Confession of a slayer

Dear Ate Jevs,

Sisimulan ko ang aking kwento noong 1995 kung kailan ako naospital. Sa loob ng ilang araw na naburo at nakakadama ako ng sakit, unti-unting nabuo sa aking isipan ang masidhi kung pagnanasang pumatay.

Pagsapit ng dilim o kahit sa tanghaling tapat, kapag may nararamdaman ako sa aking binti… naroon ang bugso ng aking damdamin. Napopoot ako at gumagawa ako ng paraan para pumaslang.  Gusto ko ang makakita ng dugo, gusto ko madami at mas matinding paraan ang nagamit ko, mas ikakasiya ko.

Nag-umpisa ako sa paggawa ng bitag sa aking mga biktima. Isa sa mga una kong ginamit ay ang pagpapaamoy ko muna sila ng 1isang bagay na kung saan unti-unti silang mahihilo at kalaunan ay mamatay. Ginamit ko rin ang technique na itinuro ng aking tiyahin, ang pagpahid ng gamit na gamit na mantika sa ‘di na ginagamit na plato. Sa pamamagitan noon, madali akong nakakadale at hindi na sila nakakawala sa aking maitim na balak.

Pero nagkaroon din ng pagkakataon na kusang lumalapit na sa akin ang aking mga biktima at napapatay ko sila ng ‘di sinasadya.  Naisip ko na rin na kailangan kong pigilan ang aking sarili at iwasan sila. Bumibili ako ng 2 gamot, matama ko ‘yong pinapahid sa aking binti at hita, oras na umaatake ang aking topak.

Ngayon nate-tempt na naman ako na pumatay, lalo na’t kakunstaba ko na ang aking buong pamilya. Mayroong kaming pinakabagong kinahuhumalingan na pampatay.16-06-09_0604

Oh ‘di ba para lang kaming naglalaro pag pumapatay ng lamok… ganda pa niyang spark lang ng spark habang tintetepok ang mga lamok.

June Antonio

——–

Dear June,

Ewan ko sa iyo June, tinakot mo ako, iyon lang pala. Hahaha! Pero mabuti ngang puksain ‘yang mga yan dahil mahirap magka-dengue lalo na’t tag-ulan ngayon.  Alam mo bang ang dengue ay pwede kang patayin in one week kung hindi maagapan?

Kaya po mga ka-Hoshilandia, ingat po palagi at panatilihin ang kalinisan sa inyong kabayahan. Lahat ng iniimbak na tubig ay takpan at linisan ang mga kanal. Isang sintomas na ng dengue ay pananakit ng tiyan at tuloy-tuloy na lagnat.

16-06-09_0606Ayon sa aking pagkakatanda, ‘yong mga nagkakaroon ng red rushes or spots (maliit masyado) ay third stage na at kapag nilabasan na ng dugo ang ilong o bibig, 4th stage na ‘yon. Kapag ganun malala na ang dengue at maaari ng mabingit sa kamatayan.

Paalala ng inyong abang lingkod,

Ate Jevs

Note

1 katol

2 off lotion

Advertisements

25 thoughts on “Confession of a slayer

  1. sa lahat ng pumapaslang, ikaw ang susuportahan ko, aba isipin mo na lang kung may madedengue. sisisihin mo pa sarili mo…
    “kung pinaslang ko lang sana yung nakita kong lamok kanina….”

    diba mabuhay ang mga lamok killer!!!

    woooooooo

  2. Ang galing mo talagang manlinlang! Matatakot na sana ako sa iyo. hehehe

    Isa ka palang fly swatter, mukhang bagay naman sa iyo. Peace! :p

    Kailangan talagang mag-ingat sa mga lamok na iyan kasi mukhang mas mahirap magka-dengue kaysa A(H1N1).

    1. oo magaling talagang manlinlang si J(u)ne. natakot ka ba talaga?

      hmmm bagong term sa akin yang fly swatter na \’yan, parang \”Messianic complex\” lang. hehehe

      korek, sa ah1n1 iilagan ka ng tao pero tatagal pa life mo sa dengue mamatay ka lang dahil sa lamok. biro mo, insekto lang ang killer.

  3. akala ko daga ung papatayin mo hehe..
    lamok pala hehe..
    kami katol ang gamit namen at nag kukulambo pa kami sa gabi kasi di pwedeng wala..
    mga chikiting namen ang baka dalihin ng mga lamok na yan …

    1. oo nga no. bakit nga ba trip na trip puntiryahin ng mga lamok ang mga bagets…

      siguro kasi sariwang-sariwa at wala pang alcohol o chemicals ang kanilang mga bloods. hehehe

  4. salamat pamangkin sa pagbati sa kin ng happy birthday at ang dami mo pang wishes para sakin.. salamat

    syempre bibisitahin ko kayo palagi..

    pakiss nga at pa hug na rin

    thanks sa pabati!!

    1. hahaha… in-appoint ko si tito jason na endorser kasi sinuportahan niya ako…

      belaattt! hahaha!
      hmmm thank you manong raft3r!
      happy father’s day din sa papa mo!

      1. happy father’s day din sa papa mo tito jason… ay bale kay lolo ko na pala siya no?!

        pero happy father’s day talaga! mabuhay!

  5. haizz…kailangan talaga nag sobrang ingat sa panahon ngayon… hindi basta-basta nag mga sakit ngaun nakakatakot…

    😉

    pi fader’s day sa papa mo!

    1. tumpak ka dyan dhyoy! ingat – dahil kapag kalusugan ang pera… balewala na ang ibang kabagayan dyan.

      thank you sa pagbati!

      happy father’s day din sa papa mo!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s