Sleepless in Shuttle

Stress or may insomnia na si hoshi? Ewan basta lately especially pag may pasok, ang tulog niya ay halos nasa 4 to 5 hours na lang, ‘yon na ‘yong may quality ha.  Dati ‘di niya gaanong iniinda kung medyo kulang siya sa tulog, katwiran niya ay mas gugustuhin na niya ang kulang kaysa sobra-sobra kasi mabigat sa pakiramdam. yun nga lang parang feeling niya ay anemic na siya.

Dati, hindi s’ya makatulog pag di nakahilata sa kama, banig o folding bed.  Pero nung tumuntong na siya ng college, dahil sa puyat  at pagod sa malayo niyang pamantasan ay unti-unti na niyang nakasanayan ang matulog kahit nakaupo sa FX. Nung nagtrabaho naman na siya ay nakakaidlip-idlip na rin siya sa maalinsangan o kung minsan ay mahulamig-mig na simoy ng bus.  Dun na niya binabawi ang kanyang puyat.

Pero aminado naman si Hoshi na hindi lang naman related sa work why siya kulang sa sleep lately.  Palagi na siyang nanood ng movie. Buti na yon kesa naman sa series dava?!

porma ng mga sleepless
porma ng mga sleepless

One secret na kanyang sinabi ay hindi raw siya yong tipong madaling makatulog. Parang it takes 10-15 minutes kahit pa nakahiga na siya and all. Part na ata ng body clock niya ang magmuni-muni bago makapaglakbay sa dreamland.  Well, unless na pagod na pagod siya o antok na antok. Hindi na nga niya matandaan kung kailan yung naging mahaba ang tulog niya na hindi pilit. Basta trip daw niyang matulog at dinadalaw na siya ng antok kaso parang ‘di naman siya makatulog ng maayos.

Another secret niya na-reveal ay nang may makitulog sa kanyang Purple Nassau. What? Si Hoshi nag-i-sleep talk. Buti na lang, hindi siya ‘yong tipong nakakabuo ng sentence. Maximum na ang two words at nagigising na siya. Minsan lang din daw yun, siguro pag sobrang stress na siya. Pero sabi isa rin daw senyales yun ng anxiety.

Tinanong ko siya baka naman over na siya sa pagkakape. Sagot niya kahit nakakadalawang 3 in 1 coffee na siya sa maghapon. Inaantok pa rin siya. Okay fine! Naisip na lang niya ay baka gumugulo na naman ang ayos ng kanyang Purple Nassau at masyado siyang abala sa kanyang ipinopostrong sari-saring biz. Well aja, jia you y mas suerte na lang sa kanya. Nawa’y masolusyunan niya ang kanyang  problema.

Advertisements

17 thoughts on “Sleepless in Shuttle

  1. OI matulog ka na man

    kahit 6 hours lang

    nako naman
    wag ka magpupuyat lagi masama yan

    tsaka magiging panda ka sa eyebags nyan..

    at wag ka matutulog sa sasakyan mananakawan ka ng lahat ng pedeng manakaw sa yo

    ingat palagi pamangkin!!!

    1. wow na-tats naman ako concern mo tito jason. sige po sobrang ginagawan ko na po ng paraan na makakuha ako ng quality sleep. baka busy lang talaga ang utak ko sa mga kabagayan kaya, gana ng gana kahit dapat nap time.

      oo nga nangingitim na ilalim ng mata ko. hehehe. at sobrang yakap ako sa bag ko pag napapa-idlip. thanks po ulit sa advice!

  2. I suggest,

    1. Itigil mo muna ang lahat pagpupuyatan kapag weekend. Make sure to be in bed as early as possible, Nasanay na kase ang katawan mo sa ganyang routine kaya malamang abnormal na sleeping habits na ang napapala mo.

    2. Wag matigas ang ulo, i-set sa isip na kailangan mong matulog ng maaga para makabawi ka ng lakas at maipagpatuloy ang lahat ng naiwang gawain kinabukasan.

    3. Hndi pwedeng hindi mo kaya, be positive! It’s all in your mind na ndi ka makatulog. Ika nga ni BigVer, humiga ka at pumikit lang. And before you knew it, nasa alapaap ka na ng panaginip.

    4. Hindi matatanggal ang stress mo kung di ka matutulog. Kung ayaw mong matulog, go to sleep teh!

    5. Mamili ka, matulog ng maaga o kumain ng maraming gulay?

    Na-try mo na bang uminom ng gatas? O sige veggie juice na lang.

    Zzzzzzzzz…

    1. okay na lahat ng payo mo… pero uminom ng veggie juice ayoko. hehehe. siguro nga lifestyle check na nga ang kailangan ko.

      salamat sa mga payo ate Jube… teka friendship o magkamag-anak ba kayo ni ate Jebs? hehehe

  3. Pahabol na puna:

    Maganda ang shades mo at bagay kay Hoshi, sa tindahan ba ni Aling Charin mo nabili yan?

    SA tindahan ni Aling Charin merong veggie juice, mamili ka na lang ng flavor, bumili ka’t nang makatulog ka na!

  4. Hindi mo ako gayahin, 6 to 7 hours ang tulog ko kapag weekdays. 12 hours naman kapag weekends. hehe

    Sleeping is the best thing and the cheapest luxury.

    Siguro dapat nga na sanayin mo ang katawan mo na kailangang matulog ng ganitong oras. Kapag di ka makatulog sa oras na iyon, mag-rosary ka (Best in rosary ka naman noon, di ba?hehe) o kaya magbilang ka 1 to 100,000. hehe

    1. talagang di ka makapag-move on sa best in rosary ko ha. hehehe

      sige ipagso-solitaire ko na lang ang love life mo.chuck makakatulog ako nun. buhahaha

      masakit sa katawana ng sobra-sobrang tulog. bukod pa sa nakakataba. hehee

    1. korek kuya. minsan muntik-muntikan na ako lumagpas sa dapat kong babaan. makakabawi na rin ako siguro… konting disiplina pa sa sarili.

      salamat sa payo!

    1. mamano na lang ako tito, hiya na ako mag-kiss e. hehehe

      oo naman basta anti-smoking, pro ako diyan.

      nga pala yung cp na pinang-text ko sa iyo. hindi pa rin yun ang cp ko. sana makuha ko na bukas.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s