I
Tumungo ako sa isang bahay na ang mga tao ay ‘di ko kilala
Bastos ba kung sabihin ko na, basta na lang akong pumasok doon?
Pero wala ka ng magagawa, ginawa ko na e at baka gawin ko rin ulit.
II
Magulo ang mga stimulus sa mind ko kaya I went there
Humanap ako ng nice spot na ‘di disturbing at very convenient
Nandoon ako para humimpil, jiffy lang may pagsasabihan lang ako
III
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy sinambit ko ang aking spontaneous speech
Na parang isang essay- may welcome remarks, briefing at rationale.
Ganun naman ‘pag matagal nang ini-internalize at nagma-materialize
IV
Abala ako sa pag- anas nang suddenly may nag-invade sa aking mind
Tinatalo ng isang diwa ang mga nag-i-strike na ideas sa aking kokote
Parang may nag-i-scan sa content nito at gradually iniiba ang processing
V
Hindi ako nanlaban, instead hinayaan ko na maka- receive ng message
Isipin mo na lang na tila nawala ako sa sarili pero matino naman
Nakakakita, nakakarinig, nakakadama ng isang Nilalang na invisible sa lahat
VI
Parang magkasing boses Kami at magkatabi sa pwestong pinili ko.
At bigla, nasagot ang mga hinuha ko na napakanatural lamang na dumaloy…
Na gaya ng dugo sa aking katawan na maaaring minsa’y naiiba ang agos
VII
Kusa kong napagtanto ang kahulugan ng pangyayari, simple pero malalim
Na habang naglilitanya ako ng mga kabagayan, biglang may bubulong
Parang ako na halos ang sumagot sa mga tanong at kalabuan ng utak ko.
VIII
Gusto mo ba ma-experience ang na- experience ko? Magdasal ka ng taimtim
Dalawang beses ko itong binasa bago ko na-gets ito dala ng puyat. hehehehe
He answers prayers in more ways than one. He listens to us. He loves us. You’d feel Him as long as we allow Him to enter into our hearts. Amen to this, Hoshi!
You put your message across without being self-righteous. :p
i like this line Len
“You put your message across without being self-righteous. :p”
Thank you very much!
tama ka dyan kaibigan…
…sa katahimikan ng ating puso…
…sa kawalan ng ating kamalayang-tao…
…sa kaibuturan ng ating budhi…
…doon nananahan ang isang SIYA!
lalim ah pero malaman at makabuluhan!
minsan kasi yung sagot di ba nandyan lang? kaso hindi napapansin kasi hindi muna pinagninilayan.
one time may narinig din akong sermon… yung pagdadasal hindi lamang tungkol sasabihin mo kundi kung ano yung mare-realize mo at lalong-lalo na yung maririnig mong bulong. and gladly, nararanasan ko naman yun.
mabuhay!
wow.. sa oras ng katahimikan ng ating puso at isip doon naman Siya nagsasalita sa atin.. sana ay matutunan din ito ng iba.
salamat hoshi!
God bless you..
Salamat din Sandi!
Ang katahimikan ay hindi lamang sa pagtikom ng bibig , kundi pagpapanatag ng isipan at pakikinig
amen ako dyan 🙂
thanks 😉
Hay! Kala ko kung ano na! Ahahahahah.
Nice…
Musta na? Ano na pinagkakabisihan?
hehehe… gulo ba? mana yan sa nagsulat.. hehehe
eto, trabaho at mga kabagayan sa bahay.
babalik din ang wisyo ko. mabuhay sa iyo diyan!
malupit ito
i like!
salamat kouya sa iyo at iyong naibigan itong aba kong akda. charot!