My late Dad appeared twice…

Dear ate Jevs,

Mula noong Linggo ay dalawang beses ko ng napapanaginipan ang namayapa kong ama. Medyo kinikilabutan ako, hindi lamang dahil sa takot ko dahil patay na siya pero dahil medyo makahulugan ang mga eksena sa mga ‘yon.

Ganito ang panaginip ko noong Linggo…

Galing sa isang bahay (na hindi ko alam kung kanino) ay gusto ko raw puntahan ang abandonadong bahay ni Daddy ( ayon sa panaginip) na nasa iisang street lang nun. Madumi at madilim na parang ilang taon ng napabayaan ang  nasabing bahay. Tingin ko nga parang nasunugan pa ‘yon dahil kasing itim na ng uling ang gate.

Richard Gere
Richard Gere

Nalungkot ako nung nakita ‘yon. Lungkot na parang may halong hinanakit, panghihinayang at siguro pangungulila. Nang babalik na ako kung saan ako lumabas na bahay, nakasalubong ko ang nanay ko. Isinama niya ako sa isang malaking sasakyan (parang lumang pick up truck na may puting tent at napapanood sa mga lumang pelikula). Nung umakyat kami, nakita ko ‘yong daddy ko na payat na payat at humaba na ang kulot niyang buhok. (Medyo hawig ni Daddy si Richard Gere kaso kayumanggi siya at maypagka-kastila.)

Nakikinig lang ako sa usapan nila nanay at si Nanay ang nagpapaliwanag sa akin na nagpanggap lang daw si Daddy na patay na siya. Lumabas na 10 years siyang nagkunwaring patay ayon sa Nanay ko (pero sa totoong buhay 18 taon na). Nakalimutan ko bakit kailangan niyang magpanggap. Pero ang naalala ko ay umiyak ako. Sinabi o naisip ko na hindi naman ako lumuha dahil sa ginawa niyang pagpapanggap pero bakit ni hindi man lang niya ako kinausap nun.

Ate Jevs kaya ko ang mag-lucid dream o alam ko sa panaginip ko na nanaginip ako kaya medyo carry kong kontrolin ang sitwasyon doon. Kaya palaisipan sa akin paano ako napasakay na nagpanggap nga lang siya at hindi pa siya patay.

Hindi pa ako gaanong nakaka-recover dun nang mapanaginipan ko ulit siya kaninang madaling araw. This time kinausap niya kami ng kapatid kong nasa ibang bansa. Doon magkakatabi kami at nagkukuwento naman siya tungkol sa kabataan niya.  Parang noong kabataan niya raw ay nakagawa siya ng pelikula. Ipinakita pa nga niya iyong poster ng pelikula na parang ang bida ay si Gabby Concepcion. Ngayon ewan ko kung siya ay director, writer o aktor din doon. Basta ang sabi niya siya ang may concept sa pelikulang ‘yon na may Mr. Fighting ang title.

Aware na ako sa panaginip ko na patay na siya kanina. Kaya after niyang maikuwento naputol na ang panaginip at nagising ako. Siyempre hiniling ko na sana sa panaginip na lang siya umapir at ‘wag na sa paggising ko kasi natatakot ko.

Ate Jevs bago ang mga panaginip ko sa kanya, huli ko siyang napanaginipan noong  2003 ‘yong as in na nakita ko talaga siya.  That was very touching kasi may special event na nangyari sa buhay ko nun and hindi ko rin naisip na magpapakita siya.

Ngayon napapaisip po talaga ako kung ano ba ang mga naisip at nagawa ko bakit nagpapakita si Daddy sa panaginip ko. Medyo naniniwala rin kasi ako na kapag natural death naman at matagal na, maliban sa pagbibigay sa kanila ng panalangin ay dapat hindi na rin sila ginagambala pa.

Luciana Nuevas

Dear Luciana,

‘Di ko alam kung masasagot ko ng tama ang iyong letter. Hindi ako magaling sa pag-i-interpret ng panaginip. (Baka si Hitokirihoshi at iba niyang ka-blog ay makapagbibigay sa iyo payo/ comment/ suggestion.)

Ang naiisip ko lang ay  baka dahil ‘yan sa nalalapit na Father’s day nitong June at may isang bagay na hinaharap mo ngayon o darating pa lang na nire-represent ng iyong Daddy. Try mong ipagdasal siya sa simbahan at ano ba ang mga bagay na maaaring may kinalaman sa kanya ang naiisip mo ngayon.

Anyway, advance Happy Father’s Day naman d’yan sa mga matitino, responsable at mapagmahal na ama! Maswerte kayo dahil alam ninyong i-enjoy ang buhay.

Mabuhay!

Ate Jevs!

Advertisements

16 comments

  1. namimiss ka lang ng daddy mo…
    siguro.

    o kaya naman baka kelangan ng prayers.
    dalawin mo rin sya sa sementeryo.

    pero nakakatakot o nakakakilabot kung sunod-sunod mong mapanaginipan yan.

    • salamat sa iyong suggestion Jason!

      nakakakilabot nga kaya dapat ngang siguro na pagbulayan ni luciana kung bakit napapanaginipan niya ang kanyang Daddy.

      advance Happy Father’s day sa iyong ama!

  2. I agree with Jason, maybe he misses you (or vice versa) kaya siya nagbabalik at nagpapakita sa iyo.

    Or maybe anxiety is coming through in your dreams (meron nga ba?).

    Or may be an attempt to deal with your feelings in connection with your dad (ikaw lang ang makakasagot nito).

    maybe. keep him in your prayers as well.

    • thanks sa analysis and advice noona jube.

      maganda yung pangatlo mong suggestion. maaaring may saltik pa itong si luciana. gayon din ang no. 2.

      mabuhay

  3. Naalala ko tuloy noon, nagdaydream ako na nagpapanggap lang na patay ang nanay ko.

    Just say a prayer for your dad. It’s probably your dad’s way of saying that he’s still there for you.

    • oo nga artistahin nga yung daddy ni luciana.

      di ko lang sure kung trip lang nun pag-artistahin si luciana o kung trip din nun bata.

      at mas lalo kong di sure, kung sasabay yun sa iyo sa pag-o-audition mo sa starstruck season 1970. hehehe

    • ah bagets kapaba? sige dun ka na lang sa starstruck 1971: bulilit edition. buhehehe!

      sige tanong mo nga raft3r. tanong mo rin kung ano ang setting – pang pretty woman ba o runaway bride?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s