Ang Pinakapaboritong Nora Aunor Movies

At last may nakita na po akong video rental shop na malapit. At ang isa sa mga unang pelikula na aking hiniram ay ang huling commercial film ng tinaguriang Superstar ng local cinema na si Nora Aunor.

Ang Naglalayag ay pelikula niya kasama sina Yul Servo, Aleck Bovick, Jaclyn Jose, Chanda Romero, Irma Adlawan, at Celia Rodriguez. Hindi ko type ang istorya kasi di ko masakyan pero hindi ko naman sinasabing pangit. Siguro nga ay effective si Nora rito kasi kahit papaano napa-isip talaga ako kung what if ay mangyari rin sa akin na umibig ako sa isang mas bata sa akin, tipong mga dekada.

Mas gusto ko pa rin ang mga luma niyang pelikula na napanood ko – Ang Minsa’y May Isang Gamu-gamo, The Flor Contemplacion at Himala. Interesado naman akong mapanood ang kanyang Ina ka ng anak mo, Bona at Tatlong taong walang Diyos.

Samantala narito naman po ang countdown ng Pinakapaboritong Nora Aunor Movies na itinampok sa Ang Pinaka.

10. Merika (1984 at directed by Gil Portes)

9. Bulaklak sa city jail – (1984 at directed by Mario O’ Hara)

8. Bakit BUghaw ang langit, (1981, dinirek ni Mario ‘O Hara)

7. Atsay (1978, dinirek ni Eddie Garcia)

6. The Flor Contemplacion Story (1995, dinirek ni Joel Lamangan)

5. Ina ka ng anak mo (1979, dinirek ni Lino Brocka)

4. Bona (1980, dinirek ni  Lino Brocka)

3. Minsa’y isang gamu-gamo (1976, dinirek ni Lupita Kashiwahara)  ito ay tungkol sa isang nurse na mangingibang bansa na sana papuntang Amerika. Pero nabaril ang kanyang kapatid ng mga air force na kano.  Dito nagmula ang linyang

“My brother is not a pig, my brother is not a pig. Ang kapatid koy’ tao. Hindi baboy damo.

2. Tatlong taong walang Diyos (1976, sinulat at dinirek ni Mario O’ Hara)

1. Himala, (1982, dinirek ni Ishmael Bernal)–

kwento ito ni Elsa na di umano’y pinapapakitaan ng Mahal na Birhen at nakapanggagamot. Dumating ang puntong nawalan na umano siya ng kapangyarihan at sinisisi siya sa pagkamatay ng kanyang matalik at tagasuportang kaibigan. Anong nangyari? Panoorin ninyo.

Dito nagmula ang linyang “Walang himala, ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat. Tayo ang gumagawa ng mga himala, tayo ang gumagawa ng mga sumpa, ng mga dios.”

At para sa mga hindi pa nakakaalam ang Himala ay kinilala ng CNN APSA Viewers Choice Award bilang Best Asia Pacific Film of all time . Tinalo nito ang Seven samurai ng Japan (2nd place) at   sikat na Crouching Tiger Hidden Dragon ni Taiwanese director Ang Lee at co production ng China, Hong Kong, Taiwan, at United State.

32 thoughts on “Ang Pinakapaboritong Nora Aunor Movies

  1. Wow, back to the classic movies ang drama mo. (kunwari di ko alam) hehe

    Bilang na bilang yata ang movies ni Nora na napanood ko. Iyong Himala, the Flor Contemplacion Story at iyong may linyang my brother is not a pig na nakalimutan ko na ang title ang alam kong napanood ko na.

    Okay iyan, hindi mo man naabutan iyong panahon ni Nora at least may technology para ipakita sa iyo ang mga iyan. Mabuhay ka at tangkilikin ang pelikulang Pilipino. :p

    1. korek… manileng-leng ngayon pa na may access na ako kahit papaano. yung pelikulang hinahanap mo ay minsa’y may isang gamu-gamo at binanggit ko yan sa entry no… hmmp!

      sayang nga, isa pang access dun ay cable. eh wala e, pag may cable naman sa amin… agawan sa TV. eh TV ko, di ko alam kung pwedeng kabitan ng cable. (saka wag na gastos na naman)

      mabuhay! tama panoorin ang pelikulang Pilipino.

  2. noranian ka ba pamangkn??

    ako aaminin ko
    yung flor contemlacion lang napanood ko..

    hehehehe

    ang dami nya pala pelikula.

    yung walang himala alam ko pero di ko pa napaanood.

    “buti nagpost ka ng bago. nawala antok k d2 sa opisina..”

    1. may isa pa akong bagog post Tio jason. hehehe! pwede mo ring basahin.

      hindi po ako noranian at hindi rin vilmanian. pwede pa sharonian dati… mas naka-focus ako sa magandang acting at istorya. eh sa totoo lang mas nahahanap ko yun sa mga lumang pelikula.

      pampawala ba ng antok. hehehe

    1. mula yan sa show na “ang pinaka” sa qtv kuya at ni-research ko na lang sa youtube. nauna ko na kasing nakuha noon yong kay vilma santos.

      ako… yung minsa’y may isang gamu-gamo

  3. ay napanood ko ang himala, minsan may isang gamu-gamo, Flor contemplacion,
    bona, bulaklak, atsay, bakit bughaw, babae, halos lahat pala pero hindi ako noranian ah. hehehe mahilig lang talaga ako sa local movies. 😉

    1. pareho tayo kuya bernard.. hindi rin naman ako noranian… basta alam kong maganda at magugustuhan ko. panonoorin ko. siempre malapit na sa akin ang mga local films natin. patronize ur own product di ba! ako naghahanap pa ng bona at iba pang lumang film. naaaliw ako.

      panoorin mo rin yung sister stella l. maganda siya . napanood ko lang kagabi.

      1. ay yun ba yung kumanta habang nanood yung mga welgista? maganda nga yun.

        pero ang gustong-gusto ko ay yung mha dialogue. lalo na yung usapan nina jay ilagan at laurice guillen. pati na yung kina jat at vilma. yung about sa

        Jay: mahirap yung madaming sinasabi na kakornihan nung bata ka pa, pagtanda mo isusumbat sa iyo

        hahahaha

  4. napanoond ko yun nurse movie nya at himala sa cable
    may itsura pala sya (medyo lang, ha) noong kabataan nya
    pero marian rivera pa din ako
    nyahaha
    maisingit lang
    pero medyo type ko na din si rosalinda, eh
    i’m torn
    =(

    1. hmmm hindi kagandahan si nora pero noong kabataan niya may something daw sa kanya na di ma-explain na appeal. yun din ang dahilan bat nagustuhan siya ni Christopher de Leon.

      naks! naguguluhan si raft3r kung kanino kina marian at carla abellana. ayaw ka ba nilang patahimikin? sige, magdusa ka!

      hehehe more power!

    1. paraluman? hahaha, tanong lang ay may mahahanap pa ba ako non tito? hehehe

      sige, pag nakahanap ka ng pelikula ni rogelio dela rosa. magre-research talaga ako ng movie nya. hehehe. mabuhay!

  5. wala pa ring kaparis ang mga pelikula ni Nora Aunor.. No. 1 ang Himala. Bona, Minsa’y isang gamu-gamo, T-bird at ako, Atsay, Bilangin ang mga bituin sa langit, Naglalayag, Sidhi,at marami pang iba napanood ko yan. At sana sa mga vcd store magkaroon ng copies for sale para sa mga collectors.

    1. ay tumpak ka dyan me-ann. dapat may store din na magbebenta ng original copies ng mga classic films natin.

      Iyan para sa mga collectors na gaya mo at para sa pag-aaral ng mga kabataan sa ating film industry. mabuhay!

  6. Pakidagdag sa “Must-See”
    or better yet “Must-Find First”
    (nawala na yata lahat ng kopya nito)

    1. “Bakekang” (Ugly Ate Guy gets impregnated by an American and later gives birth to a gorgeous white child)
    2. “Annie Batungbakal” (’70s musical featuring the classic OPM songs of the pop rock group Hotdog)
    3. “Super G” (Ate Guy becomes a caped-motorbike-riding superhero)
    4. “Banaue” (topless Nora gives a Best Actress-worthy performance opposite a butt-exposed Christopher de Leon)
    5. “Lollipops and Roces (At Burong Talangka)”– Classic Nora Aunor movie shot in L.A opposite “Miami Vice” actor Don Johnson.

    Man, I’m too old.

    1. its okay scanned thoughts, growing old with lots of good entertainment is far better than a young one who doesn’t know how to enjoy life.

      i am familiar with bakekang, super G, siguro sa annie batungbakal na rin.

      alam mo lately, na-discover ko na may mga ibinebenta na original VCD / DVD na mga Filipino films? heheh one time gusto ko ng bilhin yung Zuma at Ina ka ng Anak mo. kung bakt wala naman akong dalang pera.

      1. @hitokirihoshi:
        “Zuma”? Starring Max Laurel and Snooky Serna? Sayang lang ang pera mo. Hahaha!

        Okey pa ‘yung “Ina…” labanan ng acting power between an ageing Lolita Rodriguez at kasikatan ni Ate Guy.

        Shet. Lumabas na tuloy ‘yung pagka-Noranian ko.

  7. ay hindi yan ang trip ko yung isa na ang asawa pa ata ay si rey pj abellana.

    hahaha… well hindi kita masisi kung bakit ka noranian.
    btw, balita ko may mga blogger na ini-invite [ara makita at ma-interview si nora pagdating niya. alam mo yun?

  8. hello, hoshi…

    may ganito ka palang post. salamat, very informative… 🙂

    mayroon akong napanood na nora movie more than a decade ago pa – pacita m. ang title. starring nora and lotlot ito. si pacita macaspac ay isang nanay na nag-aalaga ng anak nya (lotlot) who was dying (di ko na maalaala kung bakit). walang gaanong dialogues ang movie (mahilig ako sa ganoon) at ang husay ng acting ni nora, pangako. parang hindi sya umaarte at all. halos lumaglag ang panga ko sa paghanga, as in…

    buhat noon, naunawaan ko na bakit may mga die-hard noranians… btw, may ilan rin akong napanood na nora movies such as tatlong taong walang diyos, atsay, himala and MIGG. ah, pati pala ‘yong movie nila ni ate vi where sila ang magka-lab team, as in. nalimutan ko na ang title, hehe…

    isa pala ang tatlong taong walang diyos sa pinakamagandang tagalog films na napanood ko. it’s about the japanese occupation ng philippines. yown…

    salamat uli at nakita ko ito. salamat sa pagdalaw, doon sa amin. mwah! 🙂

    1. salamat sa iyong paghalungkat ng aking mga lumang entry… nakakahawi ng mahabang hair. hehehe

      oo may mga kilala ako na talagang noranian to the bone. at talagang pinaghahambing nil si vilma at nora. magaling naman talaga sa artehan si Nora. basta doon lang tayo titingin, superstar nga ang actress na ito.

      maipagmamalaki ang kanyang talento.

      1. ahaha! malalim at marami ang pinaghuhugutan ni nora – makulay at maligalig ang kanyang buhay at lovelife, hehe…

        mahusay na rin si ate vi sa movies nya nitong last 10 years. in many ways, nag-mature na ang kanyang acting compared sa performances nya noong araw… 🙂

      2. oo tama ka dyan… feeling ko rin ang actor/actress na may angst sa buhay ay mas malalim kung mag-inarte. yun tama ang term mo na may pinaghuhugutan…

        anyway, may listahan din ata ako dito para sa top ten movies ni vilma ayon sa “ang Pinaka”. Hindi ko maipag-coimpare sa dati si Vilma kasi baka iilan pa lang ang napanood kong movie nya compare sa iyo. pero gustong-gusto ko talaga ang Bata-Bata Paano Ka Ginawa.”

  9. Ate Guy is rare as Halley’s comet…matatagalan pa cguro 4 some1 to duplicate her accomplishments in phil, cinema…she’s really a gem in our movie industry!!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s