Video rentals

Noong high school ako, gustong-gusto ko mag-apply sa isang video rental shop. Feeling ko kasi makulay ang life doon at makakapanood ako ng mga luma at bagong pelikula, at siempre may extra pa akong kita.

Palagi ko ring nai-imagine na para iyong movie. Pagtapos ng klase magmamadali akong pumunta sa locker ko (na wala naman actually) para kunin ang aking clean and plantsadong uniform sa trabaho. Kapag naka-duty na ako, ihihilera ko ang top 10 movies sa eskaparate and magre-recommend ako ng magandang pelikula sa mga costumers na magtatanong. (Ipagpipilitan ko yung mga gusto kong cartoons buhehehe)

Hindi naman ako ganun ka-adik sa mga pelikula pero parang nasasarapan lang akong pangarapin yun. Kahit nga taga-rewind lang ng mga VHS and Betamax, hehehe. Katunayan, ang kauna-unahan ko nga atang card ay ang membership card ko sa ACA. Dumating din ang puntong nag-aambagan pa kaming magkakapatid makarenta lang at nakikipag-unahan kami sa mga bagong labas na movies. Nangarap din ako na balang araw magtatayo ako ng ganun ding business.

Naalala ko nung gumaradweyt ako, nanood ako ng mga feel good and inspirational movies para makondisyon ang utak ko. Ang dalawa dun ay Ever After at Never been kissed ni Drew Barrymore. (Ewan ko lang kung nakatulong na maka-motivate ang mga โ€˜yon, buhehehe.)

Hayyy! Huli ko atang renta doon 2004 o 2005 pa yung Burlesk Queen (Vilma Santos at Perlas ng Silangan (Fernando Poe Jr. at Susan Roces). Ngayon atat na ulit akong makapanood ng old films lalo na ang mga Tagalog. Sana may mahanap pa ako na ACA or Video City. Alam nyo naman na siguro bat humina ang ganitong negosyo da ba?

May-akda: Ate Jevs

fairy god sister ni Hitokirihoshi ng Hoshilandia.com, eat food, sing songs, explore life, travel places, meet people and love...advice/stories/tips

26 na mga thought (isipan) sa “Video rentals”

  1. naaalala ko nung mga 7-9 years old ata ako sa video city, nanonood ako ng preview sa isang tv sa wall. yung palabas medyo may love scenes.. nakita nung isang empleyado pinatay yung tv. hehehe

    1. bilis mo ah. kaka-post ko pa lang nito. hehhe

      hmmm dalawa lang ibig sabihin nun- concern sa iyo yung crew o hindi ka pa kasi kayo nakakapagbayad. hehehe

      mabuhay!

      1. ah ganun ba. sa bagay dun din ako minsan nakatingin.

        kapag di ko kilala yung blogger, tinitingnan ko kung maganda yung topic. hehehe

        mabuhay! kumusta na ang mga daliri mo?

    1. bidyuhan talaga ang term. hehehe

      oo lalo ko pang naalala ngayon yun dahil hirap akong maghanap ng malapit na bidyuhan sa amin. kaysa magbibili ako ng pirated di ba. renta na lang. iwas sikip pa sa mga kabinet.

  2. hahahahahahaha!

    nostalgic entry, hito! lam mo ba, once lang yata ako nakarenta ever ng movie.

    di kasi ako masyado mahilig.

    minsan nga, nagkuwentuhan ang mga officemates ko ng old tagalog movies na napanood nila… kaloka, ni isa, hindi ako naka-relate!

    musta na sistah?

    1. hello brainteaser! okay naman me, ito naghahanap ng marerentahan hehehe.

      pareho kayo ni leng-leng pero okay lang yun. maramni naman ng paraan para makapanood ka. medyo gusto ko lang talagang makapanood ng mga pelikula ni Nora aunor gaya ng Ina ka ng anak mo at Bona. hindi ko alam kung saan ko makakaita. hehehe

      mabuhay!

    1. hi and welcome sa hoshilandia!

      oo yun na rin yung tinutukoy ko na rason bat nagkawalaan na ang mga ‘yan. well hindi ko rin naman basta masisisi ang mga tao.

      labanan na lang tlaga ng quality at pamorahan.

  3. Naalala ko nalibot ko na yata lahat ng video shops sa Bocaue para lang mahanap iyong Dead Poets Society. Sulit naman, it became one of my favorite movies.

    At iyang Ever After rin, ilan beses ko na iyan napapanood. :p

    1. ay naalala ko yang “dead poet” na yan. as in naalala ko kung saang shelf ng dating ACA na pinagrerentahan ko.

      kaya lang hindi ko iyon nakuha kasi dahil sa limted ang budget ko at kailangan may piliin din ako para sa mga kapatid ko ( madrama hehehe). yon hanggang sa nakalimutan ko na.

      oo guapo ng bidang lalake roon, noon. okay din yung never been kissed kasi nakaka-inspire din bukod sa nakaka-in love. (yung story hindi yung lalake)

  4. yes memory lane. kakamiss nga ang betamax days, napaghahalata ang edad. hehehe may naging favorite group pa nga ako dv8 ata, naging hit ang kanilang kanta / commercial for ACA, MAMAYA ata ang Title…

    “mamaya kita kita tayo, pagsapit ng dilim sasaya liliwanag muli, ang mundo, sama-sama tayo, kita-kita sa mata tayo na heto na ang buong tropa!” ay napapakanta pa ako.hehehe

    1. hindi ko na maalala yang commercial na ‘yan kuya bernardumali. pero alam ko mayroon silang commercial, si aga pa nga ata ang endorser.

      hmmm ang talagang generasyon ko yung vhs – vcd na. nung maka-vhs pa nga ako that time kasi feeling ko iba yung quality and buhay nun. tamo nung pumasok ang mga vcd at dvd nauso na talaga ang pamimirata.

  5. nakakapanood lang ata ako ng mga lumang movie sa cable, eh, yun eh sa tuwing merong mako confine sa amin sa hospital (oh diba) wala pa kasing cable sa malabunduking (kung meron pa) probinsya ng Taytay Rizal. Magbaka sakali ka sa video city pero neng baka ang mga makuuha mo doong luma ay ang mga megang ST film hehehe.

    1. ay papatusin ko yang mga ST na yan ate. marami rin naman tayong st films na may story talaga. lalo nung mga 80s and 70s

      ang una at huli ko atang napanood na medyo bold films sa sine ay “Hubog” nina assunta at alessandra directed by joel lamangan.

      pero ngayon hinahanap ko talaga yung mga lumang films ni nora at yung mga tagalog films na napapalampas ko.

    1. oo nung napanood ko yang sa dougray sa Hitman. ang laki ng tinanda buti pa nung nasa mission impossible pa siya ni tom. tawa ako ng tawa nung sabihin ni avi (dun sa hitman)

      “ay matanda na siya, si drew ang ganda-ganda pa rin.” hehehe laitan na ito.

    1. siya ang naka-impluwensya bat ko gusto ko rumenta.

      hindi ako noranian, after ako sa magandang pelikula at magandang acting. heheh

  6. hehe…talagang detalyado mo pa hanggang ngayon ung pangarap mo. ๐Ÿ™‚

    marami rin kaming nakakatuwang memories para lang makahiram ng vhs at betamax sa video rental shops. yung ibang kaibigan ko, indi na binalik ung paborito nilang movie, tsk-tsk ako pa naman nakapangalan dun sa card. :S

    pwede ka pala maging movie critic hehe…dapat magkaron ka na rito ng segment na ganun. ๐Ÿ™‚

    1. naku ganyan din yung mga kabrakda ng mga kuya ko, actually pati kuya ko. kaya ako nung nagkaroon ng card sinekreto ko muna, ayoko ma-wanted. hehehe

      natuwa naman ako sa advice ninyo. ๐Ÿ™‚
      na mag-critic ako rito sa hoshilandia. heheh salamat po! ๐Ÿ˜‰

    1. korek kuya ganun ginagawa namin, ambagan pa para madagdagan at makalibre ng isa.

      hehe nung monday at last, nakahanap na ako ng malapit na video city. mabuhay!

      yun nga lang pansin ko mas marami silang binebenta kesa pinapahiram.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: