Masasabi kong sinuwerte akong maabutan yung palatuntunan noon sa RPN 9 na nagtatampok ng mga black and white flicks ng LVN, Sampaguita at Premier Productions.

At least masasabi kong nakita ko ang kabataan nina Eddie Garcia, Eddie Gutierrez, Susan Roces, Gina Pareño, Nida Blanca (RIP), Nestor de Villa (RIP), Luis Gonzales, Gloria Romero, Charito Solis (RIP) , Erap Estrada, Fernando Poe Jr. etc etc. Sa akin, iba talaga ang napupuntang pelikula kay Charito – heavy drama talaga especially yung “Dahil sa Isang Bulaklak.” Gusto ko rin yong nakakaawa niyang “Igorota” at nakakawindang na kwento ng “Karnal.” Itong huli, talagang may pugutan effect sina Philip Salvador at Vic Silayan (RIP) huh!
Enjoy naman yung sayawan at paistaran blues ng mga pelikula nina Nida & Nestor at Gloria & Luis… medyo pabor nga lang ako kina Nida kasi mas type ko talaga ang magaling sa sayaw at comedy. pero kung comedy, talagang para kay Dolphy ‘yan. Gustong-gusto ko ang kanyang “Darna Kuno,” Lucio & “Miguel” (with the late Panchito), John & Marsha and ‘yong “Black Magic.”

Sa ibang banda, hindi rin matatawaran ang mga makabagbag damdaming mga pelikula na madalas ay ipinapalabas tuwing Semana Santa sa ABS-CBN. Siguro naman napanood na ninyo ang “Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon, “Tinimbang Ka Ngunit Kulang,” at higit sa lahat (& my favorite Nora Aunor film) “Minsa’y May isang Gamu-gamo.”
Grade 3 ata ako nung napanood yung Gamu-gamo at talagang tumatak siya sa isipan ko (kaya nga ayokong mag-nurse eh… charot!). Saka si Hilda Koronel, ang ganda talaga nong kabataan niya, actually hanggang ngayon naman e. Well wish ko makapanood pa ulit ng mga ganoong klaseng pelikula (sorry wala kaming cable.)

Oh ito ngayon ko lang ire-reveal ha, Sharonian ako lalo na dati. Naimpluwensyahan ako ng ate ko na avid fan naman ni Megastar. Siempre trip ko rin yung kilig movies nila ni Gabby Concepcion – “PS I Love You,” “Pati Ba Pintig ng Puso,” “Una Kang Naging Akin” etc. Pinaka-favorite ko na Sharon-gabby movie ay “Sa Hirap at Ginhawa” talagang gusto kong kaladkarin si Cherrie Gil noon papalabas ng disco house habang nagsasayaw sila ni Gabby ng de-yugyog -shoulder-dance. Heheh
Ang iba pang Sharon’s films na gusto ko ay “Bituing Walang Ningning,” “Bukas Luluhod din Ang mga Tala,” “Babangon Ako’t Dudurugin Kita,” “Tatlong Mukha ng Pag-ibig,” “Kahit Konting Pagtingin” (with FPJ); “Maging Sino Ka Man” (with Robin Padilla), “Kahit Wala Ka Na” (with Richard Gomez); “Buy One Take One” (Richard), “Pasan Ko ang Daigdig,” at ” Captain Barbell (siya si Darna)” Okay din siempre yung “Madrasta” niya na naging dahilan para maging Grandslam Best Actress siya at “Crying Ladies” na nagbigay sa kanya ng award mula sa Brussels International Independent Film Festival. Iyong “Crying Ladies” dalawang beses kong pinanood sa sine… hehehe pero yung “Caregiver” hindi ko na pinanood, ayokong umiyak e.
Kailan ko lang napagtanto na pinagsabong pala sila ni Maricel Soriano noon. Mabuti na rin yon para hindi nahati yung puso ko, although siguro siempre kampi ako kay Shawie’ pag nagkataon. Hehehe. Like ko ang “Inday Bote,” “Super Inday & Golden Bibe,” “Pinulot Ka lang sa Lupa,” “Kaya Kong Abutin ang langit” etc.
naaliw din naman ako sa mga films ng regal babies pero mas na-hook ako noong bata ako sa mga pelikula ni Roderick Paulate at special mention diyan ang “Petrang Kabayo.” wahh naalala ko pa na sa ACT theatre kami sa cubao nanood noon.

noong medyo pwede na akong mamili at manood ng sine… wahh favorite ko ang “Magic Temple,” (patay na patay ako nun kay Junell Hernando), then kaming kuya ko trip na trip yung “Dahil na Mahal na Mahal Kita” na unang major film nina Claudine Barretto at Rico Yan (RIP). medyo naaliw din ako kay Jolina Magdangal – Kung Ika’y Isang panaginip at “Kung ayaw mo ‘wag mo.” dati hate ko si Judy ann at isa pa lang na movie niya ang napanood ko sa sine ang “Kasal, Kasali at Kasalo.” pero trip ko rin yung “Bat ‘di na lang totohanin.” nila ni Piolo
sasabihin ko pa ba na top favorite ko ang “Bata-Bata Paano ka Ginawa,” na susundan naman ng “Nasan Ka Man,” at “Santa-Santita” (galing ni Jericho roon). bukod sa bata-bata siempre may iba pa akong vilma santos films tingnan nyo dito.

so far, wala pang dagdag sa mga Tagalog Films na sobrang gusto ko, although meron naman talagang magaganda at may magagaling na acting. basta sa acting bet ko mga artista ngayon sina Jericho Rosales, John Lloyd CRuz, Iza Calzado. nanghihinayang naman ako kina serena dalrymple, carlo aquino, at jiro manio. sana mabigyan sila ng movie pa.

hahahaha…huli mo kapatid…movie buff din ako noong nasa Pinas pa ako….ngayon nga lang nabawasan…tagal kasi ipalabas ang mga films dito…..idadubbed pa kasi nila in italian…di tulad ng dati…every cange pics….una ako hehehehe…..
at saka dito sa italy…minsan lang pala may tagalog film…..puro pirated dvd kaya di ako nanonood…mas gusto ko kasi sa sinehan…wide screen baga…
aba pareho pala tayo… at iba talaga ang mood kapag sa sinehan ka manood. pero alam mo maraming mga old films ang di na naisalba… sadness!
nakakatuwa rin na malaman na buhay din pala ang filipino films diyan kahit maraming kabagayan na gnagawa.
mabuhay!
uy natatandaan ko nga yung tagalog movies sa ch 9. usually 2 pm ata yun hanggang 4 pm di ba? hehehe
gustong gusto kong manood sa rpn 9 ng lumang pelikula dati.. paborito ko rito sina.. dolphy..comedy kasi, jaime dela rosa..adventure and fantasy 🙂
Mah goodness! I’ve always known na hindi ako masyado maalam sa mga Filipino movies… but now ko lang nalaman na kung may exam pala nga mga pelikulang Pilipino e bagsak ang byuti ko! Waaaaaaaa!
korek bernard… yun ang pinapanood ko, ‘pag lumalayas na sa tabi ko yung nagpapatulog sa akin. buhahaha
pero pag dating naman nun eh nkikinood na lang sa akin. hehehe
mabuhay!
oo Sandi, isa si dolphy sa talagang pinapanood ko noon. bukod pa kina nida blanca at nestor… ganda ng horror nila noon nakakaaliw! kahit pa sabihin natin na dehado pa ang effects…
ganda kaya ng lucio & miguel nila ni Panchito.. may kalokohan pero may aral
naku… pero wag ka mag-alala BT may chance ka pa naman makapanood ng lumang movies. at iilang paraan ay ay tuwing mahal na araw o mag-cable ka…
kahit na di yung lumang-luma, simulan mo sa 60s hanggang 80s. mapapansin mo ang kaibahan ng plot, script at acting. at yung story naman ay pasok pa rin hanggang ngayon… marami pa naman ang nagHIHIMALA ngayon eh at mga madreng nag-a-ala Sister Stella …mabuhay!
Magkasingtanda lang naman tayo pero parang karamihan sa mga ito ay nakalimutan ko na o di ko napanood.
Gusto kong movie ni Piolo at Juday iyong Till there was you. hehe
yang mga ‘sexties’ movies, di ba yan yung bell-bottom and sideburn age?
di ba may sayaw noon na ‘twist’?
🙂
ah magkaedad pala tayo, akala ko mas bata … ‘yo. hehehe
okay lang yan, at least interesado kang malaman o nagkataon lang na hindi ka nabigyan ng chance. may mga artista nga diyan ni manood ng ibang local films hindi nila ginagawa, kahit yun ang trabaho nila.
hindi ko naman napanood ang till there was you.. ang napanood ko palang na judyann film ay bakit d 22hanin at kkk.
VF! sa pictures lang ata ako nakakita ng mga bomba films / stars. pero yung bell-bottom madami na rin. nakakatwa nga yung ibang lalaki e kasi nagpapahaba pa ng kulot nilang hair with matching balbas pa ito.
hindi kaya ang counterpart ng leather jacket nga mga action films ng 90s? buheheh
walang my best friend’s girlfriend?
seriously?
una hindi ko pa siya napapanood. pangalawa, hindi ko type pareho ang bida. pangatlo, feeling ko kulang pa ang star quality nila para ihilera kina susan roces & eddie gutierrez, amalia fuentes & romeo vasquez, nida blanca & nestor de villa, gloria romero & luis gonzales, guy & pip, vi & bot, shawie & gabo, taray & pabling… okay?
sorry po pero ganun po ang pananaw ko, seriously… pero hindi ko naman sinasabi na hindi sikat or hot sina marian at richard. hayaan pag na-meet ko si richard sabihin ko idol mo siya. 😉