon dahil kailangan.

Subalit may limitasyon nga ang lahat, may mga taong humahamon talaga sa iyong pang-unawa at katatagan. Kung hindi sila malapit sa iyo, baka balewalain mo pero dahil itinuring mo silang barkada parang ang kirot nun ay tagos sa puso. Ano nga ba ang sangkap sa pagkakaibigan? Bonding time, word of honor, trust, loyalty or pagbibigay ng importansya?

May mga pagkakataon na napagtatanto ko na kung sino pa ang ‘di malapit sa iyo o iyong mga ‘di mo inaasahan ang siyang tutulong sa iyo sa kagipitan. Alam mong ang simple-simple pero ibang tao pa ang nakagawa sa iyo. Tingnan mo nga naman, ang kabutihan o pagiging totoong tao ay di lang nakasentro sa pagkakaibigan, pamilya, relihiyon kundi sa indibidwalidad.

Sumasainyo,

Lindsay Gohan

———————————————-

Dear Ms. Gohan,

Lalim naman pero may saltik sa kaibuturan ng banga. Sa sobrang lalim hindi ko na alam kung paano ko hahalukayin ang aking tugon. Jokeness!

Enwei, totoo na sa friendship ay hindi lamang yung puro the best ang nangyayari. At dahil hindi mga bagay ang mga kaibigan, mayroon silang emosyon at pag-iisip na maaaring hindi natin masakyan eventually. Maaaring masaktan ka at datnan (hindi ng period) ka ng kawalan ng tiwala sa friendship pero wag mong hayaan.

Malaki ang populasyon ng Pilipinas o maging ng buong Asia. Marami ka pang makikilalang tao na posibileng magiging matalik mong kaibigan. May positive attitude ka kaya pag-ibayuhin mo ‘yan. Anyway, mabuti o masamang kaibigan, ingredients pa rin sila para sa makabuluhan at colorful experiences sa life na ito. Mahirap naman talaga ang makahanap ng totong kaibigan pero kapag nakita mo sila maswerte ka talaga.

Smashingly cute,

Ate Jevs

Advertisements

16 thoughts on “friendship

  1. Nako ako ayoko na mag expect sa mga kaibigan,
    marami na kasi ang nang iwan saking mga kaibigan..

    ni halos wala ng natira sa mga kaibigan ko nung schooldays,

    kaya nangangalap ako ng kaibigan d2
    sa blogworld.

    ang lungkot naman ni hamster ngayon.
    hehehehe

  2. dear ate jevs….salamat sa payong …este payo….at talaga namang hinalukay mo pa sa kalaliman ng banga..uu nga ang lawak kaya ng world para di makatagpo ng mga kaibigan…
    ang tunay…as in authentic friendship…yung bang …kayang kang tanggapin kahit sino ka man…till death do us part…oppsss teka pangkasal pa ito..hahahahha..
    ay eto pa,,,yung bang friend who …. will stick with you through good and bad times….yung hndi nambibitin sa ere….

    1. ay pasok sa banga ang sentiment mo kuya blue. ang mga friends talaga susuportahan ka kung tama ka at bibigyan ka ng payo pag nangangaliwa este pag naliligaw na ang iyong direksyon.

      mabuhay sa mga friends ko dito sa hoshilandia at wordpress!

  3. Mukhang alam ko ang pinag-ugatan ng istorya ni Lindsay. hehehe

    I’d prefer to have few friends and know that they are real than to have a lot but you don’t know who to cling to when the going gets tough.

    Isang test of friendship ito para kay Lindsay at sana’y malampasan niya. :p

    1. hmmm leng-leng that’s one good point. but i think ang problema rin ni lindsay gohan ay yung mismong tinuring niyang friends for years ay yun pa ang mga nagloka-lokahan. hehehe

      well that’s life!

  4. sa panahon ngaun mabibilang mo na lang sa daliri mo ang masasabi mong tunay na kaibigan… yung kaibigang nanjan sa hirap at ginhawa, maganda ka man o panget, sikat ka man o hindi, may scandal ka man o wala… maswerte ka kapag nakapagsabi ka ng higit sa lima.

  5. Pag susungkitin ang mga bituin para sa ‘yo, masarap na kaibigan yun!

    May kuwento ako tungkol sa magkaibigan:

    Dalawang klase ang kuto.(head lice). Kuto sa itaas, koto sa ibaba at magkaibigan silang matalik. Minsan, nagkatagpo sa pusod.

    “Kumusta na?” tanong ng Kutongbaba….

    “Eto, mainit pa rin sa itaas. Ikaw?” sagot ni Kutong-itaas.

    “Same story, laging basa. Kung gusto mo palit muna tayo ng bahay,” mungkahi ni Kutong-ibaba.

    Nagpalit nga ng tirahan ang dalawang magkaibigan. Masaya si Kutong-itaas sa pamamasyal sa bago niyang tirahan.

    “Aba, basa nga lagi dito,” aniya at nagpatuloy sa paglakad Maya-maya, may narinig na ingay. “plok”, nanggaling sa may batis.

    “Aba, at may palaka pa!” tuwa niya at naupo para pagmasdan ang pagsisid ng palaka.

    – – – – –

    musta na ‘kaibigan?’

    🙂

    1. hehehe di ko nakuha kuya VF ang joke mo.

      pero teka di ba yung manunungkit ng bituin di ba pang more than friends yun?

      kasi ako never akong manunungkit ng bituin para sa kaibigan. dahil pag nangako ako nun, parang sinabi ko na plastic ako at liar. hehehe

  6. Iba-iba talaga ang mga friends.Sabi ko nga, minsan kahit parang wala namang anything in common sa inyo ng friend mo, friends pa rin kayo.Kahit nga matagal na di kayo nagkita,pag nagkita kayo friends pa rin kayo.Basta, you remain true to them, malamang ganun din sila sayo.

    —-
    VF, istorbo naman yang palakang yan sa pamamasyal ni kutong-itaas. I’m sure, pag-alis ni palaka, sasama si kutong-itaas dun para makipag-bonding. Para friends na rin sila. hehehe

    1. ah eh kailan mo ba sinabi yun salve? hehehe

      pero tama ka, ang totoong kaibigan kahit gaaano katagal ng di nagkikita, kalayo sa isa’t isa at magkaiba ng personalidad … pag nag-jige kayo yun na yun. totong-totoo walang halong preservatives.


      oi VF kayo nagkakaintidihan ni salve sagutin mo ang tienes niya. hehehe

  7. ang masasabi ko lang, parang si Lindsay Gohan at ako ay iisa. hehehe

    Isa ito sa mga pinagdaraanan ko ngayon. Hindi ko na iniisip dahil nakaka-depressed lang.

    Lay-low muna ako sa kanila. Mahirap pa nun, ilang taon ko na silang kasama pero tila hanggang nagyon ay walang sawa pa rin sa away-bating sitwasyon.

    Para sa akin ang mahalaga sa friendship ay iyong nage-enjoy at kumportable kayo sa company ng isa’t isa umulan man o umaraw.

    Sa kaso ko, ewan ko, nakakabinbin pa sa mataas na sala ni Hukom Bitay.

    ‘Wag kang malulungkot Lindsay, maraming nagmamahal sa iyo.

    Sabi nga sa kanta ni Sarah Gee, lumingon ka lang, nandito ako lagi sa tabi mo, Iutot mo lang, andito ako sige aamuyin ko..

    1. yes tama rin yang desisyon mo na lay low muna para makapagmuni-muni. huwag ipilit kung di pa kaya at gwin kung ano ang sa tingin mo ay nararapat.
      darating ang punto na magliliwanag din ang lahat ng bagay… depende sa sitwasyon o kumporme sa inyo.

      tingin ko naman kay lindsay gohan e.. alam niya na marami ang nagmamahal sa kanya. kahit minsan parang maypagka aning-aning. hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s