A (terrible) short story (telenovela style nga lang)

Lumaki ang mag-best friend na sina Georgie at Dente sa village ng Sanaka, isang lugar na sakop ng emperyo ng Halarka. Mga anak-anakan sila ng magkaibigang Chiong na isang magsasaka at Talima na isang mangingisda. Ang negosyo nila ay magtinda sa talipapa.

Isang araw napagtanto nina Georgie at Dente na nagmamahalan sila ng higit sa magkaibigan at ‘di nagtagal, sila’y naging magkasintahan. The end…

 

Joke!

Ang back story …

 

Parehong napulot ng magkabigang Chiong at Talima ang kanilang mga anak sa talon ng Magcua. Kapwa nakalagay sa isang basket ang dalawang sanggol na nakabalot sa mga naiiba at kumikinang na damit nang makita nila ang mga ito pagkatapos nilang lumangoy.

“Hindi kaya magkapatid itong dalawa?” tanong ni Chiong kay Talima habang tinitingnan kong girl or boy si Dente.

“Baka magkaibigan lang, ‘di naman magkamukha eh. Gusto mo paghatian natin. Sa iyo ito at akin ‘yang lalake,” saad ni Talima na kumpleto pa ang ngipin at balbas sarado.

“Ayoko! Gusto ko babae para mayroon akong prinsesa sa bahay,” tanggi ni Chiong sabay kuha kay Georgie.

Ang Happy moment

 

Namasyal sina Georgie at Dente malayo sa talipapa ng Halarka at napadpad sila sa isang batis (malapit-lapit sa talon ng Magcua). Sa tagpong naglapat ang kanilang mga labi ay may nag-spark sa kalangitan at tila may nahulog sa batis.

Paputok po iyon sa palasyo, birthday kasi ng kambal na prinsipe na sina Errol and Dan.

Natuwa naman sina Georgie at Dente dahil may fireworks pa ang kanilang date. At para malubos ang kanilang kasiyahan, nagpunta pa silang palasyo para makakain din ng libre.  Hindi naman sila nabigo, dahil buti na lang costume party ang handaan kaya nagpanggap na lang silang kunwari na mga tindero ng isda at tindera ng gulay.

Habang kumukuha ng makakain sina Georgie at Dente, nasagi ni Georgie si Prinsipe Errol na nakatayo sa isang tabi ng mesa. Nang kokotongan na sana  ni Prinsipe Errol si Georgie, agad naman siyang nabighani sa  ganda nito.

“Ganda naman ng costume mo, parang totoong-totoo,” puri ni Prinsipe Errol.

“Hindi naman. Ikaw nga rin parang Prinsipe ka talaga,” sagot naman ni Georgie habang nangingiti.

Sundan ang susunod na kabanata…

8 thoughts on “A (terrible) short story (telenovela style nga lang)

    1. ah ganun ba? hmmm hindi naman yun ang na-imagine ko dito hehehe…

      basta may naisip ako istorya… na fantasy and love story na pwedeng ihalimbawa sa reality…

      charot..

  1. ‘di kaya resulta lang ito ng pagbababad sa pagpapanood ng mga koreanobela (at matrix)?

    o ‘di pagkain ng ice cream (chesa flavor)?

    o empatso (dahil sa di pag-utot)?

    Paki-elaborate naman ‘yung — paglalapat ng labi.

    1. hi rica salamat sa iyohg pagdalaw dito sa Hoshilandia Sr! hindi na nasundan ang kbanata nito. hehehe… baka gurang na yung mga tauhan. hehehe. pero pag bumalik ka gagawan ko n karugtong… may kondisyon talaga eh ano

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s