Hoshi in Dreamland

Synopsis:

Kagagaling ko lang sa pagsisiesta and once again ginamitan na naman ako ng psychology sa dreamland. Nakaka-strike two na nga ako in one week. I have my own interpretation pero baka meron din kayo sa 2 dreams ko na I think ay may common denominator.

Episode 1: Beaded Necklace

Nasa mall si Hoshi with her family. Matapos niyang matawag ang pasaway niyang pamangkin, nakita niya si Pao at nakita rin siya nito. Hindi niya alam kung bakit ang unang pumasok sa utak niya ay takbuhan ito. She ran as fast as she could, lumipad ng mataas at maging invisible. But this time, magaling ang lalakeng humahabol sa kanya parang hindi n’ya matakasan.

When finally naisip niyang tapusin na ang marathon game na iyon, hinaharap niya si Pao na naging si Eli. At binibigyan siya nito ng beaded necklace.

Episode 2: YM

Sa isang common place kung san madalas namamalagi si Hoshi, napansin niyang may isang pinagkaiba rito. May isang ekstrang upuan dun na napag-alaman niyang pwesto pala ni Mike.

Naisip niyang for years wala siyang kontak dito and now, pwede na silang mag-chat araw-araw through YM. She was about to ask someone para tawagin si Mike at hingin dito ang ym nito. Subalit, hindi niya tinuloy. Ano pumasok sa utak niya? Siguro pride o wala lang…


Short and simple pero meaningful ang mga eksena sa dreamland. Pwede iyong effect lamang pag—iisip, usig ng subconscious mind, at siguro premonition. May naiisip ba kayong intepretatation sa story one and two?

Advertisements

22 comments

  1. pagbabadya ba ito sa parating na pag-ibig? Hmmm.. Ako’y nasasabik na marinig ang totoong kwento kesa panaginip lamang.

    Bakit ka nga ba nagdalawang isip sa pagkuha ng ym ni Mike? ganyan talaga kapag dalagang pilipina gaya ni hoshi, kailangang sinusuyo pa rin at naghihintay sa tamang pagkakataon upang tuluyang mapa-ibig.

    • aray ko, dalagang PIlipina talaga si hoshi? hahaha hindi ako makapaniwala. kamo papasang half-pilipino at half pilipina.

      salamat sa iyong interpretasyon!

  2. Pustahan mo ng hueteng yung dream mo Hoshi!

    You choose, isa lang ha. Kunwari ako si Genie at gagawin kong magkatotoo yung mga panaginip mo:

    1) manalo sa hueteng.
    2) magka-boyfriend.

    🙂

    • naks may hueteng game pa si mang VF.

      hmmm kung hueten ang piliin ko illegal yun.

      kung magka-bf naman kumplikasyon naman yun ( chuz)

      sige gusto ko hueteng lord na BF (charoot!) maibibigay mo ba yun? hahahah

    • oo naman kuya dami mong mae-experience… may action, suspense, drama, horror, comedy, at higit sa lahat fantasy.

      sa dami at pagkakahalo-halo nga e, halos di na kapani-kapaniwala.

      wahehehe

  3. beaded necklace = para pagdugtungin… ewan ko lang kung ano ang idudugtong…

    ym = communication..

    heeheheh… sariling interpretasyon…
    pampagulo lang po… 🙂

    • hi tuutuukii and welcome sa hoshilandia!

      salamat sa iyong interpretasyon! tingin ko naman ay may saltik din ang iyongmga tinuran.

      well dun sa beaded necklace eh mukhang may posibilidad ang hula mo. wait na lang kung tuloy-tuloy na. hehehe

      mabuhay!

  4. episode 1:
    depende yan sa mall sa panaginip mo
    kung isetann yan, kaya ka tumtakbo ay kasi na-snatch-an ka
    kung sa podium naman, sale ang paboritong mong tindahan at nakakaubusan na

    episode 2:
    si mike ay walang iba kundi ang king of pop na si michael jackson
    bili ka daw ng cds nya

    • aba natututo ka na sa pagpapangiti ah. hahaha

      tingin ko ever gotescco yung napuntahan ko e. ano sa palagay mo ang nangyari sa episode one?

      yung episode 2…oo nagkatotoo hula mo nakabili ako ng vcd niya nung wednesday. grab ko na kaagad at baka magkaubusan ng sale. wahhh ewan ko ba at maraming special na Michael ( pati na MIke/Miguel) sa life ko.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s