Bulong sa isipan

I

Tumungo ako sa isang bahay na ang mga tao ay ‘di ko kilala

Bastos ba kung sabihin ko na, basta na lang akong  pumasok doon?

Pero wala ka ng magagawa, ginawa ko na e at baka gawin ko rin ulit.

II

Magulo ang mga stimulus sa mind ko kaya I went there

Humanap ako ng nice spot na ‘di disturbing at very convenient

Nandoon ako para humimpil, jiffy lang may pagsasabihan lang ako

III

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy  sinambit ko ang aking spontaneous speech

Na parang isang essay- may welcome remarks, briefing at rationale.

Ganun naman ‘pag matagal nang ini-internalize at nagma-materialize

IV

Abala ako sa pag- anas  nang suddenly may nag-invade sa aking mind

Tinatalo ng isang diwa ang mga nag-i-strike na ideas sa aking kokote

Parang may nag-i-scan sa content nito at gradually iniiba ang processing

V

Hindi ako nanlaban, instead hinayaan ko na maka- receive ng  message

Isipin mo na lang na  tila nawala ako sa sarili pero matino naman

Nakakakita, nakakarinig, nakakadama ng isang Nilalang na invisible sa lahat

VI

Parang  magkasing boses Kami at  magkatabi sa pwestong pinili ko.

At bigla,  nasagot ang mga hinuha ko na napakanatural lamang na dumaloy…

Na gaya ng dugo sa aking katawan na maaaring minsa’y naiiba ang agos

VII

Kusa kong napagtanto ang kahulugan ng pangyayari, simple pero malalim

Na habang naglilitanya ako ng mga kabagayan, biglang may bubulong

Parang ako na halos ang sumagot sa mga tanong at kalabuan ng utak ko.

VIII

Gusto mo ba ma-experience ang na- experience ko? Magdasal ka ng taimtim

12 thoughts on “Bulong sa isipan

  1. Dalawang beses ko itong binasa bago ko na-gets ito dala ng puyat. hehehehe

    He answers prayers in more ways than one. He listens to us. He loves us. You’d feel Him as long as we allow Him to enter into our hearts. Amen to this, Hoshi!

    You put your message across without being self-righteous. :p

  2. tama ka dyan kaibigan…
    …sa katahimikan ng ating puso…
    …sa kawalan ng ating kamalayang-tao…
    …sa kaibuturan ng ating budhi…
    …doon nananahan ang isang SIYA!

    1. lalim ah pero malaman at makabuluhan!

      minsan kasi yung sagot di ba nandyan lang? kaso hindi napapansin kasi hindi muna pinagninilayan.

      one time may narinig din akong sermon… yung pagdadasal hindi lamang tungkol sasabihin mo kundi kung ano yung mare-realize mo at lalong-lalo na yung maririnig mong bulong. and gladly, nararanasan ko naman yun.

      mabuhay!

  3. wow.. sa oras ng katahimikan ng ating puso at isip doon naman Siya nagsasalita sa atin.. sana ay matutunan din ito ng iba.

    salamat hoshi!

    God bless you..

    1. hehehe… gulo ba? mana yan sa nagsulat.. hehehe

      eto, trabaho at mga kabagayan sa bahay.

      babalik din ang wisyo ko. mabuhay sa iyo diyan!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s