Napagtanto ni Bunso

Para sa selebrasyon ng Holy Week, narito ang emosyonal na sulat na aking natanggap. Nais ko itong ibahagi sa inyo upang inyong pagbulayan…maraming salamat po!

Dear Ate Jevs,

Ang magkaroon ng maraming kapatid ay tinatawag kong tadhana.  Technically, pinalaki ako ng aking ina kasama ng aking 9 na nakatatandang kapatid. Out of my five brothers and four sisters, may tatlo akong kuya na lagi kong nakakasama. Yung isa, ‘yon ang minsang nag-alaga sa akin- as in siyang nagpakain at nagpaligo, yung isa nagbabantay sa akin ‘pag walang maiiwan at ‘yong isa ang palagi kong kalaro at nakakaaway. Of course, normal na sa amin ang mag-away o palaging mapagalitan ako. Basta, isa lang masasabi ko, binayayaan ako ng mga kuyang maiinitin ang ulo.  Tatlo sa mga ate ko ang naging ka-close ko, specially the younger one & significantly yong second to the eldest.  May ate naman ako na extraordinary in so many reasons.

I remember my debut at part ng party ay ang speech ko. That time there were no gaps and complications, except of course of our irreversible intriguing past.  Kahit nakalipas na iyon, walang part ng speech ko ang madi-delete bagkus ay baka nadagdagan pa

Habang tumatagal, I realized lumaki pala ako sa environment ng mga taong may kanya-kanyang personality and background. Pero may common denominator sila na kung saan naiiba naman ako… masyado silang sociable & friendly. Just imagine na lang na kapag may handaan, habang aligaga sila sa pag-aasikaso sa kanilang mga bisita, nandoon ako sa kuwarto mag-isang nanood ng TV or worst nasa taas ng cabinet para magmukmok.

Hindi ko na binibilang at inaalala kong nakaaway ko ang ilan sa kanila, obviously, ako bata kaya ako ang talo at dapat na magparaya.  But may isa sa kanila, ang hindi ko na kinaya na hanggang ngayon ay civil lang ang aking pakikisama.  Medyo makulay ang aming samahan – from friend to foe sisters. Ang masakit dun isa pa naman siya sa bung-buo kong kapatid.

Magkagayon man, pare-pareho lang naman kami na tinadhanang magsama-samang mamuhay kahit may mga bagay kami na hindi type sa isa’t isa. Anuman sila, bahagi sila ng aking pagkatao. Kung wala si Bestfriend ate – hindi siguro ako palaban, independent, at mapangarap. Kung wala yung mga kuya ko na nakasama ko, siguro hindi ko ma-a-appreciate ang kahalagahan pagkain sa aming mesa, ang magkaron ng pananampalataya, na ang swerte ko na normal akong ipinanganak, at di ko dapat i-expect na lahat ng tao sa mundo ay tulad ng iniisip ko o papabor sa mga gusto ko.

May panahon na nasabi ko na balang araw magagantihan ko ito,  na sana ito ang mangyari sa kanya, hanggang kailan ba susunod ako sa kanila at bakit ba naging kapatid ko ito? Pero noong nag-mature ako, na-appreciate ko sila. Ibinigay sila ni God sa akin as blessings & challenge. Kung baga, hindi ko kailangan na magkaroon ng sobrang caring at loving na mga ate para lang maging self-centered spoiled brat.  At hindi naging ganun kabait at generous ang mga kuya para matutoto akong mapagkumbaba at magpasalamat sa mga bagay na natatanggap ko.

Sincerely,

Nemitz B.

Dear Nemitz,

I’m happy na sa pagdaan ng panahon ay nag-mature na rin ang pagtingin mo sa iyong mga kapatid. Hindi mo lang naiitindihan kundi nauunawaan mo rin sa mas malalim na konsepto ang kahalagahan ng kanilang pag-e-exist sa iyong buhay.

Maaaring may time na naging pasang krus mo sila pero yang krus na ‘yan ang nagtatag ng iyong pagkatao.  Minsan kasi hindi lahat ng blessings ay dumarating sa anyong masarap na lunukin. May mga pagkakataon na kailangan mo munang namnamin ang pait at kakaibang katangian nito bago ka masarapan sa paglunok.

Thanks for sharing your thought and may you have wonderful Lenten vacation!

Ate Jevz

Advertisements

18 thoughts on “Napagtanto ni Bunso

  1. Hoshi, sure ka bang natanggap mo iyang sulat na iyan? Parang may nagkwento na rin sa akin na ganyang-ganyan. hehehe

    Ganon talaga ang buhay, we can’t have everyhing. Laging may isang aspect na sablay. Pasalamat na lang si Nemitz na sa siyam niyang kapatid, lahat naman naging kasundo na niya except sa isang extraordinaryo niyang ate. :p

  2. In-upload ‘yan ni ate jevs, wala akong kinalaman dyan. hehehe

    oo nga… kaya dapat ikaw maging thankful ka rin sa mga kapatid mo… kahit mana-mana ang pagiging pasaway. hahaha

  3. Naku fren, buti na lang hindi ako ang kuya mo….

    kasarap mo sigurong paiyakin. ano kaya ang hitsura mo noong maliit na uhugin ka pa? ilang taon ka na ba noong gusto mo nang magsalawal?

    ehe!!!

    🙂

  4. naku umariba na naman si inggkong… if i know yan ay tukso mo sa sarili mo. hahaha

    ano kaya masasabi sa iyo ni Nemitz ‘pag nabasa niya ang tanong mo. heheh

  5. Bah, panganay ako sa lola ko sa mother side kaya ako ang apple of their eyes, kaya akin lahat ang mga masasarap hehehe!

    Noon yon.

    Ngayon, tagasalo ng lahat ng mga hinanakit waaaaaaaa!

  6. well… ganyan talaga ang panganay…ipinanganak ka ng tagasalo ng mga responsibilidad. buhehehe

    hari-harian pa kayo ng mga bata ah..booh!

  7. Salamat sa post na ito, at na-realize kong tama ka sa “Anuman sila, bahagi sila ng aking pagkatao.”

    Ahem, ako man ay hindi pinagpala sa kapatid (to think na dadalawa lamang kami). Napaka-swerte ng mga taong close sa kanilang mga kapatid.

    Siguro bilang mas panganay sa kanya, hindi ganun kalaki ang naging parte nya sa pagkatao ko dahil magkahiwalay din kaming lumaki. Napakahirap mag-adjust lalo na kung andun ka sa lugar na mas ako ang kailangang makisama (w/c i believe na sana ay two-way adjustments).

    Sadyang malayo ang loob namin sa isa’t isa pagkatapos ng madaming beses na gyera namin lalo noong kami ay mga bata pa. Madali akong kausap pero hindi tlg ako kunsintidora.

    Magkaiba kami ng kinalakhang environment. Magkaiba ng mga taong nakasama. Magkaiba ang ugali’t pananaw sa buhay.

    Hanggang ngayon ay masasabi kong mahina ako sa pakikipag-away sa kapatid. Umaasa at dasal ko ang panahong magiging tunay na responsable sya sa buhay nya at mapahalagahan nya ang mga taong tunay na nagmamalasakit at nagmamahal sa kanya.

    Taas ang noo ko kay Manang Jules, akalain mong naitaguyod nya ang 9 na personang ito? Salamat sa kanyang pagmamahal.

    Sana dumating and panahon na magkakasundo din kayo ni bf-sister mo.

  8. oo iba talaga ang leveling ng panganay, pangalawa o nung bunso. it really matters actually pero ang mas mabigat ata yung sitwasyon at ugali ng isa’t isa.

    pasasaan ba’t mahahanap din natin ang kiliti ng bawat isa… kung hindi man close at least maging civil o magresputuhan na lang.

    siguro sa sitwasyon ninyo, maire-relate ko before ang relasyon namin nung isa kong kapatid na lalaki. away-bati rin kami, dahil sa kanya natuto akong lumaban at ipagtanggol ang aking sarili lalo na sa mga lalaki. but surprisingly, bigla kaminng naging okay nung college siya at high school ako. that time, sinubukan kong pakinggan ang saloobin niya… although, saliwa talaga ang iba. i learned to understand him. iyon siya e. ang nakakatuwa rin eh nagbago siya ng pakikitungo sa akin. nirerespeto niya ako at mahalaga na ang opinyon ko para sa kanya. lahat yun nagsimula sa isang simple pero sa sinserong usapan nung minsan nagbabantay kami ng tindahan…

    well like your wish din, sana maging okay kayo ng BF brother mo. hahaha

  9. ganyan talaga buhay parang life 🙂

    Para kay nemitz..
    sa bawat nadadamang paghihirap may kapalit na kabutihan… sa bawat biyernes santo may kasunod na linggo ng pagkabuhay.. o walang linggo ng pagkabuhay kung walang biyernes santo.. 🙂

    Offer mo lang kay God ay iyong nararamdaman at Siya na ang bahala..

  10. thanks for your thoughts and advice Mr. sandi!

    totoo na ang blessings ay hindi lang all about sa masayang bagay nagmumula… minsan…sa bagay kung saan tayo natsa-challenge at madalad long lasting pa ang mga yon..

    “the making of who you are in the future”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s