Ma-Abnoy na tag-ulan!

oi pang 100 post  ko na pala ito! pagbati naman dyan!

Posibleng dahil daw sa epekto ng global warming kaya napadali ang pagpasok ng tag-ulan. Malas ng mga gusto pang magbakasyon mapaloob at labas pa ng bansa, medyo ‘di advisable ang mag-travel lalo na’t may banta ng H1N1.

Kung problemado ang mga bakasyonista, pihadong matutuwa naman ang ilang small time entrepreneur dahil…

  • Asahan na kung saan may baha may lulutang na tulay at sa bawat dulo nun may hulugan ng barya.
  • Ang mga naghahabol na pedicab at padyak driver noon ang siyang “mananaga” ngayon.
  • Kung may jeep na malabo ang salamin, may mga lalaking pwedeng magbuhos ng bumubulang tubig at magpunas nito. Kahit pa magbaba lang ng trapal eh.
  • Mayroon din nagbebenta ng payong na mura, isang gamitan nga lang.
  • Pero teka tutumal ang kita nina manong sorbetero, ano ang kanilang pwedeng plan B? (Balot?)

May maganda rin namang epekto ang maagang tag-ulan (pero ‘wag namang bagyo, nakikiramay ako sa mga taga-Bicol).

  • Titikom na ang bibig ng mga reklamador na mainit at pinagpapawisan
  • Baba na ang bayad sa tubig.
  • Wala ng alikabok (baha na lang)
  • Matatakpan ang katabaan, makakapagsuot na ng jacket at sweater
  • May rason na bakit nakatsinelas sa pagpasok sa office (yahoo!)
  • Bawas kuryente, tameme muna ang aircon, freezer at electric fan
  • Baba na ang bilang ng mga hina-high blood at sino-sore eyes (pero ingat na lang sa Dengue at flu..hmmmm)

Dahil abnoy ang pagbugso ng ulan, dapat maging psychologist sa pagharap dito.  Ito ang ilang tip powered by Ate Jevs

  • Tumingin sa magkabilang side ng dadaanan (likod at harap pa). Huwag kang pasiguro na dahil tuyo ang daan sa harap ay hindi umuulan sa likod ng building.
  • Kung may awa ka sa paa mo, bumili ng extra na tsinelas o pang harabas sa baha. Bukod sa mahal na ang sapatos, baka naman pati daga ay sumuka sa ‘pag nagka-alipunga ‘yan.
  • Kumapit kapag may kakapitan at humawak kung may hahawakan. ‘Di bale na ang magmukhang manong o manong kaysa mapatihulog-hulog at madapa. Sos maniwala ka!
  • Kahit galit ka sa mukha na nasa tarpaulin itabi mo ‘yan, mabisang panakip ‘yan pag tag-ulan.
  • Tapalan na ang mga butas at patibayin ang mga lumalangitngit.  Mahirap habulan at angkinin ang bubong kapag nilipad na sa iba.
  • Mag-ipon na ng kandila, para panunog sa mga langgam sa dingding este may ilaw kapag naglalaro ng solitaire at brownout
  • Mag-imbak ng instant noodles, kape, asukal, gatas, kanin, daing, tuyo, at tablea.  Meal ito – Champorado and tuyo/daing with side dish noodles  & coffee
  • Mag-invest sa rechargeable batteries or flashlight at buhayin ang transistor mo. Kakailanganin mo ‘yan para mapakinggan ang weather report ni Joe Taruc!
  • Humanap na ng lugar o pwesto kung saan pwedeng magtagayan ng baso este pagsampayan ng mga damit na hindi nauulanan.
  • Bumili o ipagawa na ang mga sirang payong. Gusto mo pati yong pito na nakatali d’yan e.
  • Maglagay ng imbakan ng tubig na may takip. Pakinabang ang tubig ulan, pambuhos sa kubeta o mga batugan. (peace!)
  • Magtabi ng mga gamot pang sipon, ubo at lagnat – Ingat!
  • Huwag kalimutan ang mag-inat-inat. Nakakataba ang ulan kasi masarap matulog
  • At kung di mo type mag-drama, huwag kang magkamaling pumwesto sa bintana at pagmasdan ang mga batang nagtatampisaw sa baha. Baka maalala mo ang kabataan mo. wawa!

Mabuhay!

Advertisements

32 thoughts on “Ma-Abnoy na tag-ulan!

  1. hapi handred post!

    Kahit hindi maulan ay baha sa amin, dahil sa tumutulong hot & cold dispenser at idagdag mo pa ang umaalong ihi ng isang batalyong pusakal. Tsk!

    Mag-ingat tayo sa H1N1 virus, kung anu-anong sakit na ang lumalabas at more to come! Joke lang.

    Dagdag ko lang sa mga tip mo Ate Jevs, ‘wag madalas maglaba dahil mahirap matuyo ang mga damit kung tag-ulan, matuyo man amoy alimuom naman. Para hindi madalas maglaba, wag madalas magpalit ng damit, magsuot ng plastic, dapat ay butas-butas. Presko ka na, libre boso pa sila!

    1. thanks sa pagbati at welcome sa wordpress! ano nga pala name ng blog mo rito?

      naku mahirap naman yang mga tuluan diyan sa bahay nyo… kailangan ma-meow lang. hahaha

      pamatay tip mo pero may dating ha? hehehe. korek, mahirap na ang maglaba at magpatuyo pag tag-ulan.

  2. Sobra na talaga ang climate changed. (with e.d na yan ha).

    biruin mo, mabagyong summer ang APRIL at MAY.

    ganoon pa man, kahit na maraming disadvantages ang hatid sa’tin nito, marami pa ding advantages lalo na sa mga pinoy.

    kailangan pa rin kasing mabalance ang araw araw na’ting pamumuhay..

    ayos ‘yang mga tips ha.. parang ni-research talaga..

    napaka informative.

    cool \m/

    1. hi otep and welcome sa hoshilandia!

      nakakawindang nga ang klima ngayon, pero sana wag nang bumagyo ng todo sa june. hirap pag pasukan… doble ang pasakit ng traffic.

      and yes, kakayanin naman ng mga Pinoy ang pabago-pabagong weather.

      salamat din sa iyong pagbati sa akin mga tip. sariling obserbasyon ni ate jevs ang mga yan. hehehe

  3. hapi handred anniversary….wow dami na pala ng post mo! sipag at tiyaga (manny villar! hehehhe).
    kakatuwa naman ng mga tips ni ate jevs…makabuluhan na, masayang basahin pa…
    problema ko….august ang bakasyon ko dyan sa Pinas….oh no! baha at ulan pala ang sasalubong sa akin dyan…..hehehehehe

    1. salamat sa pagbati kuya blu!

      di naman, inabot naman yun more than one year bago naging centennial (may ganun hehehe)

      salamat din at natuwa rin kayo sa mga tips ni ate jevs..

      at tama kayo, mga august medyo maulan pa yun. pero hindi naman na masyado. (parang abnoy din ata ang pagkakasagot ko dito, hehehe)

      mabuhay!

  4. 100 posts ka na? Parang kailan lang na pinipilit-pilit ka ni Avi mag-blog sa wordpress. Keep on writing!

    Nakakabahala na summer na summer e umuulan na, epekto na ito ng global warming. And take note, di pa tayo nakakapag-swimming. Sa baha na lang. hehe

    1. oo leng-leng, maniwala ka! kanina ko nga lang napansin eh. Oo nga, kung hindi kay avi baka ni isang post wala akong naisulat. salamat sa pagpu-pusher mo na mag-blog pa ako. hehehe!

      oo talagang nakakaloka itong ulan. baka di na ako makasama sa swimming mo sa baha. kunan na lang kita litrato, habang nasa salbabida ka at naka-shade. hehehe

    1. salamat sa pagbati mo kuya Raft3r! actually sa iyo ko rin nakuha ang ganitong ideya na bigyang halaga ang ika-100 post. hehehe!!!

      naku di ako marunong ng mga ganyan.. mahilig ako makipag-agawan at siksikan. hehehhe. pero sige pag-iisipan ko yan ng masinsinan.

  5. naks ang galing ng tips mo talagang malaking tulong sa sungit ng panahon ngayon jan sa Pinas. (Congrats nga pala sa ika-100th post mo.) ang aga nga ng tag-ulan jan sa atin eh. yan lang ang namimiss ko pwera sa baha. 🙂

    1. salamat aling baby sa pagbati!

      oo nga kasunngit ng panahon dito, may duet pa minsan like crising at dante.

      masarap sana magtampisaw pero wag naman sa baha! buheheh

    1. wahhahaha, dapat ikaw ang may pa-raffle kasi may 201 na ang post mo. heheh

      salamat sa iyong pagbati kay nanay. belated Happy Mother’s day din sa mama mo.

      nanay ko makulit? hmmm di ko sure eh. makulot na lang, yan ang sure. hehehe… bat makulit ba ako? di naman a, seroyosong tao nga ako eh. hahahaha

  6. eto ang magandang kwentong tag-ulan
    noong mga bata pa kami
    may kapatid akong saksakan ng arte
    sobra
    sinundo kami sa sm ng tatay namin
    dahil maulan
    kelangan mabilis kumilos para di mabasa
    etong utol ko
    nag-inarte pa
    ayaw sumakay ng kotse at mabaabsa daw sya
    e, di nakatikim sya ng mura mula ke erpats
    ayon tumalon mula sa islang papunta sana sa pintuan ng kotse
    ang bagsak nya sa open manhole
    nyahaha

    1. yan ang Maarteng Tag-ulan! hahaha

      sure kang kapatid mo yan ha?! hehehehe

      basta ako pinateribleng experience na yung lumusong ako sa baha at magutom hanggang madaling araw nung elemetary at college.

  7. naalala ko tuloy noong minsan magbaha sa mali bay
    pucha nasa second floor kami
    tapos ang kalsada parang waterworld
    nakabangka mga villagers
    hehe
    pero masaya yon
    bata pa kasi si raft3r non
    akala ko puro laro lang
    yun pala madami na ang napinsala
    naks
    may social relevance ang comment ko, ha
    high five!

    1. high five! oo nga na-i-imagine nga kita nung bata.

      siguro kung ganun ka pa rin hanggang ngayon. habang lumilikas ang lahat, ikaw bina-blog ang mga pictures na nakuha mo.hahaha!

      mabuhay!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s