motivated to lose weight

Dear ate Jevs,

Aware ako na lumalaki na ang katawan ko pero hindi ako ganun na naalarma kasi malayo pa naman ako sa pagiging obese. Talaga lang atang may mga tao na natatabaan sa akin dahil ikinukumpara nila ako sa mga patpatin o medyo anorexic na katawan.

Hindi problema ang weight sa akin noong nag-aaral dahil active ako sa mga extra curricular activities especially na since prep hanggang college ay nahihilig o napapasali ako sa pagsasayaw.

Tumaba na ako noong mag-start na akong mag-work. I think yung waistline ko ay naglalaro sa 25 ½ to 27 (depende kasi yan sa tabas at brand ng pantalon) noong estudyante ako pero noong nag-o-office na ako naging saradong 27 na siya at lumalaki pa.

May nagsasabi na bagay sa akin ang chubby at hindi bagay sa akin ang maging payat. Although nakakarindi rin na babatiin ka with matching “ano ang nagyari sa iyo ang taba mo nahhhhh!!!”, wala kong care.  Ang mahalaga sa akin ay ang pakiramdam ko… kung madali na ba akong hingalin, kung di na ako pinapasakay sa fx o taxi, o kung di ako matitigil hanggat di big uhaw ang iniinom ko.

Pero ngayon ay namo-motivate na po ako talagang magpapayat… nag-uumpisa na kasi akong mahirapang mamili ng damit na kakasya sa akin, bukod pa dyan na mas mahal at limitado ang napipili ko. Minsan wala na sa budget yong kinukuha ko, kasi ang nasa isip ko “iilan lang ito, buy it now.”

subalit, nitong nakaraan na namili ako naghalo ang frustration at kakarampot na kilig. Frustration kasi, hindi ko mabili yung gusto kong mabili dahil bukod sa size eh siempre may fashion style akong sinusunod. Ayoko po kasi ng fit sa katawan ko ang damit ko at di ko type ang pink, neon, pastel colors.

Ayoko mang mag-order ng inumin na favorite ko para hindi madagdagan ang fats ko, eh pinagbigyan ko na ang hilig ko dahil sa hapo. Nakaupo ako sa harap ng store na pinagbilan ko nang may dumating na tatlong fil-am – dalawang lalaki at isang babae. Lahat sila sosyalin ang dating at English speaking. Deadma lang ako kunwari sa kanila kahit marami nang naglalaro sa isipan ko. Katwiran ko, nagbayad ako kaya bat ako matitinag sa inuupuan ko. Yung matabang lalaki tumabi banda sa gilid ko habang nag-o-order, yung babae sa harapan ko mismo pumwesto, then yung isang medyo payat palakad -lakad naman sa likod at harapan ko.

Tanungan at sagutan sila sa oorderin nila. Hindi nila ata matanto kung avocado o avocado ang oorderin nila… eh parang di naman magkaiba yun? Yung lalaking mataba tumalungko dun sa mesa na nasa gilid ko… (bahala siya kung ano o sino man ang tinitingnan niya), tas yung payat na lalaki parang di malaman kung saan pupuwesto. Siguro aligaga sila doon sa babaeng kasama nila na in fairness naman eh sexy and pretty.

Nang malagok ko na lahat ng laman ng iniinom ko, tumayo na ako sa inuupuan ko sabay kuha ng mga nilapag kong plastic at lumakad palayo. Then I heard “she’s cute huh” mula doon sa isa sa dalawang lalaki.

Tatlo lang yan eh

a. may nakita silang female poodle,

b. she ang pangalan noong babaeng kasama nila

c. At Ako yun… hahahha

Bahala na sila, basta gusto ko na po talaga ang magbawas ng timbang at magkasya na ulit yung mga dati kong damit sa akin. Mahirap ang buhay ngayon, dapat tigil gastos. Ano po bang dapat kong gawin para pumayat kahit konti?

Sumasainyo,

Gigi TatlongKilo

Dear Gigi,

Masasabi ko lang ay more power! Magpapayat ka dahil feel mong gawin ‘yan at para sa ikagagaan ng ‘yong loob. Pero dapat doon ka sa healthy, ‘yong proper exercise & diet.

Sa ibang payo, bahala na ang mga commentator natin dito… heheh.

Mabuhay!

Ate Jevs

Advertisements

39 thoughts on “motivated to lose weight

  1. ang sa akin lang….syempre maganda rin yung balòingkinitan ang katawan…kaya lang ….dapat siguro right attitude ang kailangan…magpapayat not for its sake lang…kundi dahil may tamang rason….
    kailangan din sabi ni ate jevs….proper way of handling ang losing weight ……
    salamat ha…ba pati ba naman ito napasok ko na rin….hehehehehe weight guru daw ako oh!

  2. Ahu! Bakit, may nagsabi ba sa ‘yo ng ganito: “Juana, tinimbang kita ngunit sobra!”

    🙂

    don’t blame the guy na nagsabi ng cute. kagaya ko yun na magaling mag-appreciate ng magaganda…

  3. ate jevs: salamat sa iyong payo Blue at okay na okay lang maging guru kung para naman ito sa ikabubuti ng iba.

    mabuti rin at napansin mo ang linya na may kinalaman sa tamang thinking at aksyon para sa pagpapayat.

    mabuhay!

  4. ate Jevs: VF sino ba si Juana? maigi naman at may lalaking katulad ninyo na marunong mag-critic. hahaha, so if ever ang cuteness ni Gigi- critically acclaimed na.. hahaha

    san na ang payo mo sa pagpapayat?

  5. Juana, e di ikaw. Juaning pag cute hehehe!

    Payo? Eto:

    Eat a heartyb-fast, preferably cereals. Skip lunch if you can or munch apples or local fruits, pamatay gutom lang. Prepare mo na before going to bed para walang rason na nakalimutan mo ang baon mo. Eat light supper.

    You may give yourself a treat once a week pero huwag mag-abuso sa mga chi-tserya! Andian lahat yung mga pampahaba ng balakang! (I bet you are eating potato chips while blogging!) 🙂

    Eto ang most effective: Fall for a person na magbibigay ng kunsumisyon. Then you’ll sing the song that goes like this:

    “di na makatulog,
    di na makakain
    tagihawat sa ilong
    pati na sa bumbung…”

    hehehe…

    [imbitahin nga kita and the others dun kay BT to comment on that “Chip Tsao” thing or blog something tungkol sa slur ng ‘intsek’ na to!] http://bilingualpen.com/brainteaser/?p=924

  6. naku medyo iniiwasan ko actually na mag-comment sa damuhong tsao na ‘yan. nakakapang-init talaga ng anit eh. pero dahil gawa ni BT … todo max ang bira ko sa comment… dun ko na ibubuhos lahat

    ate jevs: in fairness makabuluhan at mabalasik ang payo mo kay GIGI. buti at fruits ang kasama sa diet na yan at hindi veggies.. hahahah. mabuti rin naman at may once a week threat este treat… kung ako ang pinatutungkulan mo sa pag-eat ng potato chips habang nagba-blog… mali ka. chocolate ang kinakain ko. hahahah

  7. ate jevs: 100% ka diyan, ‘yan talaga ang basic na kailangan sa pagda-diet at sa kahit saang gawain.

    aba… two points na ata para sa mga chubby

    1. Hi Kristine & welcome sa Hoshilandia!

      before ako magbigay ng tips, i want to clarify na hindi ako diet expert. isa rin ako sa mga gaya mo.

      don’t skip breakfast and eat enough lunch. kasi kung nag-oopisina ko or student na nakahilata lang after lunch. mabigat din sa pakiramdam. kung kaya mo na wag kumain sa gabi, do it! pero kung hindi kumain ka ng unti, like crackers and milk.

      limit mo rin yung meat, sweet, salty and oily foods. mag-vegetable ka and fruits, kasi mayaman yan sa fiber.

      basta wag mong i-starve ang tiyan mo, that’s definitely unhealthy. either babawi ka ng doble rin pag natakam ka or magiging malnourished ka. btw, exercise ka rin kahit simpleng walking, jogging and dancing.

    1. hi haira and welcome sa hoshilandia!

      wala si ate jevs kaya ako muna… si hoshi.
      gaya nung nasa no. 14, just eat right and exercise.

      kailangan sabihin mo sa sarili mo na papayat ako. then discipline yourself hindi yung konting kibot, babalewalain mo ang pagda-diet. in a way naman, once na masanay ka na parang routine na lang ang lahat. and then wag kang mahihiya na mag-exercise. remember,gagawin mo ang pagpapayat kasi gusto mong patunayan ang iyong sarili. you want to boost your confidence.

      since you’re young, i-involve mo ang iyong sarili sa iba’t ibang activities sa school.napaka-rewarding noon hindi lang sa pag-aaral mo kundi sa katawan mo. join dance, singing, student council – mas maraming ginagawa mas natagtag ang taba.

      but of course, get enough sleep (6-8 hrs). alam mo bang nakakataba ang pagpupuyat at sobrang pagtulog. iniiba nito lalo ang metabolism at sistema ng katawan mo. drink plenty of waters and instead of chocolate/softdrinks mag-pineapple ka na lang.

      yan ha, mahaba na yan at sana makatulong. basta wag kang papaapekto sa mga nanunukso sa iyo. magpapayat ka kasi feel mo at kailangan. i-motivate mo ang sarili mo sa tamang pananaw.

  8. paano po ba ako tatangkad gayong mahilig akong magcoffe kesa sa gtas , ano-ano poh ba ang dapat gawin para pumayat ,ano po ba ang tamang oras ng pagkai at bawal na pag kain…….thank you po..

    1. alam mo i believe ang pagtangkad ay batay sa iyong genes. kahit lumaklak ka ng cherifer kung both ng parents mo ay sadyang maliliit ang lahi wala rin. especially girl ka pa. pero i-try mo an rin ang mag-cherifer o yung okay na gamot. kasi may chance pa para sa iyong age, mga 20 years to 24, yun na yun talaga.

      ang gatas ay hindi naman ata nakakatangkad kundi nakakapagpatibay ng buto. pero i advise nan i-prefer mo ito kaysa kape. kung nagkakape ka i-limit ito sa 1-3 kape sa isang araw.

      alam mo bang nakakataba rin ang sobrang pagkakape depende pa yan sa anong klase ang tinitimpla mo. (kung maraming sugar, may cream pa etc.)definitely may benefits ang pagkakape pero pag sobra-sobra na, nakakasama siya o nakaka-acidic.

      ang ginagawa ko para maengganyo na mag-milk ay bumili ng naka-pack na parang choco drinks tas dapat ang akalagay doon ay low fat o lite. gusto ko rin ang bear brand sterilize.

      o ayan mahaba ulit ang reply ko. hehehe.

  9. comment lang…imporatante sa pagpapayat is goal setting…dpat may dahilan ka kung bkit gusto mong pumayat..dpat ginagawa mo ito para sa sarili mo…2nd one is dicipline…wag kang mangarap na magpapayat kung wala kng disiplina sa sarili mo..3rd one motivate yourself to loose weight…magpainspired ka pra mkabalik ka sa goal mo..then give yourslef a lamon day..wag mong ideprive sarili mo sa pagpapayat..dpat khit once a week lng itreat mo sarili mo kso lng wag kng mag-aabuso..and last one is be happy..dpat maniwala ka ng papayat ka..

  10. heLLO, pOH sa inyong lahat!!!
    ako poH c april ammhp, sa totoo lang po di po ako mahilig mag blog.
    kaso gusto ko po ng advicE…ammhp,gusto ko pong malaman kung panu po ba magpapayat!kac sabi po ng mga classmates ko sa school na tumataba na raw ako! lalo na po ang mga boys tinutukso nila ako na”maganda,cute kaso mataba” 2nd. year high school papo ako at mag 3rd.year na ngayong pasukan ang gusto ko po sana ehh,pumayat ako kahit kunti lang pra sa sunod pasukan d na nla ako tutuksuhin…….

    f,gusto nyo po ako makita he2 poH facebook account koH!!!

    gurlaj@rocketmail.com

    _”salamat pOh”_

  11. tiningnan ko ‘yong facebook mo and yes you are pretty. hindi ko nga ma-detect na you are fat. before doing anything kailangan mong malaman na hindi pamantayan ang katabaan sa tunay na kagandahan. ikondisyon mo ang sarili mo na hindi ka matabang pangit. Pwede ring ‘yang mga boys na yan, nagpapapansin lang sa iyo. hehe

    i believe that dieting depends sa system ng tao, hindi ka basta pa-follow ng kung anong uso. puwede kang kumain ng kahit ano basta in moderation. kung kumain ka ng fatty foods ngayon dapat mamamaya hindi. madalas hindi na ako kumakain sa gabi kasi binubusog ko na ang sarili ko sa maghapon. in a away, it helps me to feel light and marami-rami na rin ang nakakapansin na pumayat ako.
    the safe way of course ay exercise. engage yourself sa isang sports na trip mo or hobby na malilibang ka. since summer naman, puwede k mag–aral mag-swimming, maglaro ng badminto o mag-bike. basta yung hobby na gagalaw ka at matatagtag yung taba mo. as for me, into dancing ako.
    discipline and consistency ang kailangan lang para tuloy-tuloy ang pagbabawas ng timbang.

    hope my tips help you and have a meaningful Holy Week.

  12. H! poh…. nabasa ko na yata lahat ung mga comment dito…..
    Ask ko lang poh….. la na ba atalaga pag – asa na pumayat ako… im 20 na poh kasi ako…. actually there is a time na nagawa ko na rin po ung advice…. but may barrier talaga eh….
    Emotional eater po kasi ako… pag me problema ako or kaya depressed….
    Nku! tyak lamon ang mangyayari pag kakain na ako…!
    Me hope pa kaya para pumayat po ako??

    Thnx ……

  13. alam mo Iha, hindi ko na sasabihin ang gasgas ng linya na habang may buhay ay may pag-asa kasi ang ipapayo ko sa’yo ay “nasa sa iyo ang pag-asa mo.” Nasa mahusay ka pang edad para magpapayat kasi mas madaling makapag-adjust ang metabolism mo at elastic pa ang skin mo. kapag sinimulan mo ang pagpapayat ng around ng 25 pataas, malamang maghe-hello na ang cellulite at stretch marks sa hita o tyan mo. di ba scarry yun?!

    Kamo emotional eater ka, i think yan ang sinasabi mo sarili mo , pinaniniwalaan at pinangangatawanan mo. Mahirap mawala ang pagiging emotional pero puwede mong i-divert yung ugali mo pag ganun ka. imbes na pagkain ang upakan mo yung unan mo na lang or punching bag. Imbes na softdrinks ang pagbalingan mo ay magtatakbo ka na lang sa parke. sige ilabas mo ang galit mo at huwag yung gagawin mong taba sa katawan mo.

    may teorya ako na isa sa nagpapataba at nagpapasakit sa tao ay ang masyo ng pagpapa-frustrate sa kanyang sarili.

  14. hai po im abegail .16 years old..ang weight ko ay naglalaro sa 47 to 48.ang baywang ko naman 28 na.. gusto ko po sana pumayat tulong naman po,hindi ko po maintindihan ang katawan ko, dati po kasi bata pa ako mataba na talaga ako, pagdating ng 3rd year hanggang 4rth year pumayat na ako dahil siguro sa kakagala ko kung saan saan ,dahil dun nkakalimutan ko na kumain at lagi pa ko puyat, pero kahit pumayat ako noon lagi naman ako nahihilo.. ngayong first year college ako tumaba na naman ako at naiinggit ako sa mga ka age ko na sexy. hindi na po kasi ako ngayon lumalabas ng bhay hnggng sa school na lang ako.. ang di ko maintindihan ilang araw na po ako hindi kumakain ng kanin,, pati mga food na favorite ko matagal ko ng iniwasan,pero:( bakit hindi pa rin ako pumayat?ang mahilig ko na lang po ay ang uminom ng pampapayat.. katulad ng fit n right,, 7 up diet at etc.. syempre tubig pa.gusto ko nga pinupuyat sarli ko sa pamamagitan ng pag laptop hnggng madaling arw isa sa paraan ng pagpayat ko pero wla pa rn:( ano po ba ang dapat kong gawin ?? pleassssssssssssssssssssseeeeeeeeeeeeeeeee help me:( i hate my life . pinapagalitan na nga po ako ng mama ko na hindi ako kumakain ng kanin baka daw hindi pa ko tatangkad pag di ako kakain ng kanin. maliit lang kasi ako mga 5 flat cguro o 4’11

    1. hi abegail! bago kita bigyan ng suggestions eh ika-clarify na hindi ako expert dito o isang doctor. ang aking comment ay base sa aking nalalaman at pananaw ko sa iyong pamamaraan.

      una…iba-iba tayo ng sistema. hindi puwede yung ganitong sakto mong gagawin kasi ganun yung sa iba. ang masaklap pati sa way mo ng pagpapayat ay hindi healthy. akala mo, pumapayat ka kasi dini-deprive mo ang iyong sarili sa tulog at kain? noh noh noh.

      pangalawa… ang pagda-diet ay hindi overnight na payat ka na kaagad. alam mo ang major kalaban dito? sarili mo. gaano ba katindi ang iyong disiplina, determinasyon, pagtatyaga. kahit yung mga dumaan sa gym at mga program ay nag-a-allot ng time para healthy kang pumayat. actually, pangit din kasi na bigla kag payat. magsa-suffer ang skin mo..magsa-sag and magkaka-strech marks.

      pangatlo… walang problema sa pagkain. ang kailangan mong intindihin ay gaano kadami ang iyong kinakain at gaano kadalas. moderation kung baga. then more fruits & veggies less fats, salt and sugar. kapag di ka kumakain, kapag napakain ka na gugutuhin mong damihan kasi pakiramdam mo pinahirapan mo ng husto ang sarili mo. at abegail, ano ang saysay ng payat ka nga kung sakitin ka naman. hindi mo rin ma-e-enjoy ang life.

      pang-apat… be active. makakatulong kung nasa sports ka or performing arts. maraming benefits. mabubuhay ang iyong social life at arts and naroon na rin ang exercise at kawalan ng time para magmukmok o hanapin ang mapagti-tripan mong pagkain.

      hopefully, makatulong ang mga ito sa iyo. kung gusto mo rin ay magkaroon ka ng notebook na maglalaman ng iyong mga kinain sa buong araw at lagyan mo ng katumbas na fats ng mga yon. (pero madugo ata yun).

      more power!

  15. Naku, akala ko talaga ako lang ang may problema sa pagka baboy…
    15 yrs old na po ako, 3rd yeaR high school,,honor student ako at madalas ipanglaban sa academic contest kaya medyo may pagka-popular sa school (hindi naman sa pagmamayabang) kaya lang, madalas kong marinig na comment ng iba sa akin is: “tsk3x, yan si Karla, mabait,matalino, KASO LANG TALAGA MATABA..kung pumayat yan..ang ganda n’yan!!”
    minsan kasi nkakadepress talaga…. 😦

    kindly try to visit my FB po… Ana Karla L. Cabrera po, para masabi nyo kung ilang pounds kailangan kong ibawas…

    thanks po

    1. hindi ko makita ang fb account mo pero okay lang kung hindi. wala rin naman ako sa posisyon para sabihin kung ilang timbang ang dapat mong tapyasin. Kasi ang magandang mag-set ng goal ng ganyan ay ikaw at mayroong standard na weight sa particular na edad, kasarian at height. kasi malaki nagagawa ng mga factor na yan, so hindi mo puwedeng basta i-compare ang iyong sarili sa iba.

      makwento ko lang when i was student, (not so long ago naman) marami akong in-admire na babae at ngayon marami akong kakilalang successful sa kanilang career at love life kahit mataba. I think sa point na yan wala sa weight kundi sa level ng confidence ng isang tao.

      now if you think na sa pagiging mataba ka talaga nawawalan ng self-esteem , do something na nga. sa iyong age magandang mag-start ka na mag-trim kasi madali-dali pa dahil malakas pa ang metabolism mo at yung mga activities na kailangan ng energy yakang-yaka mo like jogging, aerobics, belly dancing kung ano ang trip. huwag kang mahiya o mag-alangan, mahirap sa simula pero once na part na yan ng sistema mo hahanap-hanapin mo na ang exercise. mabuhay!

  16. hi po im 20 yrs old at mgpapatulong kung paano ang mabiis na pagpayat dati po kc nasa 27 lang bywang ko ngayun 34 na ang hirap na po kcng mgpapayat ihh :(( eeto po ed q sa fb cmajhoy@y.c nkakainis na po kcng sabihan ka ng baboy at sa twing mkakakita ako ng sexy na ktulad ng katawan ko dati naiinggit ako

    1. naku day mahirap yang sinasabi mong mabilis na magpapayat. Marami sigurong ways para dyan pero yung usaping safe dun magkakatalo. Number one na problema sa madaling pagpapayat ay ang pag-sag ng skin. kung dahan-dahan nakakapag-adjust pa yan so magka–stretch marks ka man minimal o di ganun ka-visible.

      pinakamabils na safe sa akin ay exercise 3x a week and magbawas ng kanin. kung puwede once a day do it.

  17. Hello Po .
    Ako Si Eya 15 Yrs old. 5’4 Ang height ko Tapos Ang Bewang Ko eh nasa mga 34 .
    Nung 2nd yr ako Sobrang taba kopo . Ang bewang ko 39 . Nung Nag Bakasyon Po Nun May Nag Recommend po saken ng isang Coffee sya na pampayat .. After 2 months pumayat ako Ang bewang kopo 28 Pero Yung Legs Kopo Parang hindi lumiliit Pero Nag Eexercise naman po ako nun . Nag Jajogging ako thrice A week . Pero Tinigil kopo yung pag inom ng coffee na pampayat na yun kasi napag alaman kong delikado pala Banned Pala Sya Sa Ibang bansa kasi May Drugs na halo pala yun . Nung pasukan po (LAST YEAR) Siempre ang daming nagulat kasi ang laki ng ipinayat ko . Khit Di nako nag tetake ng pampayat Na Kokontrol ko naman yung figure ko. Pero Habang tumatagal po pataba ako ng pataba . Nag Da diet naman poo ako Pero Minsan po Napapasarap ang Kain Kaya Ayun ! Tumaba nanaman ako Nakalimutan ang diet eh . !
    Dahil ang taba ko nanaman At pataba pa ng pataba hbang tumatagal Ayun Nanjan Nanaaman Yung Mga Nanunukso sken ! Mnsan Tinatawag nila akong BALYENA !TABA! BABOOY!! DABYANA!! pati teacher Ko Mnsan tnatanung Ako: ” Pansin ko habang tumatagal tumataba ka Kasya paba sayo Blouse mo?” Eh Siempre Napahiya akokay crush!! >_________< Pero May Nagsasabing Maganda daw ako. Lalo Na Daw Pag Pumayat ako . Ngayon Naaatat nako Mag Bakasyon Kasi Mag Fofocus ako sa pag papayat . Para Magustuhan nako ni crush diba ? 😄 HahaGusto Ko Kasi Mag Karoon ako ng transformation Sa Pasukan 😄 Kaya Sana Po Matulungan Nyo Ako! Gusto ko lng po ng mga Tips Para Sa Gagawin Kong Pag Papapayat Ngayong Bakasyon 😄

    Eto fb ko Pakitignan nalang po
    https://www.facebook.com/ehlamae?ref=tn_tnmn

  18. hi po.. ang sarap mag basa ng kung pano ang tamang pag papayat after giving birth tinatak ko sa sarili ko na di porket may anak na eh tataba na, na ehersisyo ako at nag diet ayun ok naman pumayat ako after for years eto na ulit naglakihan na lahat in short tumaba na, nag exercise ako ng halos 3mos straight di ako nag rice bihirang bihira lng kung mkpag rice man, from 65kls bumagsak ako sa 50 ang payat talaga! pero yun nga lng u healthy ang pagkapayat ko bumagsak pati dede ko heheh natigil ang pag takbo ko at nwala nanaman sa desiplina ngayon 62 kls ako:( hirap na:( 26 nga po pla ako lahat ng damit ko di na kasya:( nakakataba ba ang sobrang pag tulog? nkahiligan ko kasi matulog sa hapon salamat po:)

    1. Magandang araw Thess!

      Base sa mga nabasa ko, between sa kulang at sobra sa tulog. Mas nakakataba ang kulang sa tulog pero marahil nakakataba na rin ang sobra lalo na kung matutulog kang busog. Maigi ang sapat na tulog sa tamang oras din dahil sa daming benefits nito. sa mga age natin ay dapat berween 6-8 lamang at dapat around 11pm ay nahihimbing na.

      Dagdag ko na rin nga pala na sa Canada at kahit na rin sa ibang pag-aaral ang” Sitting is the smoking”. Sedentary position ay pinagmumulan umano ng ilang chronic disease kaya mahala ang exercise, paglalakad at kahit pagtayo-tayo.

      i believe na mas dapat dagdagan mo ang iyong disiplina lalo na ngayon kasi mag-uumpisa na ang pagbagal ng metabolism mo at in away, nagbago na rin ang body mo after manganak.

      Note: ang mga sinabi ko ay base sa aking kuro at mga nabasa.

      Salamat,

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s