Ma, fara fo!

Masarap umupo sa unahan ng jeep or FX. Okay na okay rin ang umupo sa tricycle kung saan sumasakto ang pwet mo at umiindayog kapag idadaan ng driver sa humps ang kanyang mga gulong habang ‘di naman malaman kung saan direksyon ipinapadpad ng hangin ang mga hibla ng iyong buhok.

Pero ang isa pang nakakanakaw ng eksena, bukod sa beautiful scenery ng traffic, ay ang tumatangong-tangong aso o tiger na display ni manong sa unahan. Subukan mong gayahin at tiyak hindi mo na mararamdaman ang traffic, kahihiyan na lang. hehehe.

Pero okay din ang mga drivers o may –ari ng sasakyan na sa tula inilalabas ang kanilang imahinasyon. Tamo, makakakita ka ng mga stickers na may caricature na babaeng nakabuyang-yang o guhit lang ata ang saplot sa katawan then may mga quotes pa.

“Basta driver, sweet lover”

“Driver na may bigote, magaling sa diskarte”

“Pag pangit doble (bayad), pag maganda libre, pag fungi patay (ads na ata ito)

Sobrang naaliw ako one time sa isang tricycle papuntang ecopark. Kabit-kabit talaga ang mga saying niya na nakapaskil at okay na okay ang mga rhyme huh! Sana lang nga eh nakunan ko ng picture.

Naisip ko tuloy, ganun ba ka… si manong. Pero in fairness talagang agaw pansin ang mga nakadikit na stickers. Pero teka pwede bang gumawa rin ako ng quotes para sa kanila?

“Driver na kaskasero sa kubeta ang diretso”

“Jeep na punong-puno ng pasehero, may driver na nakakalbo”

“Driver na ayaw magpasabit, galit sa may anghit”

“Pasaherong tutulog-tulog, nagdadrama sa konduktor” (teka pang bus pala ito)

“Gwaping na kasakay, kay manong gustong umakbay”

“Lalaking bumubukaka, nasisikipan ang kargada (hmmmp)

“Babaeng nanahimik, naninikip ang dibdib” (hmmp ulit)

“Taong maalahas, sa magnanakaw malakas ang hatak”

“BARYA LANG SA UMAGA, kung ayaw mong mabanas mag-hapon”

“BAYAD MUNA BAGO BUMABA, dahil ‘pag hindi itutumba ka” (joke!)

“Pasaherong aanga-anga at “ha ng“ha?’, may nakasukbit (kasi) sa tenga

“Ang nagmamadaling sumakay at bumaba, nanlaslaslas ng bulsa”

“Batang bulakbol sa pag-aaral, nagiging estudyante sa jeep” (charot!)

Yun lang!

12 thoughts on “Ma, fara fo!

    1. salamat naman at napagaaan ko ang inyong feeling!

      pwedeng-pwede na po ‘yan! dahil totoo yan (parang may personal experience no?!)

      mabuhay!

    1. heheh… wala natuwa lang ako, iyon ang mga binabsa ko habang gumugulo ko sa tricycle. hehehe

      oo naman hindi ko sila palalampasin. iisa lang galaw nila, madaling sabayan.

  1. “Ang nagmamadaling sumakay at bumaba, nanlaslaslas ng bulsa”

    Oi hindi ako nanlalaslas ng bulsa
    late lang kaya nagmamadali. LOL

    Ayos ang gagaling masmaganda pa mga sayings mo kesa sa originals

    1. salamat at nagustuhan mo ang mga imbensyon ko. hehehe!

      sorry naman, sa bagay lagi rin naman akong nagmamadali at ‘di nangnenenok.

      lagay ako part 2 ibang bersyon naman. hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s