Nasabi ko na ba na mahilig ako sa mga old Filipino films? Yung talagang award winning at talagang makabagbag damdamin. Pero alam nyo ba kung ano ang isang rason why yung mga film dati eh talagang tagos sa puso at nagiging classic?…hmmm… Sirit? Madalas meron silang binibitiwang mabibigat na linya…
Tanda n’yo pa ba ang linyang ito?
Sharon Cuneta:
- “You are absolutely right. ‘Yan lang ang tingin mo sa akin. Tagahanda ng isusuot mo, ng kakainin mo. Taga-ayos sa bahay mo, tagasalo sa mga problema mo. I was never your partner, I’m just your wife kaya hindi mo ako nirerespeto” – Madrasta
- Noon matataas sila, ‘di maabot. Nagkikislapan…parang mga tala. Ipinapangako ko Inay, bukas luluhod din ang mga tala.”
- “Oo ate, Oo ate, puro na lang Oo ate…..” – nakagapos na puso
Maricel Soriano:
- Ayoko ng tinatapakan ako, ayoko ng masikip, ayoko ngmabaho, ayoko ng walang tubig, ayoko ng walang pagkain. AYoko ng putik! – Kaya kong abutin ang langit
Nora Aunor:
- My brother is not a pig …Ang kapatid ko’y tao hindi baboy damo. – Minsa’y may isang gamu-gamo
Vilma:
- Si Val, Si Val, Si Val palagi na lang si Val, si Val na walang malay – Saan Nagtatago ang Pag-ibig
- (Linya niya sa Bata-Bata Paano Ka Ginawa)
marami pa actually… nakalimutan ko na yung iba… pero pwede rin nyong ipaalala daba!
Eh kagabi kainan at kwentuhan kami ng buong pamilya… third honor kasi yung isa kong pamangkin. Congratz! Tapos napadpad kami sa isang tao na pinagsabihan ko ng linyang:
“Sige ibukod na natin yung ginawa mo sa kapatid ko, pero sana kung hindi ka naging mabuting asawa , sana naging mabuti ka man lang na ama.”
Banas na kasi ako roon, tas ikinuwento ko yung sagot niya sa akin:
“masyado ka ng maraming sinasabi-sabi, pakilamera! Dapat sa iyo…’
hahahaha, nag-react sina Manang Juling at ang isa kong Kuya. Siempre tienes ko na lang yung kunwaring reply sa akin nung lalaking yun. Hahahaha… actually lahat sila sa hapag-kainan nagulat… buhehehe! Patola!
Loka ka… muntik ng sumiklab ang WW III ng dahil sa mabigat mong linya. hehehe
Buti na lang may magic word — patola! hahahaha
award winning?
parang pepe and pilar?
paborito ko yon
hehe
oo nga Len! talagang reaskyon nina Manang Juling at Talong talagang may halong galit at gigil pa.. hehehe! samantalang nakwento ko na sa kanila nung nakaraan yun… may dugtong nga lang kagabi.
naku raft3r parang gusto ko ng panoorin yang si pepe at pilar mo ha… talagang paboritong-paborito mo eh… mabuhay!
🙂
“Don’t wat-wat me ha, yu bangs my jeep e,” -FPJ sa ‘Ang Syota kong Balikbayan.
bahhh… humihirit na si VF!
naalala ko yan… di ba ang si anhjanette (sic) abayari ang leading lady niya diyan?
oo yata. tawa ko lang noong napanood ko hehehe!
eto pa’ng isa, noong hinarana ni FPJ si Sharon sa “Kahit Konting Pagtingin”:
Nakadukwang sa bintana si Sharon. Naka-bulsa ang mga kamay ni FPJ at sabay umaawit ng ‘kahit konting pagtingin’ at ‘kumusta ka’.
baduy ba? 🙂
okay lang VF. yang film na yan ang isa sa paborito kong pelikula nina sharon at FPJ (na nakalagay sa susunod kong blog entry… hehe).
alam mo ba ang winning line diyan sa movie na ‘yan?
sharon: ang hirap kasi sa iyo Delfin, una kang ipinanganak
FPJ: ang hirap naman sa iyo Georgia, huli ka ng ipinanganak…
kako nga..uncompromising hehehe
Vilma Santos in Bata, bata, paano ka ginawa
Albert Martinez asked,”Anong gusto mong gawin ko sa itlog?”
Vilma goes, ” Ang ****** ina gawin mong manok!!!”
hindi ko pa napanood ito pero panalo scene ang linyang ito.
panalo talaga yang Bata-Bata Jube! as in yang buong pelikula talagang one of my favorite films talaga … at yang linya na yan ang talagang nagpahagikgik sa akin sa sineha…
ahu! si delfin, tiope. si georgia, pahele-hele! 🙂
sa tele-nobela naman tayo; “Kahit Isang Saglit”:
Garie: Sungit
Rocky: Kulit
oi, kulit!
hehe..mag share ako..
“gutay gutay na katawan ko, pati kaluluwa ko gutay gutay na rin”- sharon cuneta/ pasan ko ang daigdig.
“Ding, ang bato”- darna movie
“ibalik nyo sa akin si jun jun, ibalik nyo sa akin ang anak ko, ibalik nyo sa akin si jun jun”… tapos nahulog sa hagdan.. Vilma santos/ paano ba mangarap
Lito lapid: ano kulay ng tinta ng ballpen?
Kalaban: itim
Lito: gagawin nating pula 🙂
ayos.. kabisado mo talaga mga linya. Minsan pinapanood ko yang mga movie na yan sa cinema one. Mas “preferred” ko yung lumang pelikula kesa sa mga bago. Iba eh.
ayos mga linya mo sa hapg kainan a. haha
nye talo ako dyan VF… wala akong alam sa Kahit isang Saglit! hhehee
i like yung last part… yung kay lito lapid… hahahaha!
pero teka parang may mali sa linya nung kay sharon… hindi ba?
gutay gutay na ang katawan ninyo inay…wala feeling ko lang.haha!
thanks natuwa ako…
naku jason… naiinis nga ako kanina habang sinusulat ko ito… may gusto pa akong isulat pero hindi ko na makumpleto ang mga linya.
ako rin yung iba sa mga pelikula na babangitin ko sa susunod na entry ko na old films eh… doon ko actually napanood sa cinemaone. iba ang mood kapag nakakapanood ng lumang pelikula noh!?
ayos ba yung sa hapag kainan? hehehe
eto ha, pinanood ko uli para sa yo:
Toni Gonzaga and Sam Milby sa “You are the One.
“Nice to have kapatids,” ani Sam looking for his roots dahil ipina-adapt siya noong bata pa.
“Oo. You have instant friend, instant playmate…..instant enemy,” tugon ni Toni playing the role of Purita Malasmas or Sally.
…bantot naman ng pangalan na Purita hehehe!
ikaw, ano ba ang pangalan mo, Juana? 🙂
hmmm, malapit na sa Juana real nameko pero dati dapat name ko Conchita. buhahaha
parang hindi naman ka-classic-classic yang mga linya nila dyan. mas okay pa yung linya ni Sam sa Maging Sino Ka Man
“I never…said, that i love you.”
saka ni Toni sa PBB and PDA
“Hello Philippines, Hello World.”
buhahaha
the best yan pepe and pilar
napanood ko yan sa cinema one, eh
hehe
naging paborito ko yan kahit dehins to trip sina maricel at gabby
ganon kagandana ang pelikulang yan
hehe
happy weekend, hitokirihoshi
see ya around!
taga mo sa bato
a few years from now
kasama na si marian rivera sa mga may memorable lines sa pinoy movies
hehe
si angel meron na: “i’m sorry. nagkamali ako. ngayon laos na ako.”
nyahaha
sige… kapag may extra money na ako, papakabit na ako ng cable at tsu-tune in ako sa cinema one para sa intriguing pepe & pilar na yan…
meron ng memorable line si marian… nakita mo na ‘yong commercial niya… na wala siyang ibang sinabi kundi “beautiful.”
basta ako… ka-shake na… bye Kapuso at Kapamilya.