Pinoy ka?

Iba na ang pakiramdam ko, kumpara nung estudyante ako, kapag dumarating na ang Hunyo. Apat na petsa lang naman ang sa tingin ko na kailangan kong paghandaan sa pagpasok ng buwan na ito, lalo na kapag nag-aaral ka pa, Independence Day, Father’s Day, Kaarawan ni Rizal at pasukan sa eskwelahan.

Alin ba ang mas binibigyan ng effort? Siyempre ang pasukan ‘di ba. Momobrolema ka kung kakayanin ba ng budget ang pambili ng mga school supplies at tuition fee. At ito pa, ang matinding daloy ng traffic kasabay ng rumaragasang rain & flood.  Naku ayoko ng ikuwento ‘yong nabura ata ang isang hibla ng intestine ko nang ma-stranded kami. Biruin mo 12 oras akong ‘di nakakain, basang-basa ang ulo at mga paa, at di ko alam kung nasan na ang FX taxi na sinasakyan naman. Ayoko na ikuwento ‘yon kasi alam kong maswerte pa ako. Iyong iba nga naglalakad sa hanggang kili-kiling baha e.

IMG_4249
sa Luneta

Maiba tayo, bilang lehitimong taga- Pilipinas, kailan mo sinserong na-feel na wow Pinoy ako? ‘Yon ba ‘yong panahon na gumawa ka pa national flag na gawa sa pinaggupit-gupit at pinagdikit-dikit na art paper with matching stick?  O nung nag-field trip kayo sa Rizal Shrine, Luneta, at Intramuros nung estudyante ka pa?

Pero kahit naman wala ka sa school, kahit papaano’y may bagay na makakapukaw ng iyong atensyon bilang Pinoy. Sige nga, pinapalampas mo ba  ang mga laban ni Manny? At kahit hindi mo trip ang style ni Martin, dinamdam mo rin ang pagkakanta niya ng ating pambansang awit.  Ako  hindi ako mahilig sa mga beauty pageant pero ‘pag alam kong malakas ang laban ng ating pambato  interesado akon malaman ang update sa kanya.

Lately sari-saring isyu rin ang tila humahamon sa atig diwa bilang mga Pinoy.  Nariyan ‘yang pasaring ni Alec Baldwin, pagbawi sa kaso ni Nicole kontra kay Daniel Smith, ang matalim na comment ng favorite writer ni Raft3r na si Chip Tsao, ang desperadang linya ni Teri Hatcher at isasali ko na d’yan ang hot topic ngayon, sinong mas malakas si Nardong Toothpick or Nardong Putik este ang sex video scandal ni Dr. Hayden Kho.

Saan na nga ba inaabot ang damdamin mo sa bayan o sa iyong pagiging Pinoy? Nagagalit ka ba sa mga foreigners na nagkokomento ng ‘di maganda sa atin/sa Pilipinas o sinisisi mo rin ang ating ilang kababayan na nagpapakita ng ‘di magandang asal sa ibang bansa? at sa palagay mo gaano na ba kalala paglamon sa atin ng pagiging kolonyal at pagyakap sa globalisasyon?

Ako ito lang… sabi ng Nanay ko kinausap daw siya ng teacher ng pamangkin ko na kausapin daw in English ‘yong pamangkin kong si Calabasa. Ito ay para daw masanay at  matututo ang bata na magsalita sa Ingles.  In fairness napaisip ako nang — Pinapasok ng mga kuya ko ‘yong pamangkin ko sa loob ng bahay dahil nag-iinuman sila. Eh makulit…

Kuya ko: Hey you, young pumpkin, go inside before I kick your ass!

Calabasa: I don’t like tito you’re such a loser!

Whaahh I’m confused as in confuse  capital LBC.

16 thoughts on “Pinoy ka?

  1. Boon hindi lang pasukan ang problema tuwing Hunyo, madaming may kaarawan sa buwan na yan..puros buang pa! Susme!

    Nito ko lang naappreciate ang Luneta. Babalik-balikan. Masarap mag-people watching, umupo sa damuhan at magpahangin.

    Ang mga bata ngayon, karapat-dapat ngang tinuturuan na ng ingles upang sa paglaki nila’y malawak ang bokabularyo nila rito. Ako man hindi bihasa sa ingles. tama na para sa akin ang makaintindi ng wikang ito. kaya nga ba’t masarap panoorin sa dvd na lang ang harry potter, para pwedeng irewind kung may salitang intsik na nabitawan si harry o hermayne (yun na rin yun).

    Maiging hanggat maari ‘wag papapanoorin ang mga bata ng tv series, baka nga yung Kho virus sexcandal pwede pa saka ipaintindi sa bata ang implikasyon nito.

    Napaisip ako, sinasabing dapat idagdag sa kurikulum ng mga bata sa eskwelahan ang sex education, katulad ng mga naunang kurikulum ay matagal naman na itong kasali, iyon nga lang puro theories lang (the organs etc), dapat ipaintindi sa bata ang simula, implikasyon at kahalagahan nito sa buhay ng tao.

    Sa rami ng bilang ng teenage pregnancy ngayon, malala ang problemang kinaharap ng ‘Pinas rito, katulad rin ng droga at pulitika.

    Magkagayon pa man, wag nating aalisin ang mga bagay kung bakit tayo proud being pinoy.

    Umpisahan natin ang disiplina.

    Ako MISMO? OO mis kita! Woohoo!

    1. wow pwede ng part sequel ng blog entry ko ito ah. hehehe

      yeah, i think mas maganda na ituro ang sex education and English (inuna talaga ‘di ba) pero dapat sa tamang edad at paraan. kailangan may touch ng pagiging Pinoy at di kakalimutan na ang mga ito ay ilang bagay na magpapalawak sa ating kamalayan at oportunidad. malungkot lang ako dun sa iba na komo inglisero ang mga anak eh kala mo richie rich na eh bitch naman. and yung bata kinakalimutan ang mga kultura niya.

      twice ako naka-attend ng reproductive health seminar. and okay yung mga experience na yun (tinuruan din kami roon, kung anong tamang pagsuot ng condom sa birdie). pero hindi namin naramdaman na nakakahiya. mas lumawak ang isipan namin sa responsibilidad naman sa aming sarili bilang mga babae at sa bayan. naks!

    1. wow! salamat po! :”>

      pampadrama lang konti yung pic. hehehe.

      yan ang first time kong nag-post ako ng picture ko rito. heheh

      (so record holder itong entry na ito. buhahaha)

    1. hello Jason!

      ay sana naman wag namang dumami ang kaso ng h1n1 dito at sana good news naman. parang panalo ang mga Pinoy sa pagba-blog… hehehe

    1. oo nga tamang-tama nga as in humagip na.

      sana lang ay ang demokrasya ay hindi minomolestiya di ba? teka parang may nabasa akong ganitong comment.

      hehehe

    1. actually tumpak ka dyan kuya blu.

      yung mga kapatid ko mas na-appreciate yung mga pagkaing Pinoy at produktong Pinoy kapag umuuwi sila.

      yung ate ko talagang namili ng madami ng mga native displays para ilagay doon sa kwarto niya dun sa Dubai. hehehe!

    1. tingin ko ate dahil iyon sa … nagsama na homesick at pagka-miss sa kinagiwaan mo bilang Pinoy.

      saka iba yung nasa sarili kang balwarte di ba?!

      mabuhay

  2. Ang dami mong tanong, di ko alam kung ano ang uunahin. hehe

    Every school year na lang ang daming mga problema na kinakaharap ng mga estudyante lalo na iyong kakulangan ng classrooms. Every year sinasabi rin ng mga taga-gobyerno na nagpatayo sila ng ganitong karaming classrooms. Hindi ko tuloy alam kung talaga dumarami lang ang estudyate o press release lang ang mga pagpapagawa ng classrooms. Kung gusto nating umabante ang bansa kailangan talagang bigyan ng tamang edukasyon ang mga bata.

    Forever proud naman akong Pinoy kahit na nauuso ngayon ang mga scandals at kahit na maraming corrupt at trapo. Kita mo nga may jacket pa ako, sana lang hindi ako ipakulong ng NHI. hehe

    My proudest moment as a Filipino would have to be the EDSA II. 3 years old pa lang kasi ako noong EDSA 1 kaya medyo vague ang mga pangyayari noon. With EDSA I and II, Filipinos prove to the world that we are indeed a nation capable of charting our own destiny.

    At ang ganda ng ending ha, comedy pa rin. Buti pa si Ms. Calabasa, you’re such a loser ang banat kesa naman sa pamangkin ko, “You’re so pa-ti-tic” ang drama. nyahaha

    1. marami talaga akong tanong… pero ang punto roon o tema saan na nga tayo dinala ng panahon at mga isyu.

      kailan ba ako naing proud talaga? siguro kapag may isang Pinoy na lumaban at hindi nagpatalo sa diskriminasyon laban sa kanya. gustong-gusto ko ang nakakabasa ng ganun. I’m proud dahil kahit sabihin nasa third world country tayo, matatag tayo.

      wahahaha…na-lls (last line syndrome) na nga ako e dahil sa kanya…buhehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s