“You’d be the meanest wife ever, okay!”

– “What? Cause I got bored and had sex with you and I didn’t want to like marry you?”

-“Like I’d marry you! You’d be the meanest wife ever, okay? And I know that you weren’t bored that day because there was a lot of stuff on TV, and then ‘The Blair Witch Project’ was coming on Starz and you were like ‘I haven’t seen this since it came out and if so we should watch it’ and then ‘but oh, no, we should just make out instead la la la’”

Ummm… sa totoo lang, nagdadalawang- isip ako na i-share ‘yong amazement ko sa pelikulang Juno pero may social relevance siya at may aral na maidudulot so go!

Napanood ko na ang Juno sa sine siguro mga 2007 or 2008. Doon pa lang nasabi ko na ah addition ito sa favorite movies ko. Napaka-realistic ng plot (unplanned teenage pregnancy) at ang ganda ng pagkakahain ng twists ng istorya. Of course major points pa roon ang effective portrayal nina Ellen Page (Juno), Michael Cera (Paulie Bleeker), Jennifer Garner (Vanessa Loring) and J.K. Simmons (Mac Macguff) sa kani-kanilang character.

Uhmm masasabi ko na may tatlong bagay na sasalo sa isang pangit na pelikula, bukod sa sobrang publicity – iyon ay ang acting, story, and (kung sablay ang script at least) magandang batuhan ng dialogues. Hindi ko masyadong nakuha yung ilang lines noong una kong napanood (hindi ko nagamit masyado ang aking ultra magnetic supersonic radar power nun Madame Leng-leng) pero wahhh, good thing napanood ko ulit.

Na-realize ko na napakalinaw mag-throw ng linya ng mga actors especially si Ellen. Kung ita-transcribe ko ang boses niya hindi ako mahihirapan. Natural na nakakaaliw yung combination ng kwela pero malaman na dialogues.  May dalawa akong pinakagusto bukod doon sa taas na linya nina Juno at Paulie na hilarious talaga at ni-rewind-rewind ko pa. Naka-relate tuloy ako ng todo at naisip ko paano kung may magsabi sa akin nun? na  hindi malabo kasi nasabihan na kaya ako nang..

Eks-class-mate na tumawag sa phone: “Yung tawa mo pala parang demonyo?!”

Hitokiri: buhahahahahah, hindi naman a

HS Eks-class-mate: “Kailan ka ba magpapaka-dalaga/ magma-mature?”

Hitokiri: next year na lang.

HS eks class-mate: (phone) Hindi ka pa rin nagbabago, hindi ka marunong sumeryoso…

(sa isip ni hitokirihoshi: eh loko  pala 2 e – gusto mo ipaligpit kita. joke!)

Pero ang touchy, maliban dun sa issue ng abortion ay ‘yong payo ng dad (J.K.) ni Juno.

“Look, in my opinion, the best thing you can do is find a person who loves you for exactly what you are. Good mood, bad mood, ugly, pretty, handsome, what have you, the right person is still going to think the sun shines out your ass. That’s the kind of person that’s worth sticking with.” -Mac MacGuff

Ganda ‘di ba! Pwedeng narinig n’yo na ‘yan pero iba ‘pag ni-rewind. And hindi lang ‘yan pang romantic aspect kundi for practicality na rin. Isipin mo na lang kapag nagustuhan ka kasi may ganito’t ganyan kang katangian. Eh kung mapanot ka, mag-tungkod, nag-ulyanin, mabaog, ngumiwi ang mukha, maghirap, umitim o pumutla, pumandak etc. eddie bye bye na?

Pero siempre ang pinaka-moral lesson sa Juno ay ang pag-handle sa big problem especially nga sa unplanned pregnancy. Kung nakagawa ka ng mali ‘wag mo ng dagdagan dahil maraming choice. Marami diyan umiinom ng kung anu-ano, nagpupunta kung saan-saan, gumagawa ng anu-anong kabagayan para lang magkaanak. Hirap kasi sa iba na puro pasarap, sa mga fetus ang pahirap.

source of quotes:

http://www.imdb.com/title/tt0467406/quotes

Advertisements

23 thoughts on ““You’d be the meanest wife ever, okay!”

  1. wow nice post galing ah..ang abortion pwedeng maging istorya talaga,,..ang dami na nangyayari na ganito..pero meron lang talagang halang ang kaluluwa..
    anyway ung movie na yan mapanood nga ..hehe
    interesting…

    1. salamat po!

      totoo yan, sobrang malaki ang impact na naiiwan ng abortion sa moralidad at kaisipan ng sinuman.

      mabuti at may mga pelikula na tumatalakay sa ganun isyu. ang labanan na lang talaga ay pagandahan ng presentation.

      mabuhay!

    1. hindi pumalya leng-leng hindi ko lang naaayos ang pagkaka-setup buhehehe

      kung saan-saan kasi napapadako ang atensyon ko sa sinehan. buheheh bukod pa sa minsan nahihiya akong i-set up yun.

      oo nakikita ko leng-leng. hahaha

  2. Nakalimutan ko tulyo iyong pinaka-comment ko.

    Mataas ang rate ng unplanned pregnancy, teen pregnancy at early marriage sa bansa. But still, pro-life pa rin dapat. Abortion should never be an option.

  3. This is a very meanigful post. Sana maraming teenagers ang nakapanood ng Juno. Kung hindi, sana yung parents na lang nila ang mag initiate. Minsan kasi, feeling ng mga bata na puro ngawa lang ang parents pero pag nakita nila ang cause and effect, mas may tama sa kanila.

    1. hi and welcome po Pinoy Daddy!

      salamat din po sa inyong komento!

      Opo maganda po yung may communication, pagkakaunawaan at respeto sa mga magulang at anak.

      sana rin ay malaman ng kabataan ang kanilang dapat gawin bago pa maging huli ang lahat.

      mabuhay!

    1. rafter nun sinabi ko yun 3rd year high school pa ako. hahaha

      pag tinanong ako ulit nung lalaking yun. masasagot ko na siya nang..

      “o siya-siya mamaya na.” buhehehe

    1. hehehe. tito yung babae ang nag-initiate ng sex kasi ala lang magawa.

      hmmm pero don’t you worry may redeeming value naman and ang maganda casual na paraan yung pag-solve. heheh

  4. akala ko ang moral lesson ng ‘juno’ ay “wag magsusuot ng short-shorts kagaya ni michael cera kung ‘di rin lang malaki ang iyong kargada'”– ahekhekhek! if you like this kinda movies, better watch “superbad”– the appetizer before the main dish that is juno. of course, starring michael and that fat bastard jonah hill.

    1. hi and welcome sa Hoshilandia Frenchy!

      hahaha, actually isa yang part na ‘yan na tawa ako ng tawa. at na-discover ko na kailangan din palang lagyan ng deodorant ( kung tama ako) ang mga binti nila.

      hmmm okay i’ll find that “superbad.” thank you 4 ur recommendation!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s